Anda di halaman 1dari 11

ANG

PAGSASALAYSAY

ANG PAGSASALAYSAY
ay pagpapahayag na may layuning
magkuwento ng magkaugnay na mga
pangyayari. Dalawa ang uri ng
pagsasalaysay: pasulat at pasalita.
Ang karanasan at ang mga nakikita
niya sa kanyang kapaligiran ay
maaaring paghanguan ng
pagsasalaysay ng isang tao.

Pagpili ng Pamagat ng
Pagsasalaysay o Kwento
1.) May orihinalidad.
2.) Di-pangkaraniwan
3.) Makahulugan
4.) Kapansin-pansin
5.) Kapana-panabik

Mga Dapat Iwasan sa Pagpili ng


Pamagat
1.) Pangkaraniwang pamagat maaarig
hindi na pag-ukulan ng
pansin ng mambabasa ang pagsasalaysay
na nagtataglay ng pangkaraniwang
pamagat. (Hal. Kamatis)
2.) Pamagat na nagbubunyag sa lihim ng
pagsasalaysay hindi na mag-aakasaya
ng panahong basahin ang
pagsasalaysay/kwento kung sa pamagat
pa lamang ay malalaman na ang laman
nito. (Hal. Maralitang Yumaman)

3.) Maituturing na isang kahangalan sa


hangarin ng isang
may-akda na maging kapansin-pansin ang
kanyang pamagat
ay lumalabas itong kahangalan. (Hal. Yelong
Malamig)
4.) Nalalabag ang mabuting panlasa sa
layunin ng may-akda na maging kakaiba ang
pamagat na kayang ginamit, kung minsan
nalalabag ito sa mabuting panlasa na maaaring
makapagdulot ng kakaibang pakiramdam
sa tao. (Hal. Inuuod na Bangkay)

Mga Maaaring Pagkunan ng


Pamagat
1.) Pinakamahalagang bagay sa salaysay.
2.) Pook na may malaking kinalaman sa mga
pangyayari.
3.) Isipan o damdaming namamayani sa
salaysay.
4.) Isang mahalagang pangyayari sa
kuwento.
5.) Katotohanang pinatunayan sa salaysay.

Ang Paksa
Ang paksa ay dapat na makabuluhan,
kalimitay kapupulutan ng mga
mahahalagang pangkatauhan (values),
magbibigay ng aral at mabubuting
halimbawa.

ANG PAGLALARAWAN NG
PANGUNAHING TAUHAN
1.) Mga bahagi ng katawan ng tauhan
2.) Kaisipang naghahari sa kanya
3.) Mga ikinikilos niya sa harap ng mga pangyayari
4.) Tiyakang pagsusuri ng kanyang katauhan.
5.) Inilalarawan ang paraan ng kanyang pagsasalita at
pakikipag-usap sa iang tao.
6.) Inilalarawan ang damdaming kanyang ginigising sa
mga kasamang tauhan.
7.) Inilalarawan ang mga sinasabi ng tauhan tungkol sa
kanya.
8.) Tinatalakay ang kanyang kapaligiran tulad halimbawa
ng kanyang tirahan at mga kasangkapang ginagamit

Ang Usapan sa Kuwento


1. Pagiging natural ang sagutan ay katulad ng tunay
na
usapan na ang sinasabi ng sumusunod na nagsasalita
ay may kaugnay sa sinabi ng nauna sa kanya. Hindi
mainam na ang isay tagapakinig lamang o tagausisa
lamang.
2. Angkop ang mga sinasabi sa uri ng tauhan sa
pamamagitan ng kanyang pagsasalita ay makikilala ang
likas na
sarili ng tauhan at ang damdaming nag-udyok sa kanya
upang gumawa ng anumang hakbang. Ang isang bata
ay hindi maaasahang magsalita nang katulad ng isang
may edad na 30.

3. Naaangkop sa pangyayari dapat isaalang-alang ang


damdaming naghahari sa nagsasalita. Ang isang taing
tunay na nagsisisi ay kailangang maging mapagkumbaba
sa pagsasalita at hindi palalo. Ang isang tauhang
natatakot ay di makapagsasalita nang mahinahon at
buong katalinuhan.
4. May kaugnayan sa galaw ng kwento-hindi dapat
gamitin sa kwento ang pag-uusap upang
maipagparangalan lamang ng sumulat ang kanyang
karunungan at kahusayan. Dapat gamitin ang usapan sa
pagsulong ng galaw ng kwento.

5. Matimpi ang isang manunulat na matimpi ay


nag-iingat sa kanyang mga salitang gagamitin sa
usapan. Pagsisikapan niyang pumili ng mga
salitang naaangkop sa kaisipang nais niyang
ipahayag.

Anda mungkin juga menyukai