Anda di halaman 1dari 25

Mga Panghihimasok ng mga Bansang Asyano

sa Korea
Ang Tangway ng Korea ay
matagal nang minamanmanan non
ng mga mananakop, lalong-lalo na
ng mga bansang nakapalibot dito
tulad ng Japan, China at Russia.
Naghihintay lamang ang mga ito ng
tamang panahon at pagkakataon
upang maisakatuparan ang
kanilang planong pananakop.
Noong dantaon 17, marami nang mga
Europeo ang nagawi sa Tangway ng Korea.
May iilang misyonerong Katoliko na mula sa
China ang tumuloy sa Korea upang
ipalaganap ang kanilang paniniwala. Dahil sa
dalang makabagong kaalaman ng mga
misyonero sa larangan ng agham, unang
nahikayat na sumali sa Katolisismo ang mga
iskolar ng silhak.
Ang silhak ay isang pananaw na naniniwala
sa praktikal na pamamaraan sa
pagpapatakbo ng bansa sa halip na sumunod
sa lahat ng turo ng Confucianismo.
Karamihan sa mga unang naging Katoliko ay
mga maharlika hanggang sa sumunod na rin
ang mga pangkaraniwang tao. Mula sa Seoul,
lumaganap ang paniniwalang ito sa mga
lalawigan. Sa pagpuna na taliwas sa mga turo
ng Confucianismoang ilang doktrina ng
Simbahang Katoliko, ipinagbawal ng
pamahalaang Koreano ang Katolisismo.
Nagkaroon ng pag-uusig laban sa mga
mananampalatayang Katoliko noong 1801,
1839, at 1866 kung saan pinugutan ng ulo
ang mga misyonerong pumunta sa Korea.
Sa ilalim naman ni Taewongun noong
dantaon 19, ipinatupad ng pamahalaan ang
patakarang pambansang pagsasarili. Isinara
ng pamahalaang Koreano ang buong tangway
sa ugnayang panlabas. Sa panahong ito,
dumagsa ang mga barkong Kanluranin sa
mahahalagang daungan ng tangway upang
makipagkalakalan ngunit lahat ng ito ay
tinanggihan ng pamunuan.
Matagumpay ring naitaboy ng mga Koreano
ang mga Pranses noong 1866 at ang mga
Amerikano noong 1871.
Taewongun
Nang magpalit ng pamunuan ang
pamahalaang Korea noong 1873,
nabaligtad ang lahat ng patakarang
sinimulan ni Taewongun. Nagtagumpay
ang Japan na ipilit ang pagbukas ng
mga daungan ng Pusan, Wonsan, at
Inchon sa kalakalang Hapones.
Nabahala rito ang China kaya nagtalaga
ato ng kawan sa Korea.
Sapilitang pinasang-ayon ng China ang
Korea sa kasunduang pangkalakalan na
kumikiling sa mga negosyanteng Tsino.
Mula rito, sunod-sunodnang pinagtibay
ang mga kaparehong kasunduan sa
pagitan ng Korea at ng mga bansang
Kanluranin tulad ng America, Britain,
Germany, Russia, at France.
Sa pagbubukas ng Tangway ng Korea
sa pandaigdigang kalakalan,
nagsimula rinang modernisasyon at
transpormasyon ng lipunang Koreano.
Marami sa mga estudyante at opisyal
nito ang ipinadala sa Japan at China
upang magsanay. Pinangunahan ng
Japan ang modernisasyon,
samantalang patuloy naman g
sinusuportahan ng China ang
tradisyonal na pamamahala ng mga
konserbatibong opisyal.
Noong 1884, isang pangkat ng mga
repormistang maka-Hapones ang
nagtangkang patalsikin ang hari.
Nagawa namang makaligtas ng hari sa
tulong na rin ng mga kawal na Tsino.
Sa kabila nito, hindi naman sumiklab
ang digmaan sa pagitan ng Japan at
China dahil parehong pinagtibay ng
dalawang bansa ang Kasunduang Li-
Ito. Alinsunod sa naturang
kasaunduan, parehong lilisanin ng mga
kawal ng Japan at China ang tangway.
Samantala, dahil sa walang tigil na pag-
aangkat ng mga makinarya at bulak kasama
na rin ang iba pang gastusin ng
pamahalaan, naglugmok sa kahirapan ang
Korea. Bunsod nito, nahikayat sumapi ang
mga magsasaka sa katutubong relihiyon na
Tonghak. Noong 1892, nagsagawa ng
mapayapang demonstrasyon ang libo-libong
Tonghak at pinanawagan nila ang
pagbabago sa pamahalaan.
Maging sa usapin ng ugnayang panlabas ay
nanawagan silang patalsikin na sa kanilang
lupain ang mga Kanluranin at Hapones para
sa kabutihan ng kanilang bansa.
Noong 1894, naglunsad muli ng
pag-aaklas ang mga Tonghak labn
sa kanilang pamahalaan na
itinuring nilang tiwali. Dahil sa
tagumpay ng mga pag-aaklas na
ito sa mga katimugang lalawigan,
humingi ng tulong ang Korea sa
China.
Sa tulong na rin ng mga kawal na
Tsino, marahas na nasugpo ang
pag-aaklas. Gayunman, binatikos
ng mga Hapones ang naging
pagkilos na ito ng China at tahasan
nilang sinabi na paglabag ito sa
Kasunduang Li-Ito. Ito na nga ang
naging mitsa ng pagsiklab ng
Digmaang Sino-Hapones.
Sa naturang digmaan, kampante
ang China na kaya nitong
ipanaloang laban. Ngunit dahil na
rin sa mga makabagong armas at
kahandaan ng Japan, nagapi nito
ang China. Noong 1895, alinsunod
na rin sa Kasunduang
Shimonoseki, kinilala ng China
ang paghahari ng Japan sa Korea.
Quiz!
#1

Isang Tangway na matagal


nang minamanmanan ng
mga mananakop.
#2
Isang pananaw na naniniwala sa
praktikal na pamamaraan sa
pagpapatakbo ng bansa sa halip
na sumunod sa turo ng
Confucianismo.
#3
Sino ang nagpatupad
sa patakarang
pambansang pansarili?
#4
Isang kasunduan kung
saan lilisanin ng mga
kawal ng Japan at China
ang tangway.
#5 - #7
Tatlong bansang
nakapalibot sa tangway.
#8
Isang kasunduan kung
saan kinikilala ng China
ang paghahari ng Japan sa
Korea.
#9 - #11
Kailan nagkaroon ng pag-
uusig laban sa mga Katoliko
kung saan pinugutan ng ulo
ang mga misyonerong
pumunta sa Korea.
#12 - #14
Nagtagumpay ang Japan na ipilit
ang pagbukas sa mga daungan na
ito para sa kalakalang Hapones.
#15
Digmaang sumiklab nang
binatikos ng mga Hapones ang
naging pagkilos ng China at
tahasan nilang sinabi na
paglabag ito sa isang
kasunduan.
#16 - #20
Mga bansang Kanluranin
na pinagtibay ang mga
kaparehong kasunduan sa
pagitan ng Korea.