Anda di halaman 1dari 12

ANG PAMILYA

Eph 1:2-4 ABAB (2) Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. (3) Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan, (4) ayon sa pagkapili niya sa atin sa kanya bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo'y maging banal at walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig.

ANG PAMILYA AYON SA ILANG BATAS NG PILIPINAS The Philippine Constitution, ARTICLE XV, THE FAMILY Section 1. The State recognizes the Filipino family as the foundation of the nation. Accordingly, it shall strengthen its solidarity and actively promote its total development. Section 2. Marriage, as an inviolable social institution, is the foundation of the family and shall be protected by the State. Section 3. The State shall defend: (1) The right of spouses to found a family in accordance with their religious convictions and the demands of responsible parenthood; (2) The right of children to assistance, including proper care and nutrition, and special protection from all forms of neglect, abuse, cruelty, exploitation and other conditions prejudicial to their development; (3) The right of the family to a family living wage and income; and (4) The right of families or family associations to participate in the planning and implementation of policies and programs that affect them. Section 4. The family has the duty to care for its elderly members but the State may also do so through just programs of social security. Philippine Family Code, TITLE V THE FAMILY, Chapter 1. The Family as an Institution Art. 149. The family, being the foundation of the nation, is a basic social institution which public policy cherishes and protects. Consequently, family relations are governed by law and no custom, practice or agreement destructive of the family shall be recognized or given effect. (216a, 218a)

ANG PAMILYA AY ITINATAG NG ATING PANGINOONG DIYOS. Gen 2:18-25 ABAB (18) At sinabi ng PANGINOONG Diyos, "Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa; siya'y igagawa ko ng isang katuwang na nababagay sa kanya." (19) Kaya't mula sa lupa ay nilalang ng PANGINOONG Diyos ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at dinala sa lalaki upang malaman kung anong itatawag niya sa mga iyon. At anuman ang itawag ng lalaki sa bawat buhay na nilalang ay siyang pangalan nito. (20) At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng hayop at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat hayop sa parang; subalit para sa lalaki ay walang nakitang katuwang na nababagay para sa kanya. (21) Kaya't pinatulog nang mahimbing ng PANGINOONG Diyos ang lalaki, at habang siya'y natutulog, kinuha niya ang isa sa kanyang mga tadyang at pinaghilom ang laman sa lugar na iyon; (22) at ang tadyang na kinuha ng PANGINOONG Diyos sa lalaki ay ginawang isang babae, at dinala siya sa lalaki.
ANG PAMILYA
Page 1 of 12

(23) At sinabi ng lalaki, "Sa wakas, ito'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman. Siya'y tatawaging Babae, sapagkat sa Lalaki siya kinuha." (24) Kaya't iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at pumipisan sa kanyang asawa; at sila'y nagiging isang laman. (25) Ang lalaki at ang kanyang asawa ay kapwa hubad, ngunit sila'y hindi nahihiya. Gen 1:28 ABAB (28) Sila'y binasbasan ng Diyos at sa kanila'y sinabi ng Diyos, "Kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at supilin ninyo ito. Magkaroon kayo ng pamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat bagay na may buhay na gumagalaw sa ibabaw ng lupa." KUNG PAANO NAGSIMULA ANG PAMILYA A. T 18-20.ANG PANGANGAILANGAN NG LALAKI NG KATUWANG (18) At sinabi ng PANGINOONG Diyos, "Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa; siya'y igagawa ko ng isang katuwang na nababagay sa kanya." (19) Kaya't mula sa lupa ay nilalang ng PANGINOONG Diyos ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at dinala sa lalaki upang malaman kung anong itatawag niya sa mga iyon. At anuman ang itawag ng lalaki sa bawat buhay na nilalang ay siyang pangalan nito. (20) At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng hayop at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat hayop sa parang; subalit para sa lalaki ay walang nakitang katuwang na nababagay para sa kanya. ANG PANGANGAILAN NA MAY KAUGNAYAN SA: 1. KAISIPAN 4. PANLIPUNAN 2. KABANALAN 5. KAGANDAHANG-ASAL 3. DAMDAMIN 6. PANGKATAWAN B. T 21-24. ANG PAGKALOOB NG DIYOS SA LALAKI NG BABAE (21) Kaya't pinatulog nang mahimbing ng PANGINOONG Diyos ang lalaki, at habang siya'y natutulog, kinuha niya ang isa sa kanyang mga tadyang at pinaghilom ang laman sa lugar na iyon; (22) at ang tadyang na kinuha ng PANGINOONG Diyos sa lalaki ay ginawang isang babae, at dinala siya sa lalaki. (23) At sinabi ng lalaki, "Sa wakas, ito'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman. Siya'y tatawaging Babae, sapagkat sa Lalaki siya kinuha." (24) Kaya't iniiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at pumipisan sa kanyang asawa; at sila'y nagiging isang laman. T 21. NAGPAPAKITA NG KAGANDAHAN NG KALOOBAN NG DIYOS PARA SA LALAKI T 22. GINAWA NG MAHUSAY NG DIYOS ANG BABAE PARA SA LALAKI T 23. ANG BABAE AY DAPAT ITURING NG LALAKI NA KAPANTAY, PANGALAGAAN AT MAHALIN ANG BABAE AY SINASABING HINDI KINUHA MULA SA ULO NG LALAKI UPANG KANYANG PAGHARIAN O ALILAIN, O KINUHA MULA SA PAA NG LALAKI UPANG TAPAK-TAPAKAN O YURAKAN ANG DANGAL, KUNDI MULA SA KANYANG TAGILIRAN UPANG MAGING KANYANG KAPANTAY, MULA SA
ANG PAMILYA
Page 2 of 12

IBABA NG KANYANG BISIG UPANG KANYANG PANGALAGAAN, AT MULA SA MALAPIT SA KANYANG PUSO UPANG KANYANG MAHALIN. T 24. ANG RESPONSIBILIDAD SA BUHAY MAG-ASAWA 1. ANG PANANAGUTAN NG BUHAY MAY-ASAWA AY NAKAATANG SA MGA BALIKAT NG LALAKI - ANG LALAKI AY IIWAN ANG KANYANG AMA AT INA 2. ANG PANANAGUTAN UPANG MAPANATILI ANG NAKAATANG SA MGA BALIKAT NG LALAKI - ANG LALAKI AY PIPISAN SA KANYANG ASAWA 3. ANG PAGSASAMA NG LALAKI PAGHIWALAYIN - SILA AY MAGIGING ISA AT BABAE AY PAGSASAMA AY

HINDI

PUWEDENG

C. T 25. ANG UNANG KATATAYUAN NG LALAKI AT BABAE (25) Ang lalaki at ang kanyang asawa ay kapwa hubad, ngunit sila'y hindi nahihiya. KUNG SAAN WALANG KASALAAN, DOON AY WALANG KAHIHIYAN WALANG KAHIHIYAAN SA KAHUBARAN KUNG ITO AY NAAYON O NAUUKOL O NAPAPALOOB SA BUHAY-MAG ASAWA AT NAAAYON SA KALOOBAN NG DIYOS. 1. ANG PAGTATALIK AY NAGMULA SA KARUNUNGAN NG DIYOS AT HINDI KASALANAN 2. ANG PAGTATALIK NG MAG-ASAWA AY NAUNA KAYSA SA PAGKAKASALA 3. ANG PAGTATALIK NG MAG-ASAWA AY PARA SA PAGPAPARAMI DALAWANG LAYUNIN NG PAGTATALIK NG MAG-ASAWA: a. UPANG MAPATATAG ANG PAGMAMAHALAAN SA PAGITAN NG LALAKI AT BABAE b. UPANG MAIWASAN ANG PAKIKIPAGTALIK NG HINDI KASAL ANG KRISTIYANONG TAHANAN Deu 6:4-9 ABAB (4) "Pakinggan mo, O Israel: ang PANGINOON nating Diyos ay iisang PANGINOON; (5) at iibigin mo ang PANGINOON mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. (6) Ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay ilalagay mo sa iyong puso; (7) at iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, at kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon. (8) At iyong itatali ang mga ito bilang tanda sa iyong kamay at bilang panali sa iyong noo. (9) At iyong isusulat ang mga ito sa pintuan ng iyong bahay at sa mga pasukan ng inyong mga bayan.

ANG PAMILYA

Page 3 of 12

SI MOSES AT ANG BAGONG HENERASYON NG ISRAELITA AY NASA KAPATAGAN NG MOAB MULA SA PAGLALAKBAY SA ILANG AT IPINALILIWANAG NIYA ANG MGA KAUTUSAN BAGO PUMASOK SA LUPANG PANGAKO. TATLONG MGA BAHAGI UPANG ANG TAHANAN AY MAGKAROON NG TUNAY NA UGNAYAN SA DIYOS: A. T 4. ISANG KAPAHAYAGAN NA NAGMUMULA SA DIYOS

(4) "Pakinggan mo, O Israel: ang PANGINOON nating Diyos ay iisang PANGINOON; Mar 12:29 ABAB (29) Sumagot si Jesus, "Ang pangunahin ay, 'Pakinggan mo Israel: Ang Panginoon nating Diyos, ang Panginoon ay iisa. NAGPAKILALA ANG DIYOS SA ATIN BILANG: 1. ANG KANYANG PAGIGING WALANG-KATAPUSAN O WALANG HANGGAN JEHOVAH = ETERNAL 2. ANG KANYANG PAGIGING MAHIGIT SA ISA ELOHIM = PLURAL OF GOD 3. ANG KANYANG KAISAHAN IISANG PANGINOON B. T 5. ISANG PAGTUGON SA KAPAHAYAGAN NG DIYOS

(5) at iibigin mo ang PANGINOON mong Diyos ng iyong buong puso, at ng iyong buong kaluluwa, at ng iyong buong lakas. Mar 12:30 ABAB (30) Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong pag-iisip mo, at nang buong lakas mo.' Mat 22:37 ABAB (37) At sinabi sa kanya, " 'Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.' LUBUSANG PAGPAPA-UBAYA NG BUONG SARILI SA DIYOS. C. T 6-9. TATLONG SANGKAP NG PANANAGUTAN (6) Ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay ilalagay mo sa iyong puso; (7) at iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, at kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon. (8) At iyong itatali ang mga ito bilang tanda sa iyong kamay at bilang panali sa iyong noo. (9) At iyong isusulat ang mga ito sa pintuan ng iyong bahay at sa mga pasukan ng inyong mga bayan.
ANG PAMILYA
Page 4 of 12

Deu 11:18-20 ABAB (18) "Kaya't inyong ilalagak ang mga salita kong ito sa inyong puso at sa inyong kaluluwa at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. (19) Ituturo ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak, na inyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, kapag ikaw ay nahihiga, at kapag ikaw ay bumabangon. (20) At isusulat mo ang mga iyon sa mga hamba ng pinto ng iyong bahay, at sa iyong mga pintuang-daan: 1. T 6. UPANG ISA-PUSO ANG KATOTOHANANG NAGMUMULA SA DIYOS 2. T 7. UPANG PAMUNUAN ANG KANYANG TAHANAN KATOTOHANANG NAGMUMULA SA DIYOS a. ANG LALAKI ANG SIYANG MAGTUTURO SA KANYANG MGA ANAK b. ANG LALAKI ANG SIYANG GAGABAY SA KANYANG MGA ANAK 3. T 8-9. UPANG IPAMUHAY ANG KATOTOHANG NAGMUMULA SA DIYOS SA

a. SA KANYANG MGA KINAGAWIAN b. SA KANYANG MGA KAUGALIAN c. SA KANYANG TAHANAN AT SA PUBLIKO

ANG TUNGKULIN NG ASAWANG BABAE 1Pe 3:1-6 ABAB (1) Gayundin naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyung sariling asawa, kahit na ang ilan sa kanila ay hindi sumusunod sa salita, upang mahikayat nang walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikanilang asawang babae; (2) kapag nakikita nila ang dalisay at magalang ninyong pag-uugali. (3) Ang inyong kagayakan ay huwag maging panlabas na pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng ginto, o pagbibihis ng maringal na damit. (4) Sa halip, ay ang panloob na pagkatao na may kagandahang walang paglipas, ng isang mahinhin at maamong espiritu na napakahalaga sa paningin ng Diyos. (5) Sapagkat nang unang panahon ay ganito ginayakan ng mga banal na babae na umaasa sa Diyos ang kanilang sarili, at sila'y nagpasakop sa kani-kanilang mga asawa, (6) tulad nang pagsunod ni Sarah kay Abraham, na kanyang tinawag na panginoon. At kayo ngayon ay mga anak niya kung gumagawa kayo ng mabuti, at hindi kayo natatakot sa anumang pananakot. ANG PANGUNAHING KATUNGKULAN NG MAY ASAWANG BABAE AY ANG MAGPASAKOP SA KANYANG ASAWANG LALAKI. A. T 1-2. ANG ASAWANG BABAE AY NARARAPAT NA MAGPASAKOP SA AUTORIDAD O KAPANGYARIHAN NG KANYANG ASAWANG LALAKI (1) Gayundin naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyung sariling asawa, kahit na ang ilan sa kanila ay hindi sumusunod sa salita, upang mahikayat nang walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikanilang asawang babae; (2) kapag nakikita nila ang dalisay at magalang ninyong pag-uugali.
ANG PAMILYA
Page 5 of 12

ANG GANITONG PAGPAPASAKOP AY MAAARING MAGDULOT UPANG ANG ASAWANG LALAKI AY MAHIKAYAT SA PANANAMPALATAYA. ANG IBA PANG MGA KAGAMPANANG GAWAIN NG MGA ASAWANG BABAE: Pro 31:10-31 ABAB (10) Sinong makakatagpo ng isang butihing babae? Sapagkat siya'y higit na mahalaga kaysa mga batong rubi. (11) Ang puso ng kanyang asawa, sa kanya'y nagtitiwala, at siya'y hindi kukulangin ng mapapala. (12) Gumagawa siya ng mabuti sa kanya at hindi kasamaan sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay. (13) Siya'y humahanap ng balahibo ng tupa at lino, at kusang loob ang kanyang mga kamay ay nagtatrabaho. (14) Siya'y gaya ng mga sasakyang dagat ng mangangalakal, nagdadala siya ng kanyang pagkain mula sa kalayuan. (15) Siya'y bumabangon samantalang gabi pa, at naghahanda ng pagkain para sa kanyang pamilya, at nagtatakda ng mga gawain sa mga babaing alila niya. (16) Tinitingnan niya ang isang bukid at ito'y binibili niya, sa bunga ng kanyang mga kamay ay nagtatanim siya ng ubasan. (17) Binibigkisan niya ng lakas ang kanyang mga balakang, at pinalalakas ang kanyang mga bisig. (18) Kanyang nababatid na kikita ang kanyang kalakal, ang kanyang ilaw sa gabi ay hindi namamatay. (19) Kanyang inilalagay ang kanyang mga kamay sa panulid, at ang kanyang mga kamay ay humahawak ng panghabi. (20) Binubuksan niya sa mga dukha ang kanyang kamay, iniaabot niya ang kanyang mga kamay sa nangangailangan. (21) Hindi siya natatakot sa niyebe para sa sambahayan niya, sapagkat ang buo niyang sambahayan ay nakadamit na pula. (22) Gumagawa siya ng mga saplot para sa sarili, ang kanyang pananamit ay pinong lino at kulay ube. (23) Kilala ang kanyang asawa sa mga pintuang bayan, kapag siya'y nauupong kasama ng matatanda sa lupain. (24) Gumagawa siya ng mga kasuotang lino at ito'y ipinagbibili, at nagbibigay ng mga pamigkis sa mga negosyante. (25) Kalakasan at dangal ang kanyang kasuotan, at ang panahong darating ay kanyang tinatawanan. (26) Binubuka niya ang kanyang bibig na may karunungan; at nasa kanyang dila ang aral ng kabaitan. (27) Kanyang tinitingnang mabuti ang mga lakad ng kanyang sambahayan, at hindi siya kumakain ng tinapay ng katamaran. (28) Tumatayo ang kanyang mga anak, at tinatawag siyang mapalad; gayundin ang kanyang asawa, at kanyang pinupuri siya: (29) "Maraming anak na babae ang nakagawa ng kabutihan, ngunit silang lahat ay iyong nahigitan." (30) Ang alindog ay madaya, at ang ganda ay walang kabuluhan, ngunit ang babaing natatakot sa PANGINOON ay papupurihan. (31) Bigyan siya ng bunga ng kanyang mga kamay, at purihin siya ng kanyang mga gawa sa mga pintuang bayan.
ANG PAMILYA
Page 6 of 12

Tit 2:3-5 ABAB (3) Sabihan mo rin ang matatandang babae na maging magalang sa kanilang asal, hindi mapanirang-puri, ni paalipin man sa alak; dapat silang magturo ng kabutihan, (4) upang kanilang maturuan ang mga kabataang babae na ibigin ang kani-kanilang mga asawa, ibigin ang kanilang mga anak, (5) maging matino, dalisay, masipag sa gawaing bahay, mabait, na nagpapasakop sa kanikanilang asawa, upang huwag lapastanganin ang salita ng Diyos. B. T 3-4. ANG PAGPAPASAKOP NG ASAWANG BABAE SA KANYANG ASAWANG LALAKI AY KANYANG KAGAYAKAN NA LUBHANG PINAHAHALAGAHAN NG DIYOS (3) Ang inyong kagayakan ay huwag maging panlabas na pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng ginto, o pagbibihis ng maringal na damit. (4) Sa halip, ay ang panloob na pagkatao na may kagandahang walang paglipas, ng isang mahinhin at maamong espiritu na napakahalaga sa paningin ng Diyos. Eph 5:22-23 ABAB (22) Mga asawang babae, pasakop kayo sa inyu-inyung mga asawa, gaya ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. (23) Sapagkat ang asawang lalaki ang ulo ng asawang babae, gaya ni Cristo na ulo ng iglesya, na siya ang tagapagligtas ng katawan. Col 3:18 ABAB (18) Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyung asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon. ANG ASAWANG LALAKI ANG SIYANG MANGUNGUNA AT ASAWANG BABAE AY SIYANG SUSUNOD. C. T 5-6. ANG PAGPAPASAKOP NG ASAWANG BABAE SA KANYANG ASAWANG LALAKI AY SIYANG NAGPAPAKITA NG PAGIGING ANAK NG DIYOS (5) Sapagkat nang unang panahon ay ganito ginayakan ng mga banal na babae na umaasa sa Diyos ang kanilang sarili, at sila'y nagpasakop sa kani-kanilang mga asawa, (6) tulad nang pagsunod ni Sarah kay Abraham, na kanyang tinawag na panginoon. At kayo ngayon ay mga anak niya kung gumagawa kayo ng mabuti, at hindi kayo natatakot sa anumang pananakot.

ANG TUNGKULIN NG ASAWANG LALAKI Col 3:19 ABAB (19) Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyung asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila. ITINUTURO NI PABLO SA ASAWANG LALAKI NA MAHALIN ANG KANYANG ASAWANG BABAE Eph 5:25 ABAB
ANG PAMILYA
Page 7 of 12

(25) Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyu-inyung mga asawa, gaya ni Cristo na nagmahal sa iglesya, at ibinigay ang kanyang sarili alang-alang sa kanya; ITINUTURO NI PEDRO SA ASAWANG LALAKI NA PAKISAMAHAN ANG KANYANG ASAWANG BABAE 1Pe 3:7 ABAB (7) Gayundin naman kayong mga lalaki, maging mapagbigay kayo sa inyu-inyung mga asawa sa inyong pagsasama, na binibigyan ng karangalan ang babae bilang isang mas marupok na sisidlan, yamang sila man ay tagapagmana rin ng biyaya ng buhay, upang walang makahadlang sa inyong mga panalangin. ANG PAGMAMAHAL NA ITINUTURO SA ASAWANG LALAKI PARA SA ASAWANG BABAE AY HINDI LAMANG PATUNGKOL SA PANGANGAILANGANG PISIKAL O EMOSYONAL (KAHIT NA ANG MGA ITO AY KAILANGAN O BAHAGI DIN) KUNDI ANG PAGMAMAHAL NA NAGMAMAHAL KAHIT NA ANONG KATUGUNAN (MAYROON MAN O WALA). ITO ANG URI NG PAGMAMAHAL NA IPINAMALAS NG DIYOS SA MUNDO SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG HESUS. Joh 3:16 ABAB (16) Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. ANG PAGMAMAHAL NA ITO AY BUNGA NG ESPIRITU. Gal 5:22-23 ABAB (22) Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kagandahang loob, kabutihan, katapatan, (23) kaamuan, at pagpipigil sa sarili. Laban sa mga ito ay walang kautusan. 1Co 13:4-8 ABAB (4) Ang pag-ibig ay matiisin at magandang loob; ang pag-ibig ay hindi maiinggitin, o mapagmalaki o hambog; (5) hindi magaspang ang kilos. Hindi nito ipinipilit ang sariling kagustuhan, hindi mayayamutin, hindi nagtatala ng mga pagkakamali. (6) Hindi ito natutuwa sa masamang gawa, kundi natutuwa sa katotohanan. (7) Pinapasan nito ang lahat ng bagay, pinaniniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay, tinitiis ang lahat ng bagay. (8) Ang pag-ibig ay walang katapusan. Subalit maging mga propesiya ay matatapos; maging mga wika ay titigil; maging kaalaman ay lilipas. ANG ASAWANG LALAKI AY MAGAGAWANG MAHALIN ANG KANYANG ASAWANG BABAE NG MAAYOS O WASTO: 1. KUNG SIYA AY NASA NAGPAPASAKOP AT NASA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NG BANAL NA ESPIRITU 2. KUNG SIYA AY ISANG TUNAY NA MANANAMPALATAYA O KRISTIYANO ANG TUNGKULIN NG ASAWANG LALAKI
ANG PAMILYA
Page 8 of 12

1. ANG PAKISAMAHAN ANG KANYANG ASAWANG BABAE NG MAY KATOTOHANAN AT KAALAMAN ANG ASAWANG LALAKI AY NARARAPAT NA ISAMA O ITURING NA KABAHAGI SA LAHAT NG ASPETO NG KANYANG BUHAY ANG KANYANG ASAWANG BABAE. 2. ANG IPAKITA O IPARAMDAM SA KANYANG ASAWANG BABAE ANG PAGPAPAHALAGA NA NARARAPAT PARA SA KANYA BILANG ASAWANG BABAE ANG PAGGANAP NG ASAWANG LALAKI NG KANYANG KATUNGKULAN AY MAYROON ESPIRITUWAL NA KAHALAGAN: UPANG ANG KANYANG MGA PANALANGIN AY HINDI MAHADLANGAN. ANG TUNGKULIN NG MGA ANAK Pro 1:8-9 ABAB (8) Anak ko, dinggin mo ang turo ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang aral ng iyong ina; (9) sapagkat sila'y magandang korona sa iyong ulo, at mga kuwintas sa iyong leeg. ANG LUMA AT BAGONG TIPAN AY NAGKAKAISANG NAGPAPAHAYAG NG IISANG TUNGKULIN NG MGA ANAK ANG SUMUNOD SA KANILANG MAGULANG. SA LUMANG TIPAN Exo 20:12 ABAB (12) "Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, upang ang iyong mga araw ay humaba sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos. Deu 5:16 ABAB (16) " 'Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, gaya ng iniutos sa iyo ng PANGINOON mong Diyos; upang ang iyong mga araw ay humaba pa at para sa ikabubuti mo sa lupain na ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos. SA BAGONG TIPAN Eph 6:1-3 ABAB (1) Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito'y matuwid. (2) "Igalang mo ang iyong ama at ina" ito ang unang utos na may pangako, (3) "upang maging mabuti ang inyong kalagayan at ikaw ay mabuhay nang matagal sa ibabaw ng lupa." Col 3:20 ABAB (20) Mga anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y nakakalugod sa Panginoon. ANG PAGSUNOD NG MGA ANAK SA MAGULANG AY PAGSUNOD SA KATUWIRAN O PAGIGING ISANG MAKADIYOS. ANG DALAWANG BAGAY NA IPINANGAKO SA MGA ANAK NA SUSUNOD SA KANILANG MGA MAGULANG:
ANG PAMILYA
Page 9 of 12

1. SILA AY MAMUMUHAY NG MALIGAYA 2. SILA AY MAMUMUHAY NG MATAGAL ANG MGA ANAK NA HINDI MARUNONG NA SUMUNOD SA KANILANG MGA MAGULANG, NA SIYANG MGA KINATAWAN NG DIYOS SA TAHANAN, AY HINDI MARUNONG SUMUNOD SA DIYOS. ANG TUNGKULIN NG MGA MAGULANG Psa 127:3 ABAB (3) Narito, ang mga anak ay pamanang sa PANGINOON nagmula, ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala. Eph 6:4 ABAB (4) At mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, kundi akayin ninyo sila sa pagsasanay at pangaral ng Panginoon. Col 3:21 ABAB (21) Mga ama, huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, baka manghina ang loob nila. Pro 22:6 ABAB (6) Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran. Pro 22:6 ABAB (6) Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran. ANG MGA AMA ANG SIYANG MAGULANG NA NARARAPAT O MAY TUNGKULIN NA MAGPASUNOD SA PAGPAPASUNOD NG MGA ANAK SA ISANG PAMILYA. ANG PAGDIDISIPLINA NG ISANG INA AY DAPAT NA MAUNAWAAN NA BAHAGI NG AUTORIDAD NG PAGDIDISIPLINA NG AMA SA TAHANAN. ANG AMA AT ASAWANG LALAKI ANG SIYANG NARARAPAT NA MANGUNA SA BAGAY NA ITO AT ANG INA AT ASAWANG BABAE AY KINAKAILANGAN SUMUNOD AT TUMULONG UPANG MAISAGAWA ANG BAGAY NA ITO. ANG MGA KATUNGKULAN NG AMA: A. ANG HINDI DAPAT GAWAIN NG ISANG AMA - huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak ANG AMA AY HINDI NARARAPAT NA SOBRANG HIGPIT O SOBRANG MAGPARUSA SA MGA ANAK DAHIL SILA AY MAMUMUHAY SA TAKOT NA MAAARING MAGBUNGA NG HINDI KANAIS NAIS NA BAGAY. B. ANG NARARAPAT NA GAWAIN NG ISANG AMA - akayin ninyo sila sa pagsasanay at pangaral ng Panginoon
ANG PAMILYA
Page 10 of 12

TATLONG BAGAY NA NAPAPALOOB: 1. ITO AY ISANG GAWAIN NA WALANG-TIGIL O WALANG-PATLANG HANGGAT ANG ANAK AY NAKA - DEPENDE O UMAASA SA MGA MAGULANG, ANG AMA ANG SIYANG MAY KATUNGKULANG MAGBIGAY SA ANAK UPANG SIYA AY MAKSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS. 2. ITO AY ISANG GAWAIN NA MAY PAGMAMAHAL ANG AMA AY DAPAT NA MAGPAKITA O MAGPARAMDAM NG PAGMAMALASAKIT AT PAGKAAGILIW SA ANAK 3. ITO AY ISANG GAWAIN NA MAY DALAWANG BAHAGI a. SA PAGPAPALAKI O PAGSASANAY SA LAHAT NG PANGANGAILANGAN NG ANAK UPANG SILA AY UMUNLAD O LUMAGO SA PISIKAL, MENTAL AT ESPIRITUWAL NA MGA BAGAY. b. SA PANGARAL NG PANGINOON 2Ti 3:16-17 ABAB (16) Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, (17) upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. ANG AMA ANG SIYANG ITINALAGA NG DIYOS BILANG MAY AUTORIDAD SA PAGDIDISIPLINA SA MGA ANAK. ANG AMANG HINDI DUMIDISIPLINA NG MGA ANAK AY HINDI SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS. ANG PAGSUWAY NG MGA ANAK AY HINDI DAPAT IPAGWALANG BAHALA. Exo 21:15 & 17 ABAB (15) "Ang manakit sa kanyang ama o sa kanyang ina ay papatayin. (17) "Ang magmura sa kanyang ama, o sa kanyang ina ay papatayin. Deu 21:18-21 ABAB (18) "Kung ang isang tao ay may anak na matigas ang ulo at mapaghimagsik, at ayaw makinig sa tinig ng kanyang ama, o sa tinig ng kanyang ina, at bagaman kanilang parusahan siya ay ayaw makinig sa kanila, (19) hahawakan siya ng kanyang ama at ina at dadalhin sa matatanda sa kanyang bayan, sa pintuangbayan sa lugar na kaniyang tinatahanan. (20) Kanilang sasabihin sa matatanda sa kanyang bayan, 'Itong aming anak ay matigas ang ulo at mapaghimagsik at ayaw niyang pakinggan ang aming tinig; siya'y matakaw at maglalasing.'

ANG PAMILYA

Page 11 of 12

(21) Kung gayon, ang lahat ng mga lalaki sa kanyang bayan ay babatuhin siya ng mga bato upang siya'y mamatay; gayon mo aalisin ang kasamaan sa gitna mo. Ito'y maririnig ng buong Israel, at sila'y matatakot. Pro 13:24 ABAB (24) Ang hindi gumagamit ng pamalo ay napopoot sa anak niya, ngunit ang umiibig sa kanya ay matiyagang dumidisiplina. Pro 19:18 ABAB (18) Supilin mo ang iyong anak, habang may pag-asa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa ikapapahamak niya. Pro 23:13-14 ABAB (13) Huwag mong ipagkait sa bata ang saway, kung hampasin mo siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay. (14) Kung siya'y hahampasin mo ng pamalo, mula sa Sheol ang kanyang kaluluwa'y ililigtas mo. Pro 29:15-17 ABAB (15) Ang pamalo at saway ay nagbibigay ng karunungan, ngunit ang batang pinababayaan, sa kanyang ina ay nagbibigay kahihiyan. (16) Kapag ang masama ay nanunungkulan, dumarami ang pagsalangsang, ngunit pagmamasdan ng matuwid ang kanilang pagkabuwal. (17) Supilin mo ang iyong anak, at bibigyan ka niya ng kapahingahan; ang iyong puso ay bibigyan niya ng kasiyahan.

ANG PAMILYA

Page 12 of 12

Anda mungkin juga menyukai