Anda di halaman 1dari 4

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

Ang Sampung Utos ng Diyos


I. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay. Ang tanong paano nga ba natin iibigin ang Diyos nang lalo at higit sa lahat ng bagay? Hindi po sapat na bibigkasin lang po natin sa ating mga labi na mahal ko ang Diyos o iniibig ko ang Diyos, kailangan po ay samahan po natin ng gawa, tulad ng hindi paggawa ng mga inaayawan ng Diyos na gawin natin, ano yun? Siyempre yung huwag ng magkasala, mangumpisal ka sa pari ng Mahal na Ingkong. Huwag na tayong gagawa ng ipagkakasala ng kaluluwa natin na maghihiwalay sa atin sa Diyos at ikamamatay ng ating kaluluwa. Maipapakita natin ang pag-ibig natin sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos niya, tulad ng pag-suot ng tamang kasuotan ng mga kababaihan at kalalakihan, pag-simba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, na kung saan ito ay araw ng pahinga para mag-simba o mag-alay ng sakripisyot panalangin para sa Diyos kasama ang buong pamilya, tumangtanggap ng Banal na Komunyon, ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo, pag-bebelo ng mga kababaihan sa pagdarasal ng Santo Rosaryo at sa pagsimba bilang paggalang at pagpapasakop sa Diyos. Isa rin ang pag-gawa ng mga gawain kabanalan para sa kanya, para sa ikaliligtas ng maraming kaluluwa, pag-tuturo ng kabanalan, pagsa-Santo Rosaryo at kailangan aalamin natin ang lahat tungkol sa Diyos Amang Yahwee, tungkol sa Diyos Anak ang ating Panginoong Hesukristo at tungkol sa Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong, ganun din sa Mahal na Birhen Maria. Ang lahat ng ito ay hindi pa sapat mga magulang kot mga kapatid para maipakita natin ang pag-ibigin natin sa Diyos, isa-puso natin at isa-buhay natin ang mga natutunan nating pagbabanal sa Diyos, sa Mahal na Ingkong, sa Mahal na Birhen Maria, sa Mama Sta. Maria Virginia, at sa ating Mahal na Patriarka Dr. Juan Florentino.

II. Huwag kang magpahamak manumpa sa ngalan ng Diyos. Pag-nagagalit ka sa kapwa mo o may nagawang hindi maganda sa iyo ang kapwa mo, sasabihin mo kidlatan ka sana ng diyos, ang iba ganito kunin ka na sana ni lord na mapapahamak ang ating kapwa, huwag po mga magulang kot mga kapatid kasalanan po yun. Kung ang kapwa mo ay may nagagawang hindi maganda sa iyo, ay ipag-dasal nalang po natin na sana mag-bago na siya, huwag na niyang gawin ulit yun, nang sa gayoy ang kapayapaan at pag-ibig ng Diyos ay sumaatin lagi.

III. Mangilin ka kung Linggo at kung mga araw na dapat ipangilin. Tulad nang nabanggit sa unang bahagi na mag-simba tuwing araw ng linggo at pistang pangilin, na kung saan ito ay araw ng pahinga para mag-simba o mag-alay ng sakripisyot panalangin para sa Diyos kasama ang buong pamilya, mangumonyon o tumangtanggap ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoong Hesukristo ay isang pamamaraan para makita natin ang pag-ibig natin sa Diyos. Mahalaga po mga magulang kot mga kapatid ang araw ng Linggo sa Diyos, dahil pag-katapos lalangin ng Diyos ang langit, ang lupa at ang lahat ng bagay sa loob ng anim na araw sabihin na natin mula Lunes hanggang Sabado sa ika-pitong araw ay Linggo siyay namahinga at ito ang araw naman natin na magpasalamat sa Diyos, purihin at luwalhatiin ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. So ibig-sabihin kung hindi ka mag-simba sa araw ng linggo aykasalanan tama o mali? Tama. Bakit? dahil ang sa anim na araw na binigay niya para gawin natin ang gusto natin, tulad ng pag-tatrabaho o paghahanapbuhay, pag-aaral sa eskuwela, anuman ang nagawa nating pagkakasala sa Diyos sa Mahal na Ingkong, sa Mahal na Birhen Maria sa anim na araw na nagdaan ay kailangan natin ihingi ng awat patawad sa Diyos, maliit man na pagkakasala o malaking pagkakasala ay kailangan ikumpisal at magsimba nang sa ganon ay makatanggap ng Banal Komunyon, ng Banal na Katawan at Banal na Dugo ng ating Panginoon Hesukristo na siyang nag-papatawad ng kasalanan ng sanlibutan, di po ba. Kung hindi ka mag-sisimba tuwing araw ng linggo e di nag-kakapatong-patong na ang mga nagawa mong kasalanan hanggang sa lumaki ito at mapunta na sa tinatawag na mortal sin, tama o mali? Tama po mga magulang kot mga kapatid. Kelan ka pa mag-sisimba, kung mahina kana hindi kana makapunta sa simbahan para mag-simba, para magpasalamat sa araw-araw na biyayang binibigay niya sa ating lahat. Kaya nga dumarating ang pista ng pangilin ay bilang pasasalamat sa mahal na patron ng inyong lugar sa biyayang binigay niya sa buong taon. Eh yung pista ng pangilin isang beses lang yan sa isang taon, hindi pa nagagawa ng iba na mag-simba hindi mo makikita sa simbahan, nandoon sa inuman, inuna pa ang

pag-inum ng alak kaysa mag-simba. Sa mga may karamdaman po ay makakabuti po na magsimba po sila para po sa kanilang kagalingan. Mga magulang kot mga kapatid magsimba po tayo tuwing araw ng linggo at araw ng pangilin nang sa ganong pamamaraan ay makapag-purit, makapag-pasalamat tayo sa Diyos sa Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria. Bukas po ang Simbahan ng Mahal na Ingkong ang Apostolic Catholic Church ang National Shrine ng Ina Poon Bato sa Edsa sa lahat ng naghahanap ng katotohanan sa pananampalataya. Sa ibat - ibang lugar naman po ay may pinapadala ang Mahal na Ingkong o ang Mahal na Patriarka ng mga Pari na mag-misa para maabot ang tao, makapagturo at mapangaralan ang tao, makapag-bigay ng Banal na Komunyon.

IV. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina. Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, nalalaman ninyo po ba ang ama at ang ina ay pangalawang diyos natin dito sa lupa, kaya kung ano man ang pinag-uutos ng ating amat ina ay kailangan nating sundin, ganun din ang kanilang mga payo at itinuro sa atin para sa ikabubutit ikagaganda ng ating buhay, higit sa lahat ay para hindi tayo mapahamak. Kaya po tayong mga anak huwag pong sasama ang loob natin kung hindi minsan naibibigay ng ama at ina natin ang ating mga gusto, dahil kadalasan ang mga bagay na hinihingi natin ay hindi makakabuti para sa atin at ipagkakasala nating mga anak sa Diyos at baka ito pa ang ikapahamak natin. Huwag po natin ikahihiya ang ama at ina natin sa ating mga kaibigan o mga kakilala. Ano man ang sitwasyon natin sa buhay ay dapat natin silang igalang at ipagmalaki, dahil hindi kayang bayaran ng kahit na anong bagay ang pag-aaruga at pagpapalaki nila sa atin, na ipinadama nila sa atin ang pagmamahal bilang mga magulang, ama at ina, lalo na ang ina na nag-dala sa atin ng 9 na buwan ng tayoy nasa sinapupunan. Hindi natin alam kung ano at gaano kahirap sa mga ina ang nagdadalang tao. Tutulungan natin sila sa mga gawain bahay nang sa gayon ay mabawasan ang kanilang pagod at hindi sila magkakasakit, Kadalasan natutuyuan na ng pawis sa likod, tayong mga anak dapat natin silang ingatan at alagaan upang makasama natin sila ng mahaba pang panahon, sa paglilingkod sa Diyos sa Mahal na Ingkong sa mga misyon na iniatang sa atin, hindi lang tayong mga anak ang dapat alagaan kundi kailangan din nating suklian ang pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga magulang. Kaya po mga kapatid igalang po natin ang ating ama at ina. Kasalanan po sa Diyos kung hindi natin sila gagalangin bilang ama at ina natin dito sa lupa at kasalanan din po na itatakwil natin sila o ikahihiya ng dahil lang sa anumang bagay o sitwasyon natin sa buhay. Mahalin natin sila tulad ng pagmamahal ng Diyos, ng Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria sa atin. Nasabi nyo po ba mga kapatid na I Love You Nanay o I Love You Tatay, sabihin po natin ito at yakapin nyo ng mahigpit ang inyong ama at ina, siguradong hindi maipaliwanag ang tuwa at ligaya ang mararamdaman sa kanilang mga puso.

V. Huwag kang pumatay ng kapwa mo tao. Ang salitang pumatay mga magulang kot mga kapatid ay hindi lang sa pag-patay sa physical na katawan sa pamamagitan ng baril, kutsilyo o ano mang bagay, kundi ang salitang pumatay ay tumutukoy din sa pagpatay ng kaluluwa ng tao, sa pamamagitan ng pag-tsismis mo ng iyong kapwa, ay isa itong pagpatay sa kaluluwa ng iyong kapwa, pinatay mo ang dignidad ng kapwa mo tao. Kasalanan po ito mga magulang kot mga kapatid, kung nakaririnig tayo o nakakakita tayo ng away ng kapwa natin ay huwag na natin ipag-sabi o itsismis bagkus ipagdasal natin na matapos na itong away o gulo na ito, mag-bigayan at mag-karoon ng pag-kakaunawaan, at pagpapakumbaba ang isat isa. Para maiwasan ang pag-patay sa kapwa physical man o kaluluwa, upang ang kapayapaan at pag-ibig at sumaatin pong lahat, saan man sulok ng mundo.

VI. Huwag kang makiapid sa di mo asawa. Huwag kang makiapid sa di mo asawa, mga kapatid ang mag-asawa ay walang makapaghihiwalay nino man kundi ang kamatayan lang po.Ang makiapid sa di mo asawa ay kasalanan po sa Diyos mga kapatid. Ang pag-aasawa ay hindi po biro hindi ito isusubo na pag-hindi mo nagustohan ay iyong iluluwa, ang pag-aasawa ay pinag-iisipan at pinag-hahandaan sa taong mahal mo. Ang pag-aasawa ay

hindi dahil sa makamundong laman. Ang pagsasama po ng isang lalaki at isang babae ay inihahanda ang kanilang sarili sa Diyos para sa pag-iisang dibdib, at ito po ay kinukonsagra o may bendisyon ng Diyos sa pamamagitan ng mga pari sa pangalan ng Diyos AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO, nang sa gayon ang biyaya at pagpapala sa mag-asawa ay sumakanila magpakailanman. Kasalanan po ito mga kapatid ang makiapid sa di mo asawa, isa itong malaking dagok sa buhay, mamalasin ka, magkakasakit ka kung hindi sa iyo mangyayari sa mga anak mo o sa asawa mo na dati mahal na mahal mo o di kayay babagsak ang iyong kabuhayan, maghihirap ka. Nang nag-iba na ang itsura ng asawa mo tumaba dahil nasa bahay lang lagi, sa pag-aasikaso sa gawaing bahay, pag-aasikaso sa iyo bilang asawa mo at sa mga anak mo o nakita mo ang tunay na ugali nito na hindi pala maganda ay aayawan mo na at maghahanap kana ng iba, doon pa sa may asawa rin, huwag po mga minamahal kung mga kapatid mahalin mo ang asawa mo kung sino man siya, kung ganun ang ugali ng asawa mo mahalin mo siya, may dahilan ang Diyos kung bakit yan ang babae o lalaki na binigay sa iyo na mapangasawa mo. Alam po nating lahat na kasalanan ito kaya huwag na po nating gawin mga kapatid, huwag nating sisirain ang magandang buhay na binigay ng Diyos sa inyong mag-asawa, huwag natin hahadlangan ang pag-pasok ng magandang biyaya ng Diyos sa atin, ganun din sa kinabukasan ng ating mga anak.

VII. Huwag kang magnakaw. Ang pagnanakaw po ay kasalanan mga magulang kot mga kapatid. Kung ang kahirapan sa buhay ang inyong dinadaing na nagiging dahilan para gawin mo ito, ay kasalanan pa rin po, parurusahan po tayo ng Diyos kung gagawin po natin magnakaw, paparusahan ka na Diyos makukulong ka pa sa bilanguan kung mahuli ka na ginagawa mo ito. Huwag po mga magulang kot mga kapatid, matutuwa kaba na ang pinapakain mo sa iyong asawat mga anak na galing sa maling pamamaraan o sa pagnanakaw? Hindi, di ba. Tanongin natin ang sarili natin, kung ang dinaraing natin ay dahil sa kahirapan sa buhay, kaya nagawa itong pagnanakaw. Ito ang tanong, bakit nakararanas ng hirap ang tao? Dahil sa hindi nakatapos ng pag-aral ang sabi ng Isa? Isa pang tanong ulit, Noong pinag-aaral kaba ng iyong amat ina mo ay nag-aral ka ba ng mabuti, nakinig ka ba sa payo nila at sa mga itinuro nila sa iyo para ikaw ay mapabuti? Hindi. Mga magulang kot mga kapatid, Ito po ang resulta ng hindi pag-galang at pag-sunod sa mga payot itinuturo ng kanilang ama at ina, na pag-dating ng tamang panahon ay nakakaranas ng hirap sa buhay at saka nalang natin sasabihin sa sarili natin, sana nag-aral ako ng mabuti, sana nakinig ako sa payo ng aking ama at ina, may magandang kinabukasan sana ako ngayon, hindi sana ako nag-hihirap. Mayroon kapang-pagkakataon magbago kapatid, humingi ka ng tawad sa iyong ama at ina, magbalik loob ka sa Diyos, pagsisihan mo ang iyong nagawang kasalanan at mangumpisal ka sa pari, nandyan ang mga pari ng Mahal na Ingkong handang mag-serbisyot magpayo para sa ikabubuti at ikagiginhawa ng iyong buhay, mag-simba ka, mag-dasal ka ng Santo Rosaryo, sumama ka sa pag-ba Block Rosary sa inyong lugar, naghihintay ang Mahal na Ingkong at Mahal na Birhen Maria sa iyo doon sa harap ng Altar. Madarama mo ang ginhawa ng iyong buhay kasama ang Diyos Espiritu Santo ang Mahal na Ingkong at ang Mahal na Birhen Maria. VIII. Huwag kang magbintang at manirang puri sa kapwa mo tao at huwag kang magsinungaling. Huwag kang magbintang at manirang puri sa kapwa mo tao at huwag kang magsinungaling dahil ito po ay kasalanan at ayaw ng Diyos na gagawin natin ito. Dahil kung gagawin natin ito at tayo ay susuway sa kanyang pinaguutos ay marami ang mapapahamak. Nang dahil lang sa may gusto tayong bagay na makuha na alam naman nating ikasisira ng ating kapwa at kailangan mong magsinungaling dahil ayaw mong malaman na ikaw ang may gawa at ibabaling sa iba na wala naman kinalaman sa nangyari at walang kasalanan. Ang pagsisinungaling po ay kasalanan, pwedeng kang hindi makapagsalita o maging pipi bilang parusa sa iyong pagsisinungaling, dapat po ginagamit natin ang ating mga dila sa pagsasabi ng katotohanan. Ang pag-tsimis mo sa kapwa ay isang paninirang puri, ito po ay parang isang apoy na pag-nagbaga at pag-lumaki ay mahirap ng patayin, ang ibig sabihin pag-ipinagkalat mo o ipinagtsismis mo ang kapwa mo ay kakalat ito at marami ang makakaalam hanggang sa hindi mo na makontrol ang pagkalat nito, ito ay katulad din ng pinag-pirapirasong papel at itinapon sa dagat, gusto mo man kunin ulit para ibalik sa pagkakaayos ay hindi mo na magagawa dahil naanod na ng tubig ito. Kawawa naman ang taong ginawan mo nito, gustohin man niyang magbago at linisin ang kanyang pangalan ay hindi na niya magawa dahil nasira na ang kanyang dignidad, ang kanyang pangalan sa maraming tao at hindi na niya maibabalik muli ang tiwala nito sa kanya.

IX. Huwag kang magnasa sa hindi mo asawa. Kasalanan po mga magulang kot mga kapatid ang magnasa sa hindi mo asawa, dahil sinisira mo ang maganda at sagradong pagsasama ng pinag-isa ng Diyos sa pamamagitan ng sacramento ng kasal, at tanging mag-asawa lang po ang pinahintulutan ng Diyos na gawin ang mga bagay na ito para mag-karoon ng supling ang mag-asawang pinag-isa niya. Para maiwasan natin ang mga bagay na ito na pagkakasala ng kaluluwa natin ay iwasan o huwag po kayong manonood ng mga pornographic movies, pictures o mga kasama nitong babasahin. Sa mga kababaihan naman ay huwag po kayong mag-susuot ng mga pinagbabawal ng Diyos na damit tulad ng mga maiikling damit, shorts, sando, mini skirt at iba pa. Upang maiwasan ang mga ganitong pagkakasala ng tao sa buong mundo.

X. Huwag mong pagnasaan ang di mo ari. Kasalanan po mga magulang kot mga kapatid ang pagnasaan natin ang hindi natin pag-aari, makuntento po tayo kung anong meron tayo at huwag na tayong maghangad ng wala tayo, kung ano ang nandyan na meron ka magpasalamat ka sa Diyos biyaya yan ng Mahal na Ingkong, kung wala magpasalamat ka pa rin sa Mahal na Ingkong kasi ginusto ng Diyos na huwag kanang magkaroon ng ganoon bagay dahil ito ay iyong ipagkakasala, ibig sabihin mahal ka ng Diyos ayaw niya mawalay ka sa kanya. Kaya mga magulang kot mga kapatid huwag na nating pagnasaan ang mga bagay na hindi sa atin o hindi natin pag-aari, magkakasala po tayo kung gagawin po natin yun. Ipagdasal mo nalang sa Diyos o hilingin natin sa Mahal na Ingkong na magkaroon ka noon sa mabuting pamamaraan na hindi mo ipagkakasala, nakikinig ang Diyos ang Mahal na Ingkong ang Mahal na Birhen Maria at alam nila ang mga bagay na gusto natin, kailangan mo lang sigurong mag-sakripisyot magdasal ng Santo Rosaryo. Gumanap ka sa Edsa sa National Shrine ng Ina Poon Bato ng Apostolic Catholic Church tuwing araw ng ganapan ng Mahal na Ingkong, kung hindi mo pa sya nakikilala pumunta ka pa rin para makilala mo siya, pagpunta mo roon marami ang mag-we welcome sa inyong mga bisita at masasaksihan mo ang katotohanan at kaganapan ng Diyos Espiritu Santo ng Mahal na Ingkong .

Anda mungkin juga menyukai