1. BATAYANG ANTAS
Tinatawag din itong panimulang pagbasa sapagkat pinauunlad dito ang rudimentaryong kakayahan. Ibig sabihin, dinedevelop ito
mula sa kamangmangan. Elementaryang pagbasa rin ito, dahil sinisimulang ipinatututo sa paaralang elementarya.
Wika ang pokus sa antas na ito ng pagbasa. Unang konsentrasyon dito ang pagkilala sa aktwal na mga salita, at ang pagpapamalay sa
kahulugan ng mga ito.
1. INSPEKSYUNAL NA ANTAS
Panahon ang pinakamahalaga sa antas na ito ng pagbasa. Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa. Hindi hangad ditong kunin
ang lahat-lahat sa binabasa, tanging mga superfisyal na kaalaman lamang. Tungkol saan ang libro? Anu-anu ang mga bahagi
nito? Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Novela ba? Diksyunaryo ba?
Pre-reading o sistematikong iskiming din kung tatawagin ito.
2. Mapanuri o Analytikal na Antas
Aktibo naman ang antas na ito ng pagbasa sapagkat hangad ditong intindihing mabuti ang ipinapakahulugan ng babasahin.
Interpretatibo ito, sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa pagitan
ng teksto o linya.
Pinahahalagahan rito ang malalalim na nakapaloob na kaisipan. Syempre pa, hindi mahihiwalay ang pagpapahalaga sa
kahusayan ng mga paraan ng pagkakasulat nito.
3. Sintopikal na Antas
Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Kumplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa.
Komparatibo rin ito.
Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapag-hambing siya, makapagtulad at makapag-iba-iba,
makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga.
Pag uunawang integratibo.
Ang isang magaling na mambabasa ay gumagamit ng dalawang uri ng paraan sa pagproseso ng kaalaman mula sa teksto. (Carell
at Eisterhold,1983)
1. Paraang bottom-up o pag-unawa sa teksto batay sa mga nakikita rito tulad ng mga:
- salita
- pangungusap
- larawan
- dayagram
Tinawag ito ni Smith (1983) na text-based, outside-in o data-driven sa dahilang ang impormasyon ay hindi nagmula sa
mambabasa kung hindi sa teksto.
Tinatawag din itong reader-based, inside-out o conceptually-driven sa dahilang ang kahulugan o impormasyon ay
nagmula sa mambabasa patungo sa teksto.
Nangyayari ito kung ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga konsepto o
kaalaman (schema) na nabuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng awtor sa teksto.
Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng mambabasa at teksto
Nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa istruktura
ng wika at sa talasalitaan kasabay ang paggamit ng dating kaalaman at mga pananaw.
Narito ang mga kasanayan sa pagbasa na ginagawa sa klase. Tingnan at uriin kung paano ang pagpoproseso rito ng mga mag-
aaral ayon sa dalawang paraan: Bottom-up o Top-down.
1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa
2. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari
3. Pagbibigay ng hinuha o palagay
4. Pagtukoy sa sanhi at bunga
5. Pagbibigay ng wakas sa kuwento
6. Paglalarawan ng tauhan
7. Pagbibigay ng buod ng kuwento
8. Pagbibigay ng sanhi at bunga
9. Pagbibigay ng reaksyon sa binasa
10. Paggawa ng direksyon o mapa
batay sa binasa
ANTAS NG PAGBASA
1. Persepsyon o pagkilala-Ito ang kakayahang makilala ang mga simbulong ginagamit o nakalimbag gaya ng letra, salita,
pangungusap at bantas, o ang wikang ginamit
2. Komprehensyon o pag-unawa -Ang mambabasa aynauunawaan ang mensahe na inihatid ng simbulo na ginamit
3. Applikasyon o reaksyon- Nagkaroon ng wastong pagunawa, paggamit at pagpapahalaga sa mga mensahe na ibinibigay ng may-
akda
4. Integrasyon -nagkaroon ng kakahayan na makilala ang mga dapat at di-dapat at isama sa bago at dati ng kaalaman
YUGTO NG PAGBASA
Kahandaan sa pagbasa O sa ingles (reading readiness)- Ang yugtong ito sa pagbabasa ay nararanasan ng mga bata sa iba-
ibang edad. May mga batang maagang nalilinang ang kahandaan sa pagbasa.
Mga Salik
1. Emosyonal at sosyal
2. Pisikal
3. Mental
4. Wika
5. Personalidad at
6. Karanasan
Panimulang pagbasa
Sa yugtong ito ng pagbasa, naririto ang pagkatuto sa pagkilala sa partikular na simbolo, sa salita, parirala at pangungusap at ang isinasaad na
ideya o kaisipan. Dito nakikilala ang salita, ang iba-ibang kombinasyon ng pantig na ang bawat kombinasyon ay nakabubuo ng ibang salita. Gaya
ng ba-ta, sa sa-ba, ta-sa, ga-wa, bababa at Bababa ba? Habang unti-unting nakikilala ang mga pantig ay dumarami ang salitang nababasa. Bukod
sa iba-ibang kombinasyon ng KP pantig (katinig-patinig) gaya ng ba, be, bi, bo, bu, ka, ke, ki, ko, ku, at iba pa, may ipinakikilala ring paisa-isang
salitang sight word gaya ng ang, ay, at. Ito’y upang makabasa rin sila ng parirala at pangungusap gaya halimbawa ng “ Ako ay may aso. Itim ang
balahibo.” Gayon din ang ilang salitang lagi na lamang nilang nababasa sa paskilan, sa leybel (label) ng gamit sa silid-aralan, gaya ng silya,mesa,
pinto, bintana.
Pagpapaunlad ng kakayahan o mabilis na pagunlad- Sa yugtong ito, nalilinang ang kasanayan sa mabilis na pagkilala sa salita,
parirala at pangungusap at ang mabilis na pag-unawa o komprehensyon sa binasa.
Malawakang pagbasa- Sa yugtong ito, pinipino at pinauunlad ang pagbasa. Ang pagbasa na isang kasanayang angkin ng mag-aaral ay
isang instrumento rin sa pagtuklas ng lalong marami at malawak na impormasyon, mga kaisipan, pagpapakahulugan o
interpretasyon.
Pagpapapino at pagpapaunlad pa ng mga kasanayang natamo sa pagbasa- Patuloy na pinipino at pinauunlad ang pagbasa sa yugtong
ito. Mula sekondarya hanggang tersyarya nagaganap ang yugtong ito. Dito rin malalaman ng mag-aaral ang ibinubunga ng iba’t ibang
kasanayan sa pagbasa sa kanya tulad
PAGSASALITA
Makro ng komunikasyon na nagiging daan upang buong layang maipahayag ng tao ang kanyang karapatan, niloloob at damdamin.
Isa rin itong tungkulin upang ang maayos na pakikipagtalastasan ay magkaroon ng magandang bunga.
KAHALAGAHAN
Maayos na kaanyuan.
May layunin at lubos na kaalaman sa naturang paksa.
May matatag na damdamin at malawak na kaisipan.
May kasanayan sa wika, retorika at balarila.
Kawili-wili ang tinig, wasto ang intonasyon.
Malinaw ang pagbigkas ng pagsasalita.
May nalilinang na ugnayan sa pagitan niya at ang mga tagapakinig.
1. TINDIG
2. GALAW
3. KUMPAS
4. TINIG
KOMPETENSI SA PAGSASALITA
URI NG PAGSASALITA
1. PORMAL
2. DI PORMAL
1. PAKIKIPAG-USAP.
2. PAKIKIPAGDEBATE.
3. BALAGTASAN.
4. PAGKUKUWENTO.
5. PAKIKIPANAYAM.
6. PANGKATANG TALAKAYAN.
7. GAWAING TALAKAYAN.
8. PAGBABALITA.
9. PAGTATALUMPATI.
PAGSULAT
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbolo at ilustrasyon ng isang tao.
Ayon kay Xing at Jin, (1989) ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang elemento.
At ayon naman kay Keller, (1985) ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
Ang pagsulat na paraan ng komunikasyon ay higit lalong gamitin sa pagpapatakbo ng malalaking kalakal o negosyo.
Sa larangan ng edukasyon mayroon tayong nalalaman, naaanalisa at nababanaag na pinagmulan ng mga bagay-bagay dahil sa
panulat.
Sa teknolohiya, mabilis na lumaganap ang mga kaalaman sa pagtatakbo ng makinarya, paggamit ng kompyuter at mga “cellphones”.
Sa kasaysayan hindi nating mapapasubalian ang halaga ng mga nakalimbag na pangyayari sa bawat yugto ng buhay ng sinaunang
Pilipino na patuloy magpasa hanggang ngayon. Nababatid natin ang mahahalagang pangyayari at kung kailan naganap sa
pamamagitan ng tala.
Sa agham/siyesia, ang mga bagong tuklas at kaalaman ay mabilis na nababatid dahil sa mga limbag at tala.
Sa iba’t-ibang larangan batid natin ang kahalagahan ng pagsulat. Ito ay pagpapanatili ng kahit na anong bagay o kaalaman na nais
nating patuloy na mabatid at mapayabong.
1. Panghihikayat (Persuasive) – pagpapahayag na naglalayong mahikayat ang mambabasa na makiayon o tanggapin ang
pananaw ng manunulat.
2. Exposisyon (Exposition) – pagpapahayag na may tunguhing ipaliwanag ang pangyayari, opinyon, kabatiran, at mga
kaisipan.
3. Pangangatwiran (Argumentation) – pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala
ang kausap o bumabasa sa opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumusulat.
1. Paksa – ito ang iniikutan ng talakayan sa isang aralin. Ito ang tampok sa pagpapabatid. Mahalaga ang kabatiran sa paksa upang
mabisang makapagpahayag.
2. Layunin – ang tinutungo ng may-akda sa pagsusulat. Ang layunin ay maaaring maghangad ng pagbibigay aliw, mahikayat o
mangumbinsi at maaaring ang panulat ay magsiwalat.
3. Awdyens o tagabasa – ang mambabasa ang pangunahing target ay manunulat. Sa mambabasa nakatuon ang layuning maisulat
ang isang paksa. Ang talastasang interpersonal sapagkat nagkakaroon ng interaksyon ang mambabasa sa akdang kanyang
binabasa.
4. Wika – ito ang kasangkapang daan sa pagsusulat. Walang limitasyon sa istilo at pamamaraan ng paggamit ng wika sa
pagsusulat upang maging mabisa at epektibo ang pagpapahayag ng isipan.
5. Kombensyon – ang kaangkupan ng isang sulating kinikilala at tinatanggap sa unang pamayanan, pangkat, larangan at pag-aaral
ay mahalaga.
6. Kasanayang Intelektwal – ang mga kasanayan sa lohika, imahinasyon o pagkamalikhain, katwiran o iba pang gawaing pampag-
iisip ay may malaking maitutulong sa pagtitimbang ng mga karunungan at impormasyong ipinahahatid.
Hakbang sa pagsulat:
A. Pagpaplano ng isusulat – ang unang hakbang para sa paksang tatalakayin sa panulat. Ang isang nagpaplano ng pagsusulat ay
kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Kaalaman sa paksa
-pananaliksik
-pagbabasa
-pangangalap ng datos/sarbey
-pakikipanayam
4. Napapanahong Talakay
B. Paggawa ng burador – ang prosesong ito ay ang pagsasatitik ng mga kaisipan, kaalaman at karanasan sa paksang nais talakayin.
C. Pagrerebisa ng burador –ang prosesong ito ay ang pagsasaayos ng pagkasunud-sunod ng mga kawil ng pangyayari. Ang pagkilala
kung anong kaisipan ang dapat manguna at aling mga pangyayari ang magpapatatag sa pangunahing kaisipan.
D. Ang Pinal na Panulat – ito ang produkto o bunga ng isang masalimuot na panulat.
A. Paglilista ng mga Detalye – ang pinakasimpleng paraan sa pagsasaayos ng teksto. Isa-isang inilalahad ang mga elemento o detalye
upang matugunan ang paksang tinalakay.
3. Spatial o Paagwat – maaaring zoom-in (papalapit) o zoom-out (papalayo) sang-ayon sa nais ng manunulat.
4. Seksyunal – hahatiin sa dalawang seksyon ang mga detalye. Kung saan mauuna ang isa kasama ang mga itinalang katangian sa
ilalim ng seksyon o kategorya at susundan ng ikalawang seksyon o kategorya.
5. Induktibo at Deduktibo – makapagsisimula sa isang kaalamang pangkalahatan at itatala ang mga kaisipan sa ilalim ng paglalahat
(deduktibo) o mula sa mga payak na detalye na siya namang lalagumin (induktibo).
B. Grafikong Pagsunud-sunod – sa tulong ng larawan, grap o mapa ay naipapakita ang ayos o tamang daloy ng mga ideya mula sa
isang paksa o talakay. Kasama rito ang angkop na pagpapaliwanag kung paano nagaganap ang saykel na nakalarawan.
C. Pagsusuri o Kritisismo – nakalista ang mga detalye na isa-isang sinusuri at pinahahalagahan. Ilan sa mga nasa ganitong anyo ay ang
panunuring pangliteratura at mga tesis.
D. Hambingan at Kontras –ang kabuuan ng teksto ay tumatalakay sa dalawang magkaibang bagay na may iba’t-ibang direksyon.
E. Sanhi at Bunga – ipinapakita ritona kaya nagaganap ang A ay dahil sa B. Ang mga ugat ay pinahalagahan upang malinaw na
matukoy ang dahilan ng pagkakabuo ng isang bagay.
F. Problema at Solusyon – ipinahayag ang isang kaisipang dapat malutas at sa dahan-dahang pagdaloy ng mga pangyayari ay
makikita ang paraan upang ito’y matugunan o matumbasan ng aksyon.
G. Pag-uuri o Pagpapangkat
- ang mga kalat at magkakaibang bagay ay mayroon ding kinabibilangang uri o pangkat. Sa prosesong ito ay naipapakita
ang isang pangkalahatang larawan na binubuo ng maraming elemento.
Ekspositori o Paglalahad
- ay akda na ang layunin ay magpaliwanag sa paksa na tumutugon sa pangangailangang pangkarunungan ng mga tao. Masasabing ito
ang pinakakaraniwang anyo ng pagpapahayag at sumasaklaw sa pinakamalaking bahagi ng sinusulat at binabasa ng mga tao.
- masasabing ito ang pinakasimpleng paraan na pang-organisa ng teksto. Ang mga ideya at detalye nito ay isa-isang inilahad o
tinatalakay sa teksto. Karaniwang ayusin nang kronolohikal ang mga pangyayari mula sa una, isususnod ang pangalawa, ang pangatlo
hanggang sa matapos ang teksto.
2. Pagsusuri
- gumagamit din ito ng paglilista ngunit ang mga naitalang detalye ay sinusuri pa. Ang mga sangkap ng bagay na sinusuri ay
pinaghihiwa-hiwalay at ipinaliliwanag ang kanilang pagkakaugnay-ugnay. Karaniwang ginagamit ito sa pamumuna (criticism) at
talambuhay na palahad (expository biography).
3. Paghahambing at Pagtutumbas
- sa paraang ito, mapapansing may dalawang bagay, isipan o pangyayari na pinaghahambing. Iba-ibang anyo ang nagagamit dito ng
awtor. Maaaring iukol ang isang talata para sa isipang A at isunod ang isang talata para sa isipang B, at patuloy na gawin ito
hanggang sa matapos ang teksto.
4. Sanhi at Pinagmulan
- may mga akda na ginagamitan ng paraang sanhi at pinagmulan para ito mabuo. May mga paksang naipaliwanag o matatalakay
kung babanggitin ang pinanggalingan o pagbanggit sa sanhing pinagmulan.
hal: alamat
5. Problema at solusyon
- sa maikling kuwento, ang kayarian nito ay nagsimula sa pagpapakilala sa problema at ang katawan ay bubuuin naman ng mga
pangyayaring nagsasalaysay kung paano ang gagawin ng pangunahing tauhan upang ang problema ay malutas. Nagwawakas ang
estorya ng maikling kuwento sa pagkakaroon ng solusyon ng problema.
Paraan ng Pagsulat
Pre-writing - Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
Actual writing – Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft.
Rewriting – Dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong gramar, bokabulari at pagkakasunud-sunod ng
mga ideya o lohika.
-ang teksto ay binubuo ng mga pangungusap at bawat pangungusap ay may salita. Kung ibig ng manunulat na maging epektibo at
malinaw ang pagkakahayag sa mga kaisipan, dapat ay taglay niya ang kabatiran sa paggamit ng mga salitang aangkop sa diwang
ipinapahayag.
-ang ilan sa mga salitang makatutulong sa mabisang pagbuo ng teksto ay ang mga sumusunod
A. Pangatnig – iniuugnay ng mga kataga o salita ang mga salita, parirala o sugnay.
3. Magbibigay Sanhi o Dahilan – iniuugnay ng mga salitang tulad ng dahil sa, sapagkat, palibhasa, kasi, mangyari o kundangan ay, ang
mga lipon ng mga salita o parirala sa isang nagbibigay katwiran o naglalahad ng dahilan.
4. Paglalahad ng Bunga o Resulta – gamit ang mga katagang kaya, tuloy, bunga nito, kaya naman, upang maipakita ang kinalalabasan
o bunga.
5. Pagpapatotoo – isinasaad ang pagpapatuloy sa tulong ng mga salitang totoo lang o sa katunayan.
6. Pagbibigay-Kondisyon – ang mga pasubali o kondisyon ay isinasaad kung ginagamit ang mga salita katulad ng kapag, kung,
sakaling, sandaling o basta’t.
7. Kontrast o Pagsalungat – kabilang ang pero, ngunit sa halip, datapwat o subalit sa mga salitang nagsasaad ng di pagsang-ayon o
pagkontra.
8. Pagbibigay Eksepsyon – ihinihiwalay ang isang kaisipan , ideya o salita gamit ang maliban sa, huwag lang o kundi lang.
9. Paglilinaw/Klaripikasyon – upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang parirala ay ginagamit ang mga salitang anupa’t, kung
gayon, samakatwid, alalaon, kaya, sa kabilang dako.
10. Naghahayag ng Pangkakasunud-sunod – ipinakikita ang na ayos ng kronolohikal na ayos ng gamit ng mga salitang noon,
samantala, nang magkaganoon o pagkatapos.
11. Mga Salitang Nagsasaad ng Posisyon – ipinakikita ang pagkakalagay gamit ang sa ibabaw nito, sa tapat ng o kaagapay.
- ang panghalip na panao ay inihahalili sa tao gamit ang ng, ang, at sa.
C. Mga Pang-uring Pamilang – kabilang dito ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo, at iba pa upang maipakita ang diin sa puntong nais
ipahayag. Ang una ang siyang empasis na susundan na lamang ng mga kaugnay.
Mga uri ng pagsulat
Akademik- Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa
paaralan.
Teknikal- isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na layunin.
Jornalistik- saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan
o magasin.
Referensyal- uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa, madalas itong
makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Malikhain- masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-
fiksyonal ang akdang isinusulat.
ayon naman kay John Marshall, ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na nagsisilbing
impluwensiya upang makipag-usap nang mabuti.
Kahulugan ng PAKIKINIG
Pakikinig – 45%
Pagsasalita – 30%
Pagbabasa – 16%
Pagsulat – 9%
Proseso ng pakikinig
2. Pakikinig na Diskriminatori – kritikal na pakikinig ito. Pakikinig upang makilala ang kaibahan o katangian ng tunog. Inuunawa at inaalala ang
impormasyong kanyang narinig.
3. Pakikinig na terapyutik – pakikinig upang mabigyan ang isang tao ng kapanatagan ng sarili.
6. Internal na pakikinig – pakikinig sa sarili. Inuunawa ng isang tagapakinig ang mga pribadong kaisipan at katanungan.
Tagapagsalita
Oras
Lugar
Gulang
Konsepto sa Sarili
Tsanel
Kultura
Paksa
3. Oras – ang oras ba ng pakikinig ay oras na ang pandinig ng tao ay handang-handang makinig? kailangan may kahandaan ang tagapakinig
upang lubusang maunawaan niya ang kanyang narinig.
5. Gulang – ang edad ba ng tagapakinig ay iba- iba? Isa sa batayan ng pakakaiba- iba ng kasanayan sa pakikinig ay ang
edad ng tao. Nababase sa dalwa; bata at matanda.
6. Konsepto sa sarili – ang konsepto sa sarili ng iba’t ibang tagapakinig ay nagkakaiba rin. nasa pagpapakahulugan ng
tagapakinig ang kanyang narinig na mensahe. Paano tinatanggap ang mensahe.
7. Tsanel – karaniwan, ito ang suliranin kung ang ginagamit ay telepono, celfon at brodkas sa radyo. Kung pasalita naman
at malinaw ang pagbigkas ng tunog at wasto ang gamit na salita walang problema sa pagsasalita.
8. Kultura – ang pagkakaroon ng iba’t ibang kultura ng bayan ay nagkakaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan.
Uri ng pakikinig
Paraan
1. Passive o marginal na pakikinig – ang nakikinig dito ay hindi gaanong napagtutuunan ng pansin ang mensahe o pinakikinggan ang
mensahe sapagkat maraming isinasabay na gawain.
2. Masigasig at may pagpapahalaga – ang nakikinig ay gustong magkaroon ng kaalaman sa mensahe o ideya ng ng tagapagsalita.
3. Kritikal o mapanuring pakikinig – ang layunin ng pakikinig ay makuha ang mensahe at magbigay puna ng pagkakatulad at pagkakaiba.
1. Two-eared Listener.
Ang pinakamagaling at epektibong tagapakinig. Ginagamit niya ang kanyang tainga at isip
2. Eager Beaver.
Ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari. Makikita sa kanyang mata ang kawalanng pokus.
3. Bewildered.
Wala siyang alam o malay sa mga paksang naririnig.
4. Busy Bee.
5. Sleeper.
6. Frowner.
Siya ang tagapakinig na wari ba’y laging nagdududa at may katanungan sa bawat naririnig.
7. Tiger.
2. Kontrolin ang kapaligiran – tanggalin lahat ang maaring makatawag pansin o makagawa ng ingay habang nakikinig.
2. Sikolohikal – tinutukoy dito ay maaring ang tagapakinig ay gustong-gusto ang paksa o hindi interesado o ayaw ang paksa, luma na
ang paksa, hindi kapanapanabik ang paksa.
3. Wikang ginamit – maari ang tagapakinig mahirap niyang maunawaan ang wikang ginamit.
• SULIRANING EKSTERNAL.
ang mga problema sa pasilidad tulad ng suruting upuan, mainit o malamig na temperatura ng silid.
• SULIRANING MENTAL.
pre-okupasyon o pag iisip ng mga suliranin, pangangarap ng gising, pananakit ng ulo at kakulangan ng pag iisip.
2. Pagbibigay ng pansin sa mga marker Marker: maaring salita, parilala o tanong na naghuhudyat ng kasunod na detalyeng tatalakayin
ng tagapagsalita.
5. pagtatala
WIKA
Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. (Pineda, 2004:236)
Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Ang wika ay behikulo para makisangkot at
makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangan
nito. (Constantino, 1996:12).
Ang wika ay di lamang daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-imbakan ng alinmang kultura. (Salazar, 1996:19).
Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit. (Santiago:1995:2).
ang wikang buhay, saan man at kailan man ay umunlad habang ginagamit. (KWF, 1997:20) at (Del Rosario, 1991:42).
Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang salita, ay sa paghahatid at pagtanggap o pagkaunawa ng mga mensahe.
(Swanson, 1976:68).
Mula sa mga pahayag na ito ay maikikintal s isipan ang kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapalaganap ng wika, partikular ng
wikang Filipino bilang gamit sa akademikong Filipino na magagamit tungo sa isang mataas na edukasyon.
WIKA
• Ang wika ay malimit na binigbigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
(Hutch, 1991)
• Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao. ( Bouman, 1990 )
• Ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. ( Webster)
• Ang wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao. (Sturtevant)
• Ang wika ay sistema ng arbitraryo, ng simbolong pasalita na nagbibigay-pahintulot sa mga taong may kultura, o ng mga taong
natutuhan ang ganong kultura na makipagtalastasan o makipagpalitan ng usapan. (Finnocchiaro)
• Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong nabibilang sa isang kultura. (Gleason, 1961)
• Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat
ng tao. ( Brown, 1980 )
KATANGIAN NG WIKA
TUNOG
NAGBABAGO
SINASALITA
MASISTEMA
ARBITRARYO
TUNGKULIN/GAMIT NG WIKA
1. Pang-interaksyunal
Katangian:
2. Pang-instrumental
Katangian:
Tumutugon sa pangangailangan
3. Pangregulatory
Katangian:
4. Pampersonal
Katangian:
o opinyon
5. Pang-imahinasyon
6. Pangheuristiko
Katangian:
TEORYA NG PAGBASA
Diskurso
Sintaks
Morpema
Tunog
Pagkaunawa sa teksto
Paghuhula
Kaalamang
Nakaimbak
TEORYANG PANGWIKA
Genesis 11:1-9
• Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at lumaganap pagawing
Silangan. Sa panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao.
• Sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon
nagsimula silang magtatag ng isang lungsod.
• Nagsimula rin silang magtayo ng isang napakataas na templong tore, isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at walang
hanggang paghahangad na maging malapit sa langit.
• Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong toreng itinatayo ng mga tao. Inisip Niya kung magkakaroon ng
isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na magiging mas mapaghangad sila.
• Ang toreng kanilang itinatag ay tanda ng paghahangad na mapalapit sa Diyos at sa dakong huli’y mapantayan o malampasan ang
kaniyang kapangyarihan.
• Kaya’t ang ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ng iba’t ibang wika ang mga tao upang sila’y hindi magkaunawaan. Nang hindi na sila
nagkakaunawan, ang mga tao ay nagsimulang magkawatak-watak at kumalat sa buong mundo.
• Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang
nagtuturo
Charles Darwin
• Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran
ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang wika.
Teoryang Bow-wow
Teoryang Ding-dong
• Ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog na siyang nagiging kahulugan ng mga ito.
Teoryang Pooh-pooh
Teoryang Sing-song
Hal. Sutsot
Teoryang Yum-yum
• Nagsasaad na ang mga unang tao ay tumugon sa pamamagitan ng bibig ayon sa pagkakapusisyon ng dila sa guwang ng bibig.
Teoryang Yo-He-Ho
• pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay
unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.
Teoryang Musiko
• kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa
komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon
Dayalek
HAL.
Maynila
Bataan
Ka ganda ah!
Rizal
Ka ganda, hane!
Idyolek
HAL.
Sosyolek
Varayti ng wika na ginagamit ayon sa relasyong sosyal. Ito ang ginagamit ng isang indibidwal upang matanggap sa isang soysal-grup na
kinabibilangan.
Jargon
Hal. hearing
court
fiscal