Anda di halaman 1dari 2

Pandemya, paano na nga ba?

Sa mundong puno ng kulay sa mga bagay na kay gandang pagmasdan

Mga tanawing nilalakbay at mga ibon sa gulod masayang nag-aawitan

Ngunit sa isang iglap dilim ay biglang bumalot sa buong sanlibutan

Lungkot at sakit nakatitiyak na at wala nang paglagyan

Mahigit sa isang taon pagdurusa ng sinta kong bayan

Walang liwanag ni pag-asa ay walang masumpungan

Sakit na siyang lubusang sumakop ramdam mo kaninuman

Nilalang na wangis ng Maykapal, ano ang nais mong hakbang?

Edukasyon nitong bayan, lahat ay hirap makamtan

Pag-asa at pananalig sa Poon ay naging sundang

Walang pag-aatubiling serbisyo mahatid mailaan

Salat sa kaalaman ay maiwaksi kaninuman

Paghahangad ng kabutihan sa ganitong katayuan

Sukli ng kinabukasan ay matatamo ng tanan

Humarap man sa CoViD 19 dulot ay karamdaman

Pagkakaisa at pagmamahal susing marapat paghalagahan

Karamdamang di maarok bagkus tatak ay takot at pangamba

Sa panahong ang pagkitil, bolo at gatilyo ay walang bisa

Pagpaslang na hindi mapapanagot ni ng batas sa bansa

Ani nga’y sa alabok nagmula dito rin magbabalik ng kusa

Muli aking mga kababayan, halina’t magsitindig

Walang pag-aalalang tayo ay magkapit-bisig


Pandemyang kinahaharap ay unting unting supilin

Maging sa bukang liwayway ng bukas ay siyang sumilip

Anda mungkin juga menyukai