Anda di halaman 1dari 2

Andrés Bonifacio

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


(Idinirekta mula sa Andres Bonifacio)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Andrés Bonifacio

Larawan ni Andres Bonifacio


Nobyembre 30, 1863
Kapanganakan
Tondo, Maynila
Mayo 10, 1897
Kamatayan
Maragondon, Kabite
Iba pang pangalan Supremo
Kilala para sa Ama ng Rebolusyon ng Pilipinas

Si Andrés Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa rebolusyon ng
Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga
bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang magulang
ay sina Santiago Bonifacio at Catalia de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don
Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y
nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa
wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na
gawa sa papel de japon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegista
(warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La
Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung
ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya ay may diwa ng paghihimagsik. Siya rin ay nagnais
na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan
na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag. Noong
1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang
Katipunan o kilala rin bilang "Kataastasan,Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng
Bayan" (KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng
hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato
Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at
ilang mangagawa ang pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M.
Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas.
Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay
siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang Pamahalang
Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan". Dito rin niya
nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto 23, 1896, sa maliit na
baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod Quezon) sa Balintawak ay
tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga
Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo si
Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang
posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni
Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa
pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at
pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano
Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril
kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng
Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin
natatagpuan ang labi niya.

Anda mungkin juga menyukai