Anda di halaman 1dari 16

Ang Kahalagahan at

Mekanismo ng Pagsusulat

Ulat ni:Wilkinson Chan


Ang Kahalagahan ng
pagsusulat
 Mahalaga ang pagsusulat
sapagkat sa pamamagitan nito,
ang mga tao sa iba’t ibang lugar at
sa iba’t ibang panahon ay
nagkakalapit, nagkakaunawaan at
nagkakaisa. Ang aspeto ng ating
kultura ay napananatiling buhay sa
amamagitan nito.
Sa pamamagitan ng mga nasulat na
tala ay natututuhan natin ang
kasaysayan ng ating lahi; ang mga
paniniwala at matatayog na kaisipan
ng ating mga ninuno; at ang mga
pagbabago at paglusong ng ating
bansa.
Mga pamantayang dapat sundin sa
pagsusulat:
 Kailangan ang kaisahan,
kaugnayan, kawilihan, at wastong
pagbigay-diin sa pahayag.
 Kailangang malinaw, makatwiran at
maayos ang pagkakasunod-sunod
ng mga kaisipan.
 Kailangan maingat ang susulat
sapagkat- ang anuman kamalian
ay nakikita ng bumabasa.
Mga pamantayan…
 Kailangang may sapat na kaalaman
sa wika, gramatika at retorika.
 Dapat na may lubos na kabatiran
sa mga mekanismo sa pagsusulat
gaya ng: pagbabaybay,
pagbabantas, paggamit ng
malaking titik, paggamit ng italika,
pagsulat ng tambilang at
pagpapaikli ng mga salita at talata.
A.Talataan
 Ang Talata y lipon ng mga
pangungusap na paunlad na
binubuo at nagpapahayag ng isang
buong diwa o kaisipan. Ang isang
talata o magkakasunod na talata
ng isang akda ay may kaisahan,
kaugnayan at kaanyuan.
1. Kaisahan
 Upang matawag na talata ang
pangkat ng mga pangungusap,
kailangang ito’y umiikot sa iisang
pangkalahatang ideya. Kailangang
may pangungusap na pampaksa na
siyang nagsisilbing giya o patnubay
sa pagbuo ng susuportang mga
pangungusap.
Halimbawa:
 Matagal nang nakatayo si mang
Lope sa tabi ng kanyang bintana ay
hindi pa rin siya mapalagay.
Dumukot siya sa kanyang bulsa at
nagsindi ng sigarilyo. Pagkatapos,
naupo siya sa bangkong dahilig.
2. Kaugnayan
 Kailangang magkakaugnay ang
mga pangungusap upang
magpatuloy ang daloy ng diwa
buhat s simula hanggang sa dulo
ng pahayag. Kailangan nakaayos
sa pagkakahanay ang mga
pangyayari o ang diwang
ipinahayag upang maging
maliwanag ang pagkakaugnay.
Pamantayan sa kaugnayan
 Paggamit ng tradisyonal na mga
salita o mga pangatnig gaya ng: at,
kapag, disin sana, dahil sa,
sapagkat, ngunit, bagaman,
samantala, anupa’t, kung gayon,
samakatuwid, gayon pa man, sa
kabila noon, at marami pang iba.
Halimbawa:
 Kung hindi kabibe ang
pinagkakaabalahan nila sa
dalampasigan, naghuhukay sila ng
halamis sa talpukan, o kaya’y
gmagawa ng kastilyong buhangin.
B. Paggamit ng panghalip
 Kung pangngalan ang ginamit sa
unang pangugusap o sugnay,
panghalip ang maaring gamiting
kahalili ng pangalang nabangit. Sa
mga sumusunod na pangungusap.
Ginagawa ito upang hindi ulit-ulitin
ang atensyon ng bumabasa ay
magbalik sa tinutukoy na
panghalip.
Halimbawa:
 Sa pagiging pastol o anulwagi,
hindi niya alam ang pipiliin.
 Kinawiwilihan niya ang pagpapastol
ng tupa.
C. Pag-uulit ng salita upang
magbigay-diin at magugnay diwa
 Halimbawa: Patuloy ang hagupit ng
hangin. Patuloy ang pagyanig ng
lupa. Patuloy ang pagpapalahawan,
ang, gulo at inlay, ang mga
panawagan, ang pagsungit ng
panahon.
D. Paralelismo o paggamit ng
magkakatulad na balangkas
pangramatika
 Halimbawa: Tingnan mo si tonyo,
oy! Pinapagsibak ko ng kahoy,
nang sabihin kong liitan ang tilad
ay ayun, hindi mapakinabangan..
Puro tatal ang ipinanhik. Nang
sabihin kong laki-lakihan ay
malaking-malaki naman. Hindi mo
naman maigatong.
3. Kaanyuan o kabuuan
 Ang mabuting talata ay naglalaman ng
kumpletong kaisipan. May pagbigay-
katuturan, paliwanag, pangangatwiran,
at patotoo. Gumagamit ng ilustrasyon,
halimbawa, pagwawangis, pagtutulad at
pag-iiba, pagsusuri, mungkahi, tagubilin,
talinghaga, mahahalagang sipi at iba
pang pamamaraan upang maging buo o
ganap. Ang isang akda ay may
panimulang talata, magkakapanunod na
talata(Transitory) at may pangwakas na
talata.

Anda mungkin juga menyukai