Anda di halaman 1dari 19

Pagbabago ng

Panahanan

Prepared by:
Rosalie Joy I. Vicente
Group 1
Grade 5-Jose Rizal
Ang pangkat ng mga
Espanyol na nanguna sa
pagtatatag ng mga bagong
pamayanan sa kapuluan.

1. Hukbong Militar
2. Mga Misyonerong
Espanyol
Ipinatupad ni
Gobernador-Heneral
Luis Perez Dasmarias
ang reduccion noong
ika- 27 ng Abril, 1594
sa bisa ng kautusang
pinalabas ni Haring
Philip II
Haring Philip II

Reduccion- kautusan
sa sapilitang paglilipat
ng tirahan ng mga
Pilipino sa mga
kabayanan.

Gobernador-Heneral Luis Perez


Dasmarias
Noong panahon ng reduccion sapilitang
pinababa mula sa kabundukan ang mga
katutubong Pilipino at pinalipat ang mga
katutubong nakatira sa tabing-ilog upang sila ay
patirahin sa itinatag na pamayanan ng mga
Espanyol. Ipinatupad ang patakarang ito upang
mas madaling mapangasiwaan ang mga Pilipino
at mapalaganap ang Katolisismo.

Sa pagpapatupad ng reduccion , isinaayos ang


mga pamayanan batay sa modelo ng isang
lungsod sa Spain. Ang itinayong pamayanan ng
mga Espanyol ay tinatawag na pueblo o
kabisera.
Ang sentro ng pueblo ay ang simbahan at ang
poblacion ay sentro ng munisipalidad.

Matatagpuan sa paligid ng simbahan at kumbento


ang munisipyo, himpilan ng pulisya, hukuman,
paaralan at pamilihang bayan. Karaniwang ang
mga lugar na ito ay malapit sa ilog at dagat. Ang
mga lugar na malayo dito ay tinatawag na visita.
Samantalang ang mga lugar na mas malayo rito
ay tinatawag na rancho.

Ang layo ng isang tahanan sa plaza ay


nagpapaliwanag ng katayuan sa lipunan ng
pamilyang naninirahan rito.
Dating naninirahan sa tabing-ilog at baybayin ang
mga ninuno natin. Dito nila kinukuha ang kanilang
pagkain. Ginagamit din ang ilog sa pamamangka
patungo sa ibang pook.

May mga Pilipino na sa bundok ang panahanan.


Kalat-kalat ang kanilang mga pamayanan.

Pangingisda, pangangaso at pangunguha ng


pagkain sa kapaligiran ang kanilang gawain.
Nahirapan ang mga misyonero sa layu-layong
panahanan ng mga unang Pilipino.
Ibat-ibang paraan na ginawa ng mga paring
Espanyol upang mapagbago ang panahanan
ng mga Pilipino.

1. Ang mga pamilya sa isang barangay ay pinagsama-
sama sa isang lugar at tinawag itong pueblo o
kabayanan.

2. Ang mga nakatira sa baybaying-dagat ng di mapaalis ay


ginawang kabayanan o kabisera.

3. Sapilitang pinalipat ng mga pari sa kapatagan ang mga


Pilipinong nasa kagubatan at kabundukan. Nanatili sa
kuweba at liblib na pook ang mga Pilipinong hindi
narating ng mga pari.
Ang mga yari ng bahay
ay iniangkop sa klima ng
bansa. Karamihan ay yari
sa kahoy, kawayan at
sawali. Ang mga
malalaking bahay naman
ay may maluluwang na
sala, malalaking silid at
may batalan at azotea.
Ito ang arkitekturang
Antillean.
Nagbago ang panahanan ng
ating mga ninuno nang
magsimulang mamalagi ang
mga Espanyol sa ating lupain.
Sa tulong ng mga
manggagawang Pilipino,
nakapagtayo sila ng mga
batong gusali. Naging hudyat
ito ng pagsisimula ng paggamit
ng bato at tisa sa paggawa ng
bahay. Tinawag itong bahay na
bato.

Nagpagawa rin ng ganitong


bahay ang mga mayayamang
katutubo. Ito ay dahil
naniniwala sila na mas matibay
at matatag ang ganitong bahay.
Ang sentro ng pueblo ay ang ________
at ang ___________ay sentro ng
munisipalidad.
Ang sentro ng pueblo ay ang
simbahan at ang poblacion
ay sentro ng munisipalidad.
Sino ang dalawang pangkat ng mga
Espanyol na nanguna sa pagtatatag
ng mga bagong pamayanan sa
kapulaan?
Hukbong Militar at mga
Misyonerong Espanyol
Kailan ipinatupad ang reduccion ni
Gobernador-Heneral Luis Perez
Dasmarias?
noong ika- 27 ng Abril,
1594
Leader: Rosalie Joy I. Vicente
Assistant Leader: Marc Adrian I.
Tagal

Members:
Kervy Ken F. Molabola
Lovely Ann G. Geraldino
Angel Keith Tadia
Rona Thea R. Neypes

Anda mungkin juga menyukai