Anda di halaman 1dari 20

AMADO VERA HERNANDEZ

(13 Setyembre 1903 24 Marso


1970)

Manunulat
Editor (Mabuhay)
Kolumnista (Taliba /19621967)
Nobelista
Makata
Mamamahayag
Lider-manggagawa
Bilanggong Pulitikal
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas (1973)

Makata ng mga Manggagawa


Nasasalamin sa kanyang mga tula
ang marubdob na pagmamahal sa
mga dukhang mga manggagawa.
Para sa kanya, ang tula ay
halimuyak, taginting, salamisim at
aliw-iw.
Ang
panitik
ang
makapangyarihan at ayon sa kanya
ang hari ang nagpapayuko ng panitik.

BILANG MANUNULAT
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat.
Nang lumaon ay naging tanyag siya sa larangang ito.
Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang
kanyang kolum na Sariling Hardin. Noong 1929,
hinamon siya ng kanyang kaibigang makata na si Jose
Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de
Jesus ay nakalathala sa pang-araw-araw niyang kolum na
Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi sa pahayagang
Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum
niyang Sariling Hardin sa pahayagang Pagkakaisa.
Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang
makasaysayang Balagtasan hinggil sa lumang usapin ng
lahi. Makaraan ang sampung taon, muling inilathala ito
sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na
siyang
editor
nito.

BILANG MAMAMAHAYAG:
Naging patnugot ng lingguhang Sampaguita;
Pagkakaisa at Mabuhay.
Nagkaroon ng sariling tudling sa Taliba sa
pamagat na Sari-sari.
Ginantimpalaan din siya ng National Press Club sa
pag-uukol niya sa dalawamput limang taong
paglilingkod sa pahayagan
Nakasama
siya
sa
nabuong
Philippine
Newspapers Guild (PNG) noong 1945, na umanib
sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging
pangulo si Ka Amado ng CLO noong 1947.

BILANG PULITIKO
Nahalal siyang konsehal ng Unang Purok (Tondo)
ng Maynila.

Nanungkulan siya bilang konsehal ng Maynila sa


loob ng dalawang termino (1945-46; 1948-51)
hanggang siya ay ipakulong ng pamahalaan.

BILANG LIDER MANGGAGAWA


Nakilahok siya sa kilusang manggagawa noong
dekada 19401950

Naging pangulo si Ka Amado ng Congress of


Labor Organizations (CLO) noong 1947.

Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang


welga ng 2,600 mga mang-gagawa mula sa Manila
Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate,
Metram Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp.
Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-aklas
muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya
tulad ng Philippine Refining Co., Benguet Consolidated
Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang
kauna-unahang stay-in strike sa Franklin Baker, isang
kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83 welgang
naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang
ikaapat na Kongreso ng CLO, na ang kanilang gi-namit
na islogan ay Manggagawa at Seguridad! at Ibagsak
ang Imperyalismo! Noong 1950 ay nagwelga ang
38,000
manggagawa.

BILANG MANUNULAT:
Sa kanyang palagay, tatlong bagay ang dapat taglayin ng sino
mang mga mangangatha. Ito ay:
Una, kamulatang panlipunan o social consciousness na
katambal ang diwa ng nasyonalismo.
Ikalawa, diwa ang pakikibaka at kaunlaran upang maging
mabisang kawal ng panitikan.
Ikatlo, dapat silang magbuklod sa isang malakas na
katipunan upang makapanindigan, magkaroon ng boses sa
pangangalaga sa kanilang kalayaan at karapatan at nang hindi
sa habang panahong hamak silang upahan na ang trato ng
mga magasing komersiyal at ng mga publisher ay mabuti pa
ang trato sa isang labandera.

Samakatuwid, ang pagsulat ay dapat may layuning


panlipunan. Sa halip na panaginip o pantasya, ang
sino mang mangangatha ay dapat sumulat base sa
kanyang pag-iisip at kamalayan na naka-angkla sa
kanyang kapaligirang ginagalawan. Si Hernandez ay
sumulat, hindi lamang tungkol sa pag-ibig o mga
pangarap kundi tungkol din sa mga manggagawa,
hustisya sosyal, korapsyon sa gobyerno, pulitika,
digmaan, kaapihan, kalayaan, bigas, welga,
bartolina, gutom walang bagay para sa kanya ang
hindi maaaring paksain ng tula. Maging ang
kanyang mga nobela at maikling kwento ay
naglalarawan ng pang-araw-araw na buhay ng mga
karaniwang tao.

Bombero (Sa Oras ng PanganibLiwayway 1928)


Boksingero (Ang Aguinaldo ng kanyang Anak
Liwayway1929),
Piping katiwala na nagpakita ng kabayanihan
(Panata ni Pilar 1936)
Peryodista at nurse (Kulang sa Dilig 1939),
Magsasaka (Nagsilbi si Pastorat Supling ni San
Husep Liwayway 1959),
Simpleng buhay sa barrio (Hindi Sumalubong si
Major 1959),
Unyonista (Panata ng Isang Lider Liwayway1960),
Tindera ng sweepstakes (Hubad Liwayway 1958),
Iskuwater na walang permanenteng trabaho (Isang
Ulo ng Litson Liwayway1959).

Mga Nobela
Ang
mga
nobelang
pangsosyopolitika
ni
Hernandez ay ayon sa
kaniyang mga karanasan
bilang
isang
gerilya,
obrero ng manggagawa
at
prisonerong
pampolitika.
Mga Ibong
Mandaragit!,1969
Luha Ng Buwaya,
1972
Archei Ang batang
mabait, 1998

Mga Tula

Isang Dipang Langit


Panata sa Kalayaan
Ang Mga Kayamanan ng Tao
Ang Dalaw
Bartolina
Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking
Bayan
Bayang Pilipinas
Ang Taong kapos
Bayani
Sa Batang Walang Bagong Damit
Isang Sining ng Pagbigkas
Ang Panday
Inang Wika
Ang Tao
Pamana
Ang Aklasan

Mga Maikling Kuwento


Wala nang gamot si
pepe
Kulang sa Dilig
Langaw sa Isang
basong Gatas
Dalawang kiloMetro sa
Lupang Di-Malipad ng
uwak
Ipinanganak ang Isang
daliri sa Sosyaledad
Limang Alas, Tatlong
Santo
Isang Aral para kay
Armando

Mga Dula
Karamihan sa kaniyang mga
dula ay batay sa kaniyang
karanasan
habang
nasa
bilangguan:
Munting lupa, 1957
Hagdan sa Bahaghari, 1958
Ang Mga Kagalang-galang,
1959
Magkabilang Mukha ng
Isang Bagon, 1960
Mga Sanaysay
Si Atang at ang Dulaan
Si Jose Corazon de Jesus at
ang Ating Panulaan
Pilipinismo: Susi sa Bayang
Tagumpay

MGA NATANGGAP NA GAWAD-PAGKILALA


Noong 1932, pinagkalooban siya ng Ilaw at Panitik
ng medalyang ginto bilang kwentista ng taon.
Noong 1935, sa pagpapasinaya ng Komonwelt ay
pinagkalooban
siya
ng
gantimpalang
pampanitikan sa kanyang aklat na katipunan ng
mga tula na pinamagatang Pilipinas.
Dalawamput limang ulit na naputungan ng
karangalang pagkamakatang lauredo sa ibat
ibang timpalak panitik.
Dalawang sunod na nagawaran ng gantimpala na
kaloob ng pamahalaan noong taong 1939-1940.
Maikatlong ulit na nagkamit ng gantimpalang
Palanca dahil sa kanyang mga makabagong dula
-1958,1959 at 1960.

1938, ang kanyang narrative poem na Pilipinas ay


nanalo ng Commonwealth Literary Award.
Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay
nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural Center
of the Philippines (CCP).
Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang
Langit ay nanalo ng Republic Cultural Heritage
Award.
Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya ay nanalo
ng Balagtas Award noong 1969.
Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga
mamamahayag na Asyano sa Indonesia, at
nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba,
kung saan nanalo siya ng NPC-Esso Journalism
Award

Bawat taon ay ginugunita at


ipinagkakaloob
angGawad
Ka Amadosa mga makata,
manunulat,
mandudula,
mang-aawit at mga may-akda
ng mga likhang-biswal na
gumagawa ng mga sulating
tumatalakay
sa
mga
karanasan
ng
liping
manggagawa.

ANG PANDAY
Kaputol na bakal na galing sabundok.
Sa dila ng apoy, kanyangpinalambot;
Sa isang pandaya'y
matyagangpinukpok
At pinagkahugis sa nasa ng loob.

Walang anu-ano'y naging kagamitan,


Araro na pala ang bakal naiyan;
Ang mga bukiri'y payapangbinungkal,
Nang magtaniman na'y
masayangtinamnan.

Nguni't isang araw'y nagkaroon


nggulo
At ang buong bayan ay
bulkangsumubo,
Tanang mamamaya'y nagtayo ng hukbo
Pagka't may laban nangnagaalimpuyo!
Ang lumang araro'y pinagbagang muli
At saka pinanday nangnagdudumali.
Naging tabak namang tila humihingi,
Ng paghihiganti ng lahingsinawi!

Kaputol na bakal na kislap ma'ywala,


Ang kahalagahan ay dimatingkala,
Ginawang araro, pambuhay ng madla;
Ginawang sandata, pananggolng
bansa!
Pagmasdan ang panday, nasa
isangtabi,
Bakal na hindi manmakapagmalaki;
Subali't sa kanyang kamay na marumi,
Ay naryan ang buhay atpagsasarili!