Anda di halaman 1dari 2

ALAMAT NG BAYAMBANG

(Pangasinan)
Kapapadpad pa lamang ng mga kastila dito sa ating Bansa. Sinasabi ring wala pang mga pangalan ang ibat ibang lupain sa Pilipinas. Sa isang maliit na bayan, kakaunti pa lamang ang naninirahan. Sa lugar na ito na lubhang napakarami ng punong kahoy. Karamihan sa mga ito ay ang puno na nagngangalang alibangbang. Sa bayang ito lumaki at nagkaisip si Elias. Si Elias ay maagang naulila. Natuklaw ng ahas ang kanyang ama at ang ina naman ay namatay sa pagluluwal sa kanya. Dahil ulila ay natuto si Elias na mamuhay na nag-iisa. Pangangahoy ang kanyang iknabubuhay. Maghapon siyang mangangahoy at kinabukasan ay iluluwas niya sa bayan ang kanyang mga nakahoy upang doon ipagbili. Sa ganitong paraan nabuhay si Elias. Noon ay panahon ng Kastila, karamihan sa mga kababayan ni Elias ay hindi gaanong naglalabas ng bahay. Sa kadahilanang natatakot sila na makita ng mga dayuhan. lamang ang araw-araw umaalis ng bahay. Isang araw sa kanyang pamamahinga sa ilalim ng punong alibangbang ay may mga kastilang dumaraan.. Katanghalian noon kayat ang mga dayuhan ay sumilong din sa lilim. Nasiyahan naman ang mga ito sa pamamahinga sa ilalim ng puno. Dahilan kung kayat tinanong nila ang pangalan ng puno. Alibangbang, ang sagot ni Elias. Sa kadahilanang hindi gaanong sanay ng salitang Tagalog ang mga Kastila ay hindi nila masabi ang alibangbang,sa halip ay Bayambang. Simula noon, ang maliit na bayan ay tinawag na nayon ng Bayambang. Tanging ang batang si Elias

TERMINOLOHIYA
1. Sumilong 2. Dumaraan 3. Pamamahinga 4. Lilim 5. Iluluwas 6. Kapapadpad 7. Naulila 8. Pagluluwal 9. Natuklaw 10. Dayuhan