Anda di halaman 1dari 6

What Are Their Beliefs?

The religious beliefs of the Manobo revolve around many unseen spirits interfering in
the lives of humans. They believe these spirits can intrude on human activities to
accomplish their desires. The spirits are also believed to have human
characteristics. They are both good and evil in nature and can be evoked to both
anger and pleasure.

Ang paniniwalang relihiyon ng mga Manobo ay umiikot sa mga di nakikitang espirito


na sumasagabal sa buhay ng tao. Ang mga espiritong ito ay maaring makasagabal
sa mga gawain ng Manobo. Ang mga espirito din ay pinapaniwalaan na may
katangian gaya ng isang tao.

Kahit na magkakaiba ang mga paniniwalang relihiyon ng Manobo, ay mayroong


pagkakatulad na siyang naguugnay sa kanila. Naniniwala sila sa isang
“Pinakamataas na Espirito” na tinitingnan nila bilang tagapaglikha.

Manobo, the name may came from Mansuba from man (person or people) and suba (river), meaning
river people. The first Manobo settlers lived in northern Mindanao, at present Manobo tribes can be
found at the hillsides and river valleys of the northeastern part of Cotabato.
According to an oral tradition, the Manobo's were lead by two brothers: Mumalu and Tabunaway,
they lived by the Banobo creek, which flowed into the Mindanao River near the present site of
Cotabato City. In the 14th century Sharif Kabungsuan, a muslim missionary, arrived from Johore, to
convert the people of Mindanao. Tabunaway did not want to convert to Islam but told his younger
brother not to reject the Muslim Faith. Tabunaway and his followers moved up the Pulangi River to
the interior of Cotabato, they decided to part ways and in the years to come established their own
tribes. These groups retained their indigenous beliefs, practices and the name of their original site,
Banobo, which eventually became Manobo, the descendant's of Mamalu became the Maguindanao.
Despite the fact that the various Manobo communities have been separated there is one common
threat that binds them together, Each tribal group culture believes in one Great Spirit. usually viewed
as the creator figure. The Manobo also believe that there are many unseen spirits who can intrude in
the lives of humans to accomplish their desires. These spirits are both good and evil in nature and
can raise anger and pleasure. There is a common believe that a Manobo hunter will be killed by his
own dogs or prey if he does not ask for permission first from Lalawag, the god of all forest games,
before going on a hunting trip.
Sila ay naniniwala na ang mga mangangasong Manobo ay mapapatay ng kanilang aso o kalaban
kung hindi sila manghihingi ng permiso mula sa kay Lalawag, ang diyos ng kagubatan.

The Samayaan is a native ritual in which omens are read in connection with the various stages of
the farming cycle: clearing, planting, growing, and harvesting. The first day of the planting season
marks the beginning of the Manobo year, the last day of harvesting is the ending. Cultivating rice
and corn has been and still is a part of the Manobo way of living, some Manobo villages have
shifted to the cultivation of coconut for copra export. Corn and rice are planted in the month
of February, the corn is harvested in July but rice takes longer to grow and is harvested four months
later. When the trees start to bloom, the Manobo hunter will wait for the coming of the bees that will
led him to their bee hives. The hunt for bees is the basis of the traditional bee-hunting dance. To
pray for a successful hunt only bee hunters are allowed to sing a traditional song titled Manganinay ,
this hymn is sung in honor of Panayangan, the god of the bee hunt. The song must be proclamed
outside the house, singing it inside will cause the house to burn down.
Throughout the year, the elders of the Manobo tribe are looking for the star-lit sky to determine the
season of planting, harvesting, fishing and hunting. Each star can bring a different message and will
guide the tribal group in their traditional way of living. This practice is called Pamiteun, the
Manobos' indigenous way of understanding the stars. Nowadays only the members of the older
generation of farmers will continue to use the Pamiteun but they are passing the knowledge to the
present generation, to learn the old way of living, keep their culture and traditions alive and deepen
their consciousness about their own culture

Pamiteun
Ang mga matatandang Manobo ay naniniwala sa pagtingin sa makinang na bituin upang malaman
ang panahon sa pagtatanim, pag – aani, pangingisda at pangangaso. Ang mga bituin ay mayroong
iba’t – ibang mensahe na gagabay sa pamumuhay ng mga Manobo.
A Manobo community is mostly male dominated, The man is considered as the head of the family
and he is the one who will make the family decisions. Only a Royal, a Datu can practise
polygamy, only with the consent of the first wife and her parents. The fist wife will remain the head
wife. The Datu or Chief must also have proven his bravery and leadership in battle as a bagani. This
postion can be passed on to a Datu's children, as long as they have the necessary qualifications.
Village member are expect help in any way from their kinship group or persons related by marriage,
this relationship is named upakat or reciprocity.

Karamihan sa komunidad ng Manobo ay mga lalake. Ang mga lalake ay itinuturing na haligi ng
tahanan at siyang gagawa ng desisyon para sa pamilya. Ang mga datu lamang ang maaring
magasawa ng marami.

45. PAMAHIIN NG MGA MANOBO .Sila ay magagaling na mga panday. .Mahuhusay din silang gumawa ng
palayok. Mga tahimik sila subalit masayahin, masisipag at may matitipunong katawan. .Kilala din sila sa
pagiging maparaan at sa mabubuting pagtanggap ng mga panauhin. .Sila ay may mga TATO na simbolo
ng kanilang tribu.

46. .Sila ay raw ay hindi naglilibing ng mga patay,ang kanilang bangkay ay inilalagay nila sa biniyak na
troso at ikinikola ng goma upang magtagal at huwag mangamoy. .Ang bangkay ay inaabot ng
dalawampung taon. .Ang kabaong ng mga bata ay ibinibitin sa haligi ng bahay at kung minsan ay
ginagawang unan samantalang ang mga kabaong ng mga matatanda ay inilalagay sa bungad ng kanilang
bahay para makita agad ng mga panauhin.

Ang Manobo ay isa sa mga pinakamatandang tribo ng ating bansa na dapat na


ipagmalaki sapagkat mayaman ang kanilang kultura na sana'y naipasa sa bawat
Pilipino. Ang nasabing tribo ay tubong Agusan, isang lalawigan sa Mindanao, ito'y ayon
sa aming naka-usap na isang tubong Agusan at kung maniniwala kayo ay isang
Manobo. Ayon din sa kanya napakarami nilang mga Manobo at sila'y naninirahan sa
iba't-ibang kabukiran sa Agusan.

KASAYSAYAN AT PINAGMULAN

Sino at ano nga ba ang nga Manobo? Saan ba talaga sila nagmula at anu-ano ang
kanilang mga kaugalian na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring umiiral sa
komunidad? Yan at ilan pang mga tanong ang balak at gustong sagutin ng blog na ito.
Sisimulan natin sa kung ano ba ang ibig sabihin ng salitang "Manobo".Maraming mga
sagot patungkol sa kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng salitang Manobo. Ang
isa ay nagsasabing: ang Manobo ay nangangahulugang 'tao' o 'mga tao';ikalawa ay ito
raw ay nagmula sa salitang "Mansuba" mula sa salitang 'man' na
nangangahulugang 'tao' at 'suba' na ang ibig sabihin ay'ilog',ibig sabihin ang salitang
"Mansuba" ay nangangahuligang "taong ilog" sapagkat karamihan sa kanila ay
makikitang nakatira sa tabi ng mga ilog;ang ikatlo ay nagsasabi na ito raw ay nagmula
sa salitang "Banobo", isang creek na kasalukuyang dumadaloy sa Ilog Pulange
dalawang kilometro pababa ng Cotabato City;at ang ikaapat ay nagsasabi na ito ay
galing sa salitang "man" na ang ibig sabihin naman ay "first o aboriginal" at "tuvu" na
ang ibig sabihin ay "pagtubo o paglaki".
Ang mga manobo ay nagmula sa mga taong lagalag mula sa kanlurang bahagi ng
Tsina. Karamihan sa kanila ay nakatira sa tabing-ilog, tabi ng mga burol at sa talampas
sa maraming bahagi ng Mindanao. Sinasabing sila ay unang nanirahan sa mga lambak
ng Ilog Pulangi subalit naghiwa-hiwalay sa pagdating ni Shariff Kabungsuan dahil sa
pagtanggi ng ilan sa relihiyongIslam.

EKONOMIYA AT INDUSTRIYA
Ang karaniwang industriya ng mga manobo ay angkaingin. Ang pangunahing
hanapbuhay ng mga manobo ay pagtatanim ng palay at mais. Marunong din silang
mangisda,pangangaso at pagkuha ng "pulot". Dahil dito, nabuhay ang nga Manobo sa
isang sagana at matiwasay na pamumuhay. Subalit, ang ilang nanirahan ng
permanente ay natuto at nakuntento na lang sa pagtatanim ng niyog at pagcocopra.

LIPUNAN AT PAMAHALAAN
Nauuri sa apat ang mga manobo: ang bagani,baylan,mga manggagawa at
mga alipin. Ang mgabagani ay ang mga mandirigma na lumalaban sa nga digmaan at
nagtatanggol sa pamayanan; ang mgabaylan ay ang mga babae o lalaking pari at
manggagamot; ang mga manggagawa ay ang mga magasasaka at ang mga alipin ay
ang mga nakuha o mga nabihag nilang mga kalaban. pati mga katutubo ay pwede ring
maging alipin kung sila'y naparusahan sa kanilang pagkakasala.
Pinamumunuan sila ng tatlo hanggang apat na timuay obai (babaeng datu)
depende sa lawak at pagkakalapit-lapit ng mga baranggay. Subalit, ang mga Manobo
ay walang sistema ng pamunuan hanggang sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.

KAUGALIAN AT MGA PANINIWALA


Ang mga Manobo ay maraming paniniwala. Ilan dito ay ang paniniwala ng mga
buntis na sila ay dapat manatili sa loob ng bahay kung pula ang kulay ng langit matapos
lumubog ang araw. Ito ay dahil sa paniniwalang ang mga busaw (aswang) na uhaw sa
dugo ay nasa paligid at nag-aabang sa biktima. Hindi rin sila maaring tumakbo kapag
nasugatan ang paa sapagkat malalaglag ang kanilang pinagbubuntis.
Habang nanganganak ang babae,ang kumadrona ay naglalagay ng mga anting-
anting sa bewang ng nanganganak. Ito ay upang ipagtanggol ang buntis sa mga
masasamang anito sa paligid. Matapos manganak, nililinis ng kumadrona ang lahat ng
bagay na ginamit sa panganganak upang maitaboy ang busaw. Biang kabayaran, ang
kumadrona ay dapat bayaran ng maliit na kutsilyo upang linisin ang mga kuko; isang
plato upang paglagyan ng dugo ng sinakripisyong manok; malong upang makapagbihis
siya; at konting salapi upang hindi siya maglagay o magbitiw ng anumang sumpa sa
pamilya.
Ang kasal naman ay kadalasang isang kasunduan sa pagitan ng mga magulang.
Ito ay nagsisimula sa ginsa (paki-usap) ng pamilya ng babae sa pamilya ng lalaki kung
saan ito ay magalang na tinatanggihan hanggang magkaroon ng kasunduan para
sa kagun (bridewealth). Lahat ng kamag-anak ng lalaki ay mag-aambagan para
sa kagun hanggang sa maabot nila ang halaga ng kagun. Ang araw ng kasal ay
maitatakda lamang kung matapos nang maabot ang halaga nang kagun. Habang nag-
aambagan ang pamilya ng lalaki, ang pamilya ng babae naman ay abala sa
paghahanda ng apa ( handaan ng kasal). Nagtatapos ang proseso sa isang
marangyang kasal. Ang kasal sa kanila ay isang sistema kung saan ang ugnayan ng
pamilya ng lalaki at babae ay kinakailangan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa,
bagama't kadalasan lang kung mangyari ay hindi ipinagbabawal.
Mayroon din silang kaugalian sa palilibing. Ang patay na lalaki ay kanilang
inililibing na nakaharap sa silangan upang ang pagsikat ng araw ay magbigay hudyat na
oras na upang magtrabaho. Ang babaeng namatay naman ay inililibing na nakaharap
sa kanluran upang ang paglubog ng araw ay magbigay hudyat na oras na para sa
kanya ang magsaing. Sa oras na tinatakpan na ng lupa ang libingan, lahat ng naroon ay
tumatalikod upang mapigilan silang mahikayat na sumama sa namatay. Matapos ang
libing, mayroong walo hanggang labindalawang araw ng kalungkutan depende sa
estado ng namatay. Ang sanggol ay isang araw lang at ang datu hanggang pitong araw.
May kantahan at sayawan sa loob ng mga araw na ito subalit ipinagbabawal ang
instrumental na mga kanta.

SINING
Ang pagiging makasining ng mga Manobo ay makikita sa kanilang pang-araw-
araw na kasuotan. ang kanilang tradisyunal na kasuotan ay magarang binurdahan at
halos lahat ay gawa sa abaka. Ito ay kinukalayan gamit ang mga pangkulay mula sa
kalikasan. Kumukuha sila sa iba't-ibang halaman para sa iba't-ibang kulay. Kadalasan
ito ay hinahabi na may nga disenyo ng mga bulaklak at mga bagay sa kalikasan.
Subalit, ang mga kasuotang ito ay nakilala lamang raw ng mga Manobo ng maaga lang
ngayong siglo sapagkat, ang mga Manobo ay hindi marunong maghabi.
Maging ang pag-aayos ng kanilang buhok ay masining. Ang mga buhok nila ay
kadalasang nasa estilong "buns" at "bangs". Ang buhok ng mga babae ay nilalagyan ng
kawayang suklay at mga dekorasyon gaya ng perlas, kabibe at mga bagay na iba't-
ibang hugis. Ang sa mga lalaki naman ay ang tinatawag na tengkulu, isang piraso ng
tela na kanilang binubuklod palibot sa kanilang ulo.
Ang mga alahas din ay may mahalagang papel sa kanilang buhay. Ang ilan pa
nga rito ay pinaniniwalaang epektibo laban sa mga lason at sumpa. Ang mga babae ay
may mga hikaw na kahoy na halos tatlong sentimetro ang lapad. Ito ay nababalutan ng
ginto,pilak o di kaya'y tanso. Mga kuwintas na kung tawagin aybalungkag na hinuhubog
nila sa iba't-ibang disenyo gamit ang mga kabibe, maliliit na beads, ngipin ng buwaya o
di kaya'y mga kristal na may iba't-ibang kulay. Meron ding tinatawag na sinakit, isang
kuwintas na sinukat sa laki at lapad ng leeg. Ang para sa mga lalaki ay isang sinakit na
hinugis na tila likod ng isang sawa.
Marami pa silang mga dekorasyon sa katawan gaya ng tattoo, panggilid sa
ngipin at pulseras ng iba't-ibang uri at laki.
Gumagawa rin sila ng mga bagay-bagay na magagamit nila sa pang-araw-araw
na buhay. May mga sombrero na gawa sa kawayan at erik-ik o anahaw. Marami silang
basket para sa iba't-ibang gamit. May basket para sa isda, bigas at mga pang-imbak.
Ang mga Manobo ay mayaman rin pagdating sa kanilang pagsulat.Mayroong
atukon, bugtong, salawikain, panonggelengan, katutubong kuwento, pabula, epiko at
nakakatuwang kuwento.

Anda mungkin juga menyukai