Anda di halaman 1dari 4

Original story by OlaFunwa Abuiza. DO NOT DUPLICATE WITHOUT PERMISSION.

August 17, 2011

Sanja
Linggo nanaman ngayon. Nakahiga lang ako sa kama kong maliit na tamang tama lang ang laki para sa akin. Tuwing linggo ay ganito akonagpapahinga at nagaaral. Mamaya nalang siguro ako mag-aaral, tutal maaga pa naman. At isa pa, tutulungan ko pa si nanay sa paglalaba niya. Ako nanaman siguro ang magsasampay ng mga malalaking damit at kumot na nilabhan niya Ay, oo nga pala, hindi na nga pala nakakapaglaba si nanay nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung bakit. Hindi na rin niya ako sinasamahang mag-aral di tulad ng dati. Halos buong araw nalang sa kuwarto si nanay. Minsan lalabas siya para buksan ang ref namin, tapos babalik nanaman siya sa kwarto. Buti nalang nandyan si ate Grace para samahan ako paminsan-minsan. Siya rin ang madalas kong makitang naglalaba ngayon. Ang sabi sa kin ni ate Grace, hindi daw siya pwedeng masyadong magtagal dito sa bahay kasi magagalit daw ang nanay. Sabi niya binabayaran din daw siya para labhan ang mga damit ko at minsan ay ipagluto ako. Mabait si ate Grace at gusto ko siya, kaya lang ay hindi ko siya palaging nakakasama. Noon ngang may tinanong ako sa kanya tungkol sa math, ang sabi niya sa kin ay hindi niya alam yon at wag daw siya ang tanungin ko sa mga bagay na tungkol sa pag-aaral. Ngayong araw na to ay wala si ate Grace kaya wala akong kasama. Tulad ng dati ay nasa kwarto nanaman ang nanay ko. Wala naman akong gagawin kaya siguro pupunta muna ko sa hardin namin. May mga bulaklak kasi dun na magaganda. Siguro din ay didiligan ko na ang mga bulaklak. Hindi na kasi sila lumalabas ngayon, eh. Siguro nauuhaw na sila kaya wala silang enerhiya para lumabas. Naku, kailangan ko nang kumuha ng tubig para may ipainom na ako sa kanila! Sanja! Halika nga rito! Ha? May tumawag ata sa kin Sanja! Bilisan mot lumapit ka rito! Ah! Si nanay pala yun! Tinatawag ako ni nanay! Teka, tinatawag ako ni nanay may nagawa kaya akong mali? O baka naman ay sasamahan na niya akong magaral? Bakit kaya ako biglang tatawagin ni nanay? Naging mabait naman ako, ah Hoy Sanja! Asaan ka bang bata ka? Kanina pa kita tinatawag, ah! Nakita ko ang ulo ni nanay na dumungaw sa may pinto. Sinesenyasan niya ata ako. Lumapit daw ako, sabi ng kamay niya. Bakit po, nay? Tiningnan ako ni nanay. Matagal niya kong tiningnan, lalo na ang buhok ko. Tinitigan niya yun. Biglang kumunot ang noo niya. Siguro magulo ang buhok ko kaya naiinis siya. Sumabit siguro sa mga dahon sa hardin namin. Di bale, nay, magsusuklay ako. Maligo ka, utos ni nanay. Tapos na po, nay. Ganun ba sabi niya, sabay tingin sa paligid niya. Parang may hinahanap ang mga mata niya. Biglang naglakad si nanay papunta sa kwarto. Pinasunod niya ako sa kanya. Pagdating ko sa kwarto ay nakita kong may mga nakahandang damit sa ibabaw ng kama. Mga damit ko yon. Bakit kaya nasa ibabaw ng kama ang mga yun? Hindi ko naman sila sinuot kaya hindi naman siguro sila madumi. Baka naman nasira sila kaya aayusin sila ni nanay? Baka nga.

Halika rito, utos sa kin ni nanay sabay kumpas nanaman ng kamay niya. Lumapit nanaman daw ako, sabi niya. Isinuot ni nanay sa akin ang isa sa mga magaganda kong damit. Kulay pula to at may magandang disenyo. Sa katunayan ngay isa to sa mga paborito ko. Kaya lang, bakit naman kaya ako bibihisan ni nanay ng maganda ngayong araw? Ah, siguroy magsisimba kami. Ganun kasi kami noong andito pa ang tatay. Tama, yun na nga yun. Hinila ako ni nanay at sinuklayan ang buhok ko. Inayusan niya ako. Medyo kakaiba ang ayos ngayon ng buhok ko kaysa sa mga karaniwang nitong ayos. Hindi ko maintindihan kung ano ang ginawa ni nanay sa buhok ko, pero ang ganda ng pagkakagawa niya. Mahusay talaga ang aking nanay. Ang galing galing niyang mag-ayos ng buhok at damit. Sana ganon din ako. Saan tayo pupunta, nay? naisipan kong itanong sa kanya. Pati kasi siyay nakabihis. Ngumiti si nanay, ngunit parang malungkot yon. Para siyang hindi mapalagay kahit nakangiti siya. Sa isang magandang lugar, sabi niya, magugustuhan mo doon. Yehey! Pupunta daw kami sa isang magandang lugar! Saan kaya yung magandang lugar na yun? Gusto ko na agad makarating doon! Biglang tumayo si nanay at kinuha ang bag niya. Tara na, sabi niya sabay hila sa akin sa kamay. Lumabas kami ng bahay at sumakay ng jeep. Hindi ko alam kung saan pupunta ang jeep na sinasakyan ko ngayon. Basta ang alam ko, hawak ako ni nanay sa kamay at pupunta kami sa isang magandang lugar. Sanay makita ko doon si tatay. Huminto ang jeep at hinila nanaman ako ni nanay. Umakyat kami sa isang mahabang hagdan, at sa tuktok noon ay isang malawak na lugar na may maraming tao. Hinihila lang ako nang hinihila ni nanay. Ni hindi ko na alam kung asaan na ba kami. Ang naaalala ko lang ay yung dumaan ako sa ilalim ng mga tuwid na kumpol ng bakal. Nakita kong tinutulak iyon ng mga tao, tapos iikot, at pagkatapos ay nasa kabilang bahagi na sila ng mga bakal na yon. Ang galing naman pala ng lugar na to! Sanay may ganyan din kami sa bahay! Sa wakas ay huminto ang paghila ni nanay sa kin. Tumayo kami sa gilid ng isang malalim na hukay na parang bangin, tapos sa ibabaw noon ay may mga bato at dire-diretsong piraso ng bakal. Gusto kong tingnan ng mabuti yon kaya lumapit ako, pero hinila ako ni nanay palayo doon. Baka masagasaan ka, sabi niya. Pagkahila sa kin ni nanay ay may dumating na tren sa harapan namin. Huminto ito at pumasok kami ni nanay sa loob. Nakamamangha pala ang loob ng tren! Napakaganda at ang lamig! Umupo ako sa tabi ni nanay at tiningnan-tingnan ko ang paligid ng tren. Unang beses ko tong makakasakay dito. Ah, siguro eto na yung sinasabi ni nanay na magandang lugar? Nakakatuwa naman! Nabaling bigla ang tingin ko kay nanay. Mukha siyang malungkot na tulala na may iniisip na naguguluhan na ewan. Pati ako ay naguguluhan sa itsura niya. Ngayon ko lang nakita si nanay na ganito Ay, hindi, nakita ko na siya dati na ganyang ganyan din ang itsura. Naaalala ko na umalis si tatay noon. Bago siya umalis, may binulong siya sa kin: Anak, aalis na ko, ha? Babalik din akot isasama kita sa kin. Masyado kasing delikado dyan sa nanay mong hindi maintindihan ang pag-iisip, eh Yan nalang ang natatandaan ko sa mga sinabi niya sa kin. Naaalala ko pang sumesenyas si tatay ng pabilog sa gilid ng tenga niya gamit ang hintuturo niya habang sinasabi niya yun sa kin. Hindi ko maintindihan ang mga yun. Tumango

nalang ako kay tatay noon, humalik, at saka nagpaalam. Hindi maintindihan ang itsura ng nanay noontulala, namumutla, at walang ekspresyon ang mukha. Pagkatapos niyang titigan ang pag-alis ni tatay, pumunta siya sa kwarto niya. Mula noon ay madalang na siyang lumabas doon. Mula noon ay madalas ko na siyang marinig na umiiyak at tumatawa ng malakas, minsay sumisigaw ng malakas kapag gabi, at minsan pay may kinakausap siya sa malakas na boses. Mula din noon ay hindi ko na nakita si tatay ulit. Matagal-tagal na din siyang hindi umuuwi. Kamusta na kaya siya? *piiiiiiiiiiwooooooooeeeeeennnnggggggggg* Aray, ang sakit naman sa tainga ng ingay na yon! *piiiiiiiiiiwooooiiiiiiiiiiieeeennngggg* *kkiiiiiiissiiiiiiissiii* *tsugtsugtsugtsugtsuuuggtsuuuggtsssssss* Huminto na ata huminto na nga sa wakas tumigil na din! (musika) Ipinagpapaumanhin po namin ang nangyaring aberya ngayon lamang. Nagkaproblema po ang makina ng tren. Agaran na po itong tinutugunan ng ating mga mekaniko. Pasensya na po sa abala. (musika) Ah, nasira pala ang tren. Ganoon pala kapag nasisira ang tren, umiingay at dumadagundong. At umiinit pa sa loob. Kinuha ko ang maliit kong panyo at ipinunas yun sa noo ko. Kinakapa-kapa ko ang ulo ko. Parang may nawawala yata. Teka ah! Yung sumbrero ko! Yung sumbrerong bigay sa kin ni tatay! Asan na yun, asan na yun? Tiningnan-tingnan ko ang paligid ko para hanapin ang sumbrero ko. Tumayo na rin ako sa upuan ko, baka sakaling nalayo na yun sa kayang abutin ng mga mata ko. At, hayun na nga! Nakita ko na! Naku, buti nalang at hindi nawala! Tumakbo ako patungo sa sumbrero kong nakahiga sa lapag. Pinulot ko yon, sinuot, at naglakad na pabalik kay nanay. Ngunit hindi pa rin natinag ang itsura ni nanay. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay nanay para ngumiti siya. Dahil ba sa kin kaya siya nalulungkot? Dahil ba kay tatay? Dahil ba kay ate Grace? Dahil ba sa mga halaman namin sa hardin na hindi na tumatayo? Hindi ko talaga alam. Hay, sana lumaki na agad ako para matulungan ko na si nanay. Umupo ako ulit sa tabi ni nanay at nag-isip-isip. Naririnig ko si nanay na may sinasabi sa sobrang hinang boses. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya kasi nga ay napakahina. Hinayaan ko lang si nanay dahil baka may iniisip siya, pero katagalan ay lalo akong naguguluhan dahil sa tono niya. Paiba-iba tomay masaya, may malungkot, may galit, may nagtatanong, at kung anu-ano pa. Bigla nalang ay narinig ko si nanay na humihikbi. Nagulat ako at biglang napatingin kay nanay na ngayon ay umiiyak nang tahimik. Nakatitig pa rin siya sa kawalan habang umiiyak, pero hindi na bumubuka ang bibig niya. Bigla akong natakot. Anong nangyayari kay nanay? Anong gagawin ko? (musika) Naayos na po ang nasirang makina ng tren kanina. Maipagpapatuloy na po operasyon ng tren. Maraming salamat po sa inyong pakikibagay. (musika) Ah, naayos na pala nila ang tren. Nagsimula na ulit itong umandar. Nawalang bigla ang balanse ko sa pagkakaupo ko kaya natumba pa ako. Medyo masakit ang pagkakabagsak ko sa lapag dahil pagulong akong nahulog. Medyo matindi ang sakit sa puwit ko kaysa sa ibang bahagi. Pero ayos lang, kaya ko pa namang tumayo at umupo. Kumapit ako sa upuan ng tren para iakyat ulit ang sarili ko sa tabi ni nanay. (musika) EDSA station, EDSA station (musika)

Nagulat ako sa biglang tunog na iyon at napatingin ako sa bintana. Huminto na ang tren. Bumukas ang mga pinto nito at may mga lumabas na tao. May mga pumasok din sa loob ng tren. Ang dami nilang naglalakad sa labas. Nakakatuwa silang panoorin! Naputol ang kawilihan ko nang kinalabit ako ni nanay. Nang tumingin ako sa kanya, ngumiti siya sa kin at nagpaalam na lalabas lang muna. Bibili lang ako ng makakain, ha? Babalik din ako. Dito ka lang, sabi niya. Lumabas si nanay sa pinto at tuluyang naglakad palayo ng tren. Nakaupo lang ako at naghihintay sa kanya. Ano kayang bibilhin ni nanay na pagkain? Siguro yung paborito ko, yung tsamporado. Madalas akong ipagluto ni ate Grace non, at napakasarap niyang magtsamporado! Ah, sandali, baka naman tinapay ang bibilhin ni nanay? Naku, sana yung paborito ko rin ang bilhin niya! Bigla akong may naramdamang init sa likod ko. Nanggagaling ata yon sa bintana ng tren. Nasisinagan ang tren ng araw. Pinaiinitan ako ng mahal na araw. Sinasabi siguro ni araw na hindi maganda ang laging nalalamigan, kaya niya ako pinaiinitan. Maraming salamat sa yo, araw. Maraming salamat sa init mo. Kasabay ng pag-init ng likod ko ang pagsara ng pinto ng tren. Unti-unti na rin itong nagsimulang tumakbong muli. Asaan na kaya si nanay? Ah, baka natagalan lang sa pinagbilhan niya. Babalik din yun, sigurado ako. Unti-unting tumitindi ang init na nararamdaman ko kaya kinuha ko ulit ang panyo ko at pinunasan ang mga butil ng pawis na nagsisimula nang tumulo sa pisngi at leeg ko. Siguro ay aalisin ko na rin muna ang sumbrero ko. Ang init.

Anda mungkin juga menyukai