Anda di halaman 1dari 24

Sa pagsakop ng mga Kastila, nais nilang baguhin ang pagkatao mismo ng mga katutubo: kailangan nilang manirahan sa pueblo,

tanggapin ang pamahalaang Kastila at maging Kristiyano. Sa pamamagitan ng reduccion, tinipon ang mga katutubo sa isang bagong lugar na pinili ng mga misyonero, na may kaayusang kolonyal at nakasentro sa simbahan, plaza at munisipyo. Ang paglipat ng mga tao sa pueblo ay para magkaroon ng monopolyo ang mga Kastila sa pag-aangkin ng mga lupain at sa pagkuha ng kayamanan mula rito.

Ano ang pakahulugan ng mga Kastila sa sibilisasyon? Ano ang sistemang Reduccion? Bakit ito ipinatupad ng mga Espanyol? Nakasama o nakabuti ba ito sa ating mga ninuno? Mayron bang tunguhin ng pagbubuo ng bayan bago pa man ang pagbabagong dala ng mga pwersang kolonyalismo?

Ano ang epektong dulot ng encomienda at hacienda sa ating mga katutubo?

Naiiba ang paraan ng pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas sa paraan ng pagsakop ng mga Portues, Ingles o Olandes sa ibang bayan ng Timog-Silangan Asya. Litaw sa kamalayan ng mga Kastila na kailangang baguhin ang mismong pagkatao ng mga katutubo. Para sa mga Kastila, ang sibilisasyon ay ang paninirahan sa pueblo pagpasailalaim sa Hari ng Espanya pagiging isang Kristyano.

Bakit nila ibinahagi ang sibilisasyon sa mga katutubo?

upang iligtas sila (mga katutubo) sa kapahamakang dulot ng kanilang lumang paniniwala (pananaw ng Kastila).
Paano nila ibinahagi ang sibilisasyon?

ikinalat nila ang mga misyonerong Kastila sa ibat ibang bahagi ng kapuluan. sa pagpasok ng istruktura ng mga Kastila sa pulitika at ekonomiya, sinubukan nilang baguhin ang pamamaraan ng mga katutubo rito, maging sa kanilang paniniwala at katulad ng nailahad sa itaas sa pamamagitan ng reduccion

Binago ang istruktura ng pamahalaan. Mula sa pagkakaroon ng katutubong sistema ay napalitan ng sistemang kolonyal. Ginawang Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay ang mga datu, na tinanggap ang sistemang pulitikal ng Kastila dahil sa mga pabuya (lupain o encomienda, pamagat na Don, Doa at Marquiz, suporta ng Kastila laban sa kaaway).

Naganap ang pangangalakal sa galleon kung saan: Ginamit bilang pinagkukunan ng salapi para maipagpatuloy ang kolonisasyon sa Pilipinas. Sa isang bahagi, nagdulot ito ng kabutihan sa Pilipinas dahil ito lamang ang pinapansin ng mga Kastila. ngunit, inagaw at pinutol nito ang namamayaning relasyon ng Maynila sa ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Napabayaan ang mga unang sentro ng kalakalan sa Kamindanawan at Kabisayaan dahil nakasentro lamang sa Maynila ang Kalakal Galleon. (Tunghayan ang dokumento tungkol sa pamilihan noong 19th Century)

Nangangahulugang: - pagpapalipat ng tirahan ng mga katutubo sa isang pamayanang may kaayusang kolonyal, ang plaza complex at sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

ibalik ang isang bagay sa dating kalagayan, pagbabago, pag-iiksiin, pag-unawain, ibalik sa pagkamasunurin ibalik sa puro o orihinal na kaayusan

terminong ginamit upang tukuyin ang pagpapalipat ng tirahan ng mga katutubo sa isang pamayanang may kaayusang kolonyal, ang plaza complex, at sa pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Kasama nito ang pagtatayo ng isang komunidad para sa mga katutubo at ang pagpapalaganap ng: tamang paniniwala ang Kristiyanismo pagbibihis ng tama- nakabalot ang buong katawan tamang pamahalaan sasailalim sa Diyos at sa Hari ng Espanya

sistematiko at sapilitang pagtitipon ng mga mamamayan sa iisang pook. hinubog ng mga Kastila ang mga katutubo sa isang tamang paraan ng pamumuhay. ito ay nakabatay sa urbanismong Greco-Romano na ang kahulugan ay sibilisasyon na nakaugnay sa pagkakaroon ng syudad. Pahiwatig: Sa pinakaugat ng kolonyalismo (reduccion), hindi lubusang naganap ang pagpapalit ng pagkatao na nais isagawa ng Kastila sa mga katutubo. Maaaring nabago ang pisikal na anyo sa pueblo ngunit ang buod at batayan nito ay ang katutubong kultura pa rin.

Ang Pilipinas noong 1565


nagbago ang pangkalahatang kalagayan ng buong

kapuluuan, ngunit patuloy pa rin ang mga dating tunguhin ng pagbubuo ng bayan sa bagong kalagayan. ang umusbong at naging bagong simulain ng sumunod na mga dantaon ng pagbubuo ng bayan. Bakit? Dahil sa pagpapatuloy ng wika, ang mapagpasyang batayan ng paguugnayan ng mga Pilipino.

isang pagbabagong-anyo ng sinaunang kabihasnan at bayan

Hindi inalis ng kolonisasyon ang mga wikang katutubo, ngunit hindi rin naman itinuro ng mga Kastila sa mga Pilipino ang wikang Espanyol bilang pangangailangan sa pananakop. Bukod sa wika, nagpatuloy rin ang iba pang larangan ng pagbubuo ng bayan sa buong kapuluan: mga kaugalian gawaing pangkabuhayan ugnayang kalakalan kasangkapan sa produksyon pakikitungo sa kapwa konsepto sa buhay at kapaligiran na naging matagalang batayan ng pagbubuong pangkapuluang.

Bago ang mga pagbabagong dala ng mga pwersa ng kolonyalismo, ang tunguhin ng mga bayan ay umabot sa antas ng pagbubuo ng alyansa ng mga bayan. (halimbawa: ang Islamikong sultanato sa Mindanao pinakamaunlad na anyo ng bayan o estado at kulang na lamang ang kaisahang pulitikal sa pangkapuluang antas.) 2. Lumilitaw ang isang ekonomiyang nag-uugnay sa mga bayan at may isang pangkalahatang anyo ng gamit at pagaari ng yamang likas. 3. Naroon na ang isang balangkas ng kalinangan na isinasabuhay sa kalahatan, na may masiglang pag-iiba-iba sa mga pook ngunit nakapaloob sa isang daigdig ng kaugalian at kapaniwalaan.
1.

Sa kabuan, tumatakbo ang isang lohika ng pagbuo ng bayan sa mas masaklaw na antas na nag-uugnay sa lahat ng mga bayan sa Pilipinas.

Mga pagbabagong naganap sa pagsakop ng mga Espanyol: Unang pagbabago: sa larangan ng espasyo o kaayusang

pisikal ng bayan. Sa mga baybaying dagat at tabing ilog at looban patungong kabundukan - mga pamayanan, pinaghihiwalay sa pamamagitan ng reduccion. Ang okupasyon ng mga lupaing sakop ng mga datu at raja nangangahulugan ng paghuhubog ng mga pamayanan at kapaligiran nito ayon sa modelong pyudal ng Europa. Pagpuwesto ng mga bayan at pagtatag sa dating mga sentrong bayan Pagbabagong anyo ng bayan (sa pagkakaroon ng cabecera o ciudad, pueblo at mga kaugnay nitong barrio o visita- mga nayong malayo man sa sentrong ciudad o pueblo ay gumagalaw din ayon sa ritmo ng pueblo.

Bakit nga ba isinagawa ng mga Espanyol ang pagtitipon ng mga katutubo sa pueblo?

Ginawa nila ito upang maipatupad ang sistemang

piyudalismo sa mga katutubo dahil pabagsak na noon ang sistemang ito sa kanilang kaharian kaya dito sa Pilipinas ipinagpatuloy. Ito rin ay upang magkaroon sila ng monopolyo sa pagaangkin ng mga lupain at sa pagkuha ng kayamanan mula rito.

Nagbagong-anyo ang bayan nang ito ay naging cabecera o

ciudad, pueblo at mga kaugnay nitong barrio o visita mga nayong malayo man sa sentrong ciudad o pueblo ay gumagalaw din ayon sa ritmo ng pueblo. Ang kaayusang pisikal ay batay sa grid pattern na kwadra kwadradong pag-aayos ng mga kalsada at bahayan na may plaza sa gitna. Nakasentro sa plaza ang simbahan (iglesia) at pamahalaang bayan (ayuntamiento o munisipyo). Pinakamalapit sa mga gusaling ito ang bahay ng mga Espanyol at pagkatapos nila ay ang mga principales. Papalayo sa sentro ang mga bahay ng karaniwang Pilipino. Simbahan ang tumatayong pinakamatingkad na istrukturang pisikal sa pueblo dahil sa ito ang pinakamataas, pinakamalaki at pinakakaiba ang anyo, sunod sa arkitekturang Europeo. Lumitaw naman sa paligid nito ang mga bahay na malalaki at yari sa bato (bahay na bato) na siyang tirahan ng malalaking tao, ang mga Espanyol at principales.

Sa mga pook na hindi inabot ng conquista, tulad ng

Kamorohan at mga kabundukan, hindi naitatag ang plaza complex. Ngunit ang galaw ng mga bayang hindi direktang nasaklaw ng conquista ay umindak din sa kumpas ng pueblo. Halimbawa nito ang pananalakay ng mga Moro sa mga pueblo, o ang pagpatay sa mga prayle sa mga kapaligiran ng Zambales, patunay sa paghatak ng pueblo sa kabuuang takbo ng buhay sa kapuluan. Sa pangkalahatan, ang kaayusang pueblo ay lumaganap sa mga lambak at kapatagan at naging lunsaran ng pagpapatuloy ng pagbubuo ng bayan sa buong kapuluan.

Naghari sa mga Pilipino ang isang estadong kolonyal. Ito ay pwersahang itinatag ng mga kinatawan ng monarkiyang Espanyol para sa dalawang layunin: tiyakin ang paghawak sa kapuluan bilang kolonya, at tugunan ang kapakanan ng hidalguia na magpayaman. Ngunit may isang partikularidad na tampok ang estadong kolonyal. Ito ang Simbahang Katoliko, lalo na ang mga korporasyong relihiyoso na malaki ang papel sa pagpapatakbo ng estadong kolonyal. Naging makapangyarihan ang mga prayle frailocracia.

Ang estratehiyang reduccion ang umagaw sa inisyatiba ng

pagtatatag ng mga katutubong Pilipino sa pagbubuo nila ng estadong pangkapuluan. Binaklas ng estratehiyang ito ang pag-uugnayan ng mga datu sa isat isa at sa kanilang mga sakop. Naputol ang dating tunguhin ng pagtatatag ng bayan. Kung dati, ang mga pinuno (datu o raja) ay nakatuon sa pagpapalakas ng kani-kanilang bayan, ngayon ito ay naging tagapagpatibay ng mga patakarang kolonyal sa pueblo.

Sa Pamahalaang Kastila:

Gobernador-heneral (gobyernong nasyunal)- Kastila Alcalde mayor (provincia)- Kastila Gobernadorcillo (pueblo)- Katutubo Cabeza de barangay (barangay)- Katutubo Sa pangkalahatan, ang naging tungkulin ng Gobernadorcillo at Cabeza ay mangolekta ng tributo at magpakilos ng taumbayan sa mga patrabaho ng gobyernong kolonyal. Sa pamamagitan ng sistemang pueblo, nasira ang ugnayan ng dating pinuno at ng bayan, ang pinuno ay nabago dahil naging kasangkapan ng mga kolonisador. Ngunit magpapatuloy ang mga tunguhin ng pagbubuo ng estadong bayan sa ibang paraan, sa anyo ng mga pag-aaklas laban sa estadong kolonyal.

Encomienda

mga lupaing iginawad na gantimpala ng monarkiya sa isang tauhan nito na nakatulong sa conquista. Naglatag ng makinaryang administratibo at naging instrumento ng mga Espanyol sa pagkaltas ng yamang surplus ng bayan sa anyo ng tributo, taunang quota ng produkto (bandala) na ipinagbili ng mga lalawigan sa gobyernong kolonyal, at sapilitang pagpapatrabaho ng mga tao sa mga obras publicas: mga lansangan, gusaling publiko, pagawaan ng barko lalong kilala bilang polo y servicio. (2) bagay na natugunan agad ng encomienda: 1. pamamahala ng mga sakop habang itinatatag ang pueblo, at 2. ang higit na kaayusang panglalawigan ng alcaldia.

Alcaldia * pumalit sa encomienda na naging regular na yunit pulitikal. Pinamumunuan ng alcalde-mayor. Hacienda * pribadong lupaing pag-aari kalimitan ng mga ordeng relihiyoso. Ang mga haciendero ay mga parasitikong nanangangalap ng yaman mula sa lupa sa anyo ng renta. Ibinunga nito ang mga sumusunod: 1. Mula sa pagiging tagakolekta ng tributo, ang principalia ay magiging elite na nakabase sa lupa. 2. Ilan lamang ang magmomonopolyo sa lupa at ang karamihan ng mga Pilipino ay magiging mga pesante. (Kung encomienda ang naging instrumento ng estado sa pagkaltas ng yamang surplus, ang hacienda ang naging mekanismo ng pribadong sektor sa pagkaltas ng yamang surplus.

Anda mungkin juga menyukai