Anda di halaman 1dari 21

Cebu Doctors University College of Arts and Sciences Department Filipino 12 Ikalawang Semester, SY 2010-2011

ANG EPEKTO NG PAGKAPAGAL SA MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG NURSING SA CEBU DOCTORS UNIVERSITY
Isang papel pananaliksik na ipinasa kay: Prof. Romana S. Gera
Filipino 12- Instructor

Mga Mananaliksik: (BSN1-C) [TTh 7:30-9:00AM] Lasala, Jazmin Venice R. Romanos, Mandy Elise D. Albao, Ma. Liezel J. Pimentel, Athena Joyce J. Perez, John Paul B. Ipinasa noong: Pebrero, 2011 Gabronino, Christopher C. Damalerio, Xavier F. Porte, Rochie D. Avendula, Krizia Tanucan, Cheene Marie

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

I.

PANIMULA

Sa lalong bumibilis na mundo na ating pinagkakaabalahan natin ngayon, ang pagkapagal o stress ay lalong nagiging kapansin-pansin at kitang-kita ito sa mga galaw at gawi ng mga tao. Ang pagkapagal ay isang bagay na palaging kasama ng buhay upang tayo ay matuto kung paano umunlad. Wika nga nila na ang mga hamon sa buhay ay isang paraan upang tayo ay lumago at umunlad. Karamihan ay dumaranas ng pagkahapo halos araw-araw sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa gaano man kaliit. Madalas itong nararamdaman ng mga taong nagtatrabaho at ng mga taong nag-aaral. Nararanasan din ito ng mga taong may sikolohikal na problema kagaya ng personal na dilema ukol sa mga relasyon (pamilya, kasintahan, sarili),o kaya naman mga pisikal na problema kagaya ng pagkapuyat, pagkakaroon ng sakit o kapansanan.

May ibat-ibang pamamaraan sa pamamahala ng pagkapagal. May mga taong nahihirapan sa kanilang pakikitungo sa stress at may ibang tao naman na nakakaya nila ang pagkapagal sa pamamagitan ng kanilang ibat-ibang stratehiya. Hindi dapat natin isa-isip na isa lamang ang uri at sanhi ng pagkapagal na nararanasan ng lahat. Dapat tayong maging mapanuri at obserbahan ang mga sanhi at tuklasin ang epekto ng pagkapagal.

Sa pag-aaral na may pamagat na Ang Epekto ng Pagkapagal Sa Mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Nursing sa Cebu Doctors University, masusing tatalakayin nga mga mananaliksik ang epekto ng pagkapagal sa buhat ng mga mag-aaral. Aalamin ng pananaliksik na ito ang mga naidudulot ng pagkapagal sa kani-kanilang kalusugan, pamumuhay at mga tao sa kanilang kapaligiran. Tatalakayin rin ang mga ibat-ibang pamamaraan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang pagkapagal at kung ano ang epekto ng mga pamamaraang ito sa kanila.

II.

BALANGKAS KONSEPTWAL

PAGKAPAGAL (Makaagham na depinisyon)

Mga pamamaraan ng pagkontrol ng pagkahapo

Epekto ng pagkahapo sa isang mag-aaral

Mga pamamaraan ng pagkontrol ng pagkapagal. Sa paaralan Sa pamilya at kaibigan Sa pangangatawan

Pinagkakaabalahan

Gawaing pangkalakasan Paninigarilyo

Bisyo

Pag-iinom ng alak

Bawal na gamot

MGA PAMAMARAAN SA PAGKONTROL NG PAGKAPAGAL


2

III.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, layunin ng mga mananaliksik na tukuyin kung ano ang karaniwang nakakapagdulot ng pagkapagal sa mga mag-aaral. Dapat ding tuklasin ng mga mananaliksik kung ano ang bunga ng pagkapagal sa isang mag-aaral na nasa unang taon sa kolehiyo. Tutukuyin din dito ang ibat-ibang pamamaraan ng pagkontrol o di kaya`y pagkontrol ng pagkapagal.

A. NULL IPOTESIS:

1. Walang maidudulot na masama ang pagkapagal sa katawan.

2. Walang mabisang paraan sa pagbawas o pagtanggal ng pagkahapo ng isang tao.

IV.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral nga mga mananaliksik ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng pagsasakatuparan ng mga gawain ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kursong nursing. Ito rin ay nakapagbibigay ng impormasyon kung paano maiwasan o hindi kayay mabawasan ang mga bagay na nakakapagpapagal sa buhay ng mga estudyante. Ang papel pananaliksik na ito ay nakakapagpaunawa sa mga mambabasa kung ano ang pagkapagal at kung paano ito malulunasan at para na rin magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral kung ano ang mga bagay nga dapat nilang isa-isip sa tuwing sila ay nahahapo o napapagal.

V.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang sakop ng pag-aaral ay ang ibat-ibang pamamaraan ng pagkontrol ng pagkapagal ng mgaaaral sa unang taon ng Cebu Doctors University sa Kolehiyo ng Narsing. Gumagamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan o questionnaire upang magkaroon ng tiyak na pagsisiyasat ng datos.

Limampung mag-aaral galing sa Cebu Doctors University sa Kolehiyo ng Narsing na nasa unang taon lamang ang sumagot sa talatanungan. Isang lingo lamang ang panahong ibinigay sa pamamahagi ng mga talatanungan. Ang pokus ng pag-aaral ay ang mga sagot ng mga respondante sa mga talatanungan.

Sapagkat kulang sa panahon ang mananaliksik, maaaring makakaapekto ito sa lawak ng pagaaral at mga tiyak na katuklasan.

VI.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang mas magabayan at maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa mga terminolohiyang ginamit at ang mga angkop na kahulugan para rito:

a. Droga Mga bawal na gamot o hindi legal na gamot na ibinebenta sa merkado na patago. Mga halimbawa nito ay ecstacy o rugby na isang kemikal na nakakaapekto sa utak na nagdudulot ng pagbabago sa ugali, kilos at kaisipan ng tao na kadalasay humahantong sa pagkakulong o di kayay pagkabaliw.

b. Bisyo Kaugaliang immoral, tiwali o nakakapagpababa ng pagkatao o moralidad.

c. Disposisyon Estado ng utak ukol sa ibat-ibang bagay

d. Emosyon Ang damdamin ng pagkatuwa, pagkalungkoy, pagkatakot, pagmamahal at iba pang nararamdaman at hindi nahihipo.

e. Kaibigan Isang tao na kapantay nito sa abilidad, edad o social status kung saan kayong dalawa ay nagkakaunawaan. f. Kapaligiran Ang mga bagay-bagay o lugar na pumapalibot sa isang tao.

g. Karamdaman Ito ay ang estado ng pagkakaroon ng sakit resulta ng karamdamang pangangatawan o pangisipan.

h. Karanasan Ang pag-oobserba o pag-eengkwentro sa mga bagay-bagay habang ang mga itoy nagaganap sa kurso ng oras.

i. -

Simtomas Mga sinyales of indikasyon ng isang sakit, lalong-lalo na tuwing nakakaranas ang isang tao ng pag-iba mula sa karaniwang pakiramdam o histura.

j. -

Stimulus Isang bagay na maaaring magdulot ng medaling pag-responde o kayay pakiramdam.

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

I. II. III. IV. V. VI.

Panimula Balangkas Konseptwal Paglalahad ng Suliranin Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Depinisyon ng mga Terminolohiya

1 2 3 4 5 6

KABANATA 2 KAUGNAY NAG LITERATURA AT PAG-AARAL

I.

ANO ANG PAGKAPAGAL?


Ang pagkapagal o stress ay anumang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong pakiramdam at

damdamin sa isang tao. Ang isang sitwasyon ay maaaring maging kapagal-pagal sa isang tao ngunit maaaring hindi para sa iba. Bagkus, hindi ng lahat ng tao ay nakakaranas ng iisang pakiramdam at damdamin kapag siya ay napapagal. (Whitman et. al., 1985)

Ang pagkapagal ay tumutukoy sa kawalan ng balance sa pagitan ng isang pinaghihinalaang pangangailangan at ang abilidad ng indibidwal na umaksyon dito. (McGrath, 1970)

Ang pagkakapagal, sa larangan ng medisina, ay isang pisikal, kemikal o emosyonal na pangyayari nanagdudulot sa pisikal o mental na karamdaman. (Funk and Wagnalls New Encyclopedia, 1986)

Ang pagkapagal ay isang karamdaman na nalilikha kapag tayo ay kumikilos bilang tugon sa isang pangyayari. Ito ay paraan ng katawaan upang harapin ang isang hamon at mga mahihirap na sitwasyon na may halong pokus, lakas, at pagkaalisto. Ang mga pangyayaring nagdadala ng pagkapagal ay tinatawag na stressors at sinasakop nito ang ibat-ibang pangyayari. (Lyness, 2007)

Habang nakakaramdam ng pagkahapo ang mga ta, nawawalan sila ng kontrol sa sarili. Pinatunayan ng mga mananaliksik na ang mga taong nakakaranas ng pagkapagal ay mas madalas ang pagliban sa kanilang diyeta, pag-inom ng mas maraming kape, mas madalas na paninigarilyo o paglulong sa masamang bisyo, pagbabale-wala ng mga gawaing bahay o responsibilidad, pagkalimot ng mga kasunduan sa mga kaibigan at pagiging iresponsable sa pananalapi. Sila rin ay nagiging sumpungin, irritable o hindi mapakali, at agresibo. Ang pagkapagal ay nakakasira ng mga matatag na kundisyon at damdamin. (Challem, 2007)

Ang pagkapagal ay isang sikolohikal na reaksyon sa isang hindi komportable o pamilyar na stimulus. Dahil sa stimulus na ito, nagkakaroon ng pagbabago sa katawan gaya ng pagtaas ng pagkaalisto, pagkabalisa, pagtaas ng pulso at sobrang pagpapawis.

Ang pagkapagal ay isang klase ng strain na umaapekto sa pangkaisipan, pisikal at emosyonal na aspekto ng tao. Ito ay ang flight or flee response ng katawan na nakokontrol sa adrenalin.

II.

IBAT-IBANG URI NG PAGKAPAGAL (Grossman, Arnold. Types of Stress. Readers Digest. April,2008)
Ang depinisyon ng pagkapagal ay mapapalawak sa tatlo niyang uri: Acute Stress, Episodic Acute

Stress at Chronic Stress. A. ACUTE STRESS

Ang Acute Stress ay ang pinakamadalas na uri ng stress na nagaganap. Ito ay mula sa pang-arawaraw na gawain ng tao. Sa salitang acute malalaman mo na ito lamang ay maliit at nawawala kaagad na hindi mahigit sa anim na taon. B. EPISODIC ACUTE STRESS

Ang Episodic Acute Stress ay nangyayari sa mga taong madalas na nakakaramdam ng acute stress. Kasama dito ang mga taong palaging nakakaranas ng kaguluhan at krisis na nagdudulot ng matinding pagkabalisa. C. CHRONIC STRESS

Ang Chronic Stress ay nagaganap sa mga taong hindi makahanap ng paraan upang masolusyonan ang isang masamang sitwasyon. Itoy nagdudulot ng pagkasira ng isip, buhay at ang pangangatawan ng isang tao.

Ang pagkapagal ay naglalabas ng hormone na tinatawag na corticotrophin-releasing factor o CRF. Ito ang nagsisimula ng biological response kapag may naramdaman na pagkapagal ang katawan. Tumataas ang antas ng CRF sa ibat-ibang bahagi ng utak dahil sa pagkapagal na nararamdaman. Ayon sa mga nakaraang pag-aaral, natuklasan na ang pag-abuso sa droga na nagpapataas din ng antas ng CRF. Nagpapahiwatig ito na may neurobiological na kaugnayan ang pagkapagal sa pag-abuso ng droga.

Naglalabas din ito ng neurotransmitter na norepinephrine na kinakailangan sa memorya. Ito ay isang dahilan kung bakis mas natatandaan ng mga tao ang oras ng pagiging pagal kaysa sa mga karaniwang na karanasan. (Jaff-Gill et. al. 2007)

Noong 1974, inilimbag ni Richard Lazarus ang isang modelo na naghahati sa eustress at distress. Sinasabing ang eustress ang nagaganap kapag ang pisikal at mental na gawain ay pinatitibay ng pagkapagal. Kapag ang pagkapagal ay paulit-ulit at hindi maresolba ng pagaalinsunod, ito ay tinatawag na distress. Ang distress ay maaaring magdulot ng anxiety at depresyon.

III.

MGA KARANIWANG NA PAGKAPAGAL:

A. PAGKAPAGAL NA PANGKALIGTASAN

Ito ay ang karaniwang tugon sa panganib sa lahat ng hayop at tao. Kapag ikaw ay takot sa isang tao o isang hayop na maaari kang saktan ng pisikal, ang katawan mo ay tumutugon sa pamamagitan ng biglang paglabas ng enerhiya para ikaw ay mas makaliligtas mula sa mga mapanganib na sitwasyon (fight) o takasan ito (flight). B. PANGKALOOBANG PAGKAPAGAL

Nahuli mo ba ang iyong sarili na nag-aalala sa mga bagay na wala kang magagawa o mag-alala sa wala talagang kadahilanan? Ito ang mga pagkaloobang pagkapagal at ito ay isa sa mga pinakamahalagang klase ng pagkapagal na dapat intindihin at kontolin. Pangkaloobang pagkapagal ay kung saan ang mga tao ay ginagawa nila ang sarili nilang napagal. Ito ay kadalasang nagyayari tuwing nagaalala tayo sa mga bagay-bagay na hindi natin kayang kontrolin o ilagay ang sarili natin sa mga sitwasyon na alam nating lilikha ng pagkapagal. Ilan sa mga tao ay nahihilig sa klase ng minadali, banat, uri ng pamumuhay na ang sanhi ay ang pagiging pagal. Humahanap din sila ng mga nakapapagal na mga sitwasyon at nararamdamang pagkapagal ukol sa mga bagay na hindi nakakapagal. C. PAGKAPAGAL SA KAPALIGIRAN

Ito ay tugon sa mga bagay sa kapaligiran na nakakalikha ng pagkapagal gaya ng ingay, pagdami ng tao, at pagdidii mula sa pamilya o trabaho. Ang pag-ukol sa mga kapaligirang pagkapagal at pagkatuto para maiwasan ang mga ito o harapin ang mga ito ay makatutulong mapababa ang antas ng pagkapagal.

D. PAGKAPAGAL SA TRABAHO

Para makisabak ng matagumpay, ang mga kompanya ay hindi kakayaning matulog. Mas kaunting trabahador rin ang kanyang mawalan ng komunikasyon tuwing katapusan ng linggo o bakasyon. Ang pagkapagal na ito ay nililikha sa matagal na panahon at maaaring makapagod sa iyong katawan. Maaaring ang sanhi nito ay lubusang pagtatrabaho sa iyong trabaho, eskwelahan o tahanan. Ito ay maaari ring likha ng hindi pag-alam kung papaano gamitin ng wasto ang oras o pagliban ng oras para sa bakasyon, paglilibang o pahinga. Ito ay maaaring isa sa mga pinakamahirap na klase ng pagkapagal na iwasan sapagkat maraming tao ang nakararamdam na ito ay labas at wala sa kanila ang kontrol dahil sa mga pagkasunod-sunod ng mga di-inaasahang pangyayari. (Challem, 2007)

KABANATA 3 METODO AT PAMAMARAAN

I. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang naisagawang pag-aaral ay gumagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksa sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondent.

II. POPULASYON

Nagbigay ng 50 talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa unang taon ng Kolehiyo ng Narsing sa Cebu Doctors University. Sa 50 talatanungan, lahat ay naibalik upang masusi ng maayos sa mga mananaliksik at makakuha ng sapat na impormasyon para sa kanilang pananaliksik. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mga estudyante tungkol sa pagkapagal o stress.

III.

TAGATUGON
Ang pinili ng mga mananaliksik na gawing mga tagatugon ay binubuo ng mga mag-aaral ng

unang taon ng nursing sa Cebu Doctors University, sa kadahilang sila ang dumaranas ng transisyon mula sekundarya patungong kolehiyo. Ang transisyong ito ay maaaring magdulot ng pagkapagal sa mga tagatugon.

IV.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng datos galing sa mga tagatugon ay ang mga

talatanungan o questionnaire. Ang mga talatanungang ito ay:

Una, nagtanong ito tungkol sa mga palagay ng mga mag-aaral tungkol sa pagkapagal, at kung ano sa tingin nila ang mga dahilan ng kanilang pagkapagal (tulad ng akademiks, personal na buhay, pera atbp.) Nagtatanong din ito kung sa aling aspekto nakakaapekto ang pagiging pagal ng mag-aaral, kung sa paaralan, sa pamilya at sa mga kaibigan o sa pangangatawan o kalusugan, at ang kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naaapektohan ang mga aspektong ito. Huli, nagtatanong ito sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang ginagawa upang mabawasan ang kanilang pagkapagal, tulad ng paglibang (hobbies), mga ginagawang pagkalakasan (sports), bisyo o pagkain. Tinataning din nito kung paano nakakatulong ang mga gawain ng mga mag-aaral sa pagbawas ng pagkapagal. Sinukat din ng talatanungan kung gaano kadalas ginagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing ito at kung sa kanilang palagay ay epektibo ba ang mga nasabing gawain sa pagbawas ng pagkapagal, pati na rin kung paano nakatutulong sa pagbawas ng pagkapagal ang kanilang napiling gawain.

Isang pie chart ang ginamit ng mga mananaliksik upang ilahad ang mga resulta ng talatanungan. Inilahad dito ang porsyento ng mga tagatugon na nakakaramdam ng pagkahapo at kung sa anong mga okasyon nila ito nararamdaman. Ang mga nasabing datos ay matatagpuan sa Paglalahad at Pagpapakahulugan ng mga Datos na makikita sa susunod na kabanata.

V.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS


Napagkasunduan ng mga mananaliksik na magsagawa ng isang pakikipanayam bilang paraan ng

pagsusurbey. Matapos isagawa ang pakikipanayam, pinili ng mga mananaliksik ang pie chart bilang paraan ng pagpresenta ng resulta sapagkat ito ay madaling maintindihan kapag nailahad.

Anda mungkin juga menyukai