Anda di halaman 1dari 8

YUNIT VI:

ANG
PANGANGATWIRAN

ANG PANGANGATWIRAN
Ay paraan ng pagpapahayag na
may layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng
makatwirang mga pananalita.
Ang isang taoy nangangatwiran
upang ang kanyang paniwala ay
tanggapin o sang-ayunan ng kanyang
tagapakinig.

Mga Katangian ng Isang Mabuting


Mangatwiranin
1. May lubos na kaalaman sa paksa.
2. May malawak na talasalitaan o bukabularyo.
3. May malinaw na pananalita.
4. Maayos maghanay ng kaisipan.
5. May tiwala sa sarili.
6. Mahinahon.
7. Mabilis mag-isip.
8. Nakauunawa sa katwiran ng iba.
9. Marunong kumilala ng katotohanan.
10.Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.

Dalawang Uri Ng Pangangatwiran


1.Pabuod
Itoy nagsisimula sa nalalaman na
patungo sa hindi pa alam. Uri na
nagsisimula sa payak patungo sa
masaklaw.
2.Pasaklaw/ Silohismo
Itoy kasalungat ng pabuod.
Nagsisimula ito sa masaklaw patungo
sa payak.

Mga Uri ng
Pangangatwirang
Pabuod
DAHILAN NG PAGKAGANAP NG
PANGYAYARI. Nababatay ang uring ito sa
simulaing may sanhi o dahilan ang anumang
pangyayaring naganap.

Halimbawa:
Hindi siya nakapasa sa eksamen sapagkat
hindi siya nagbalik-aral.

PINAGHAHAMBING ANG MGA


KATANGIANG MAGKATULAD. Makukuha ang
katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
sangkap na magkatulad.

Halimbawa:
Kukuha si Rey ng kursong Komersiyo
sapagkat ang kanyang kaibigan ay kukuha ng
Komersiyo.

PAGBIBIGAY NG MGA EBIDENSYA O


KATIBAYAN. Ang katotohanan ay mapapalitaw sa
pamamagitan ng mga katunayan o ebidensya.

Halimbawa:
Nawawala ang ilang piraso ng mamahaling alahas
sa isang jewelry store sa Ermita. Isang
saleslady ang hindi pumasok sa trabaho nang
araw na matuklasan ang pagkawala ng mga alahas.
Pinaghinalaan siya ng may-ari. Tumawag ng mga
pulis. Natagpuan sa kanyang aparador sa loob ng
kanyang silid ang nawawalang mga alahas.
Isinakdal siya sa salang pagnanakaw.

Tatlong Proposisyon ng
Silohismo
1. Pangunahing Batayan (Major
Premise)- Nagsasaad ng isang
katotohanang panlahat.
2. Pangalawang Batayan (Minor
Premise)- Nagsasaad ng isang
katotohanang tiyak.
3. Konklusyon- Itoy nagtataglay ng
isang hinuha mula sa pangunahing
batayan at sa pangalawang batayan.

Anda mungkin juga menyukai