Anda di halaman 1dari 31

Aralin 1: Kaligirang

Pangkasaysayan ng Pabula at
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng
Saloobin, Emosyon at Damdamin
Si Prinsesa Tutubi
Mga Gabay na Tanong
1. Sino si Prisesa Tutubi?
2. Ano ang naisipan niyang gawin isang araw?
3. Bakit hindi napansin ni Prinsesa Tutubi ang banta ng ulan?
4. anong ginawa ni Prinsesa Tutubi para di mabasa?
5. Sino ang nanghamak sa prinsesa? Paano siya hinamak?
6. Ano ang reaksyon ng ama ng prinsesa nang malaman ang kaapihang dinanas ng bugtong na
anak?
7. Anong nais na mangyari ni Haring Tubino?
8. Ano ang naging tugon ng mga matsing ukol sa hamon ni Haring Tubino?
9. Ano ang mahigpit na utos ng bawat lider ukol sa labanan?
10. Ano ang dahilan bakit natalo ang pangkat ng mga matsing?
11. Sa iyong palagay, tama lamang ba ang ginawa ng ama ni Prinsesa Tutubi upang
maipaghiganti ang kaapihan ng anak?
12. Tama lamang ba ang naging tugon ng lider ng mga matsing sa hamon ng ama ni Tutubi?
Pangatwiranan
13. Sa iyong palagay, paano maiiwasan ang ganitong kaguluhan sa kasalukuyang panahon?
Paano natin maiuugnay ang
kwento sa Mindanao?
PANITIKAN:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
PABULA
- sa Ingles ito ay fable habang sa Latin ay fabula.

-isang uri ng Tuluyang anyo ng Panitikan na kathang-


isip lamang kung saan ang mga hayop o kaya mga
bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga
tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing,
lobo at kambing.
-May natatanging kaisipang mahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na
aral para sa mga mambabasa. Tinatawag din
itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
PABULA
- sumasalamin sa kultura a tradisyon ng bawat bansa
-sinasabing nagsimula sa pagitan ng ika-5 hanggang ika-6 na siglo (Bago Dumating si
Kristo) ang pabula sa India
-Kasyapa (nagpasimula sa India ng Pabula at itinuturing na dakilang nga mga taga-India)
-matapos ang 900 taon, nagbago ang paksa ng mga pabulang naisusulat. Ito'y naging
kwento ng di lamang sa buhay ng mga dakilang tao kundi mga kwento na naglalayong
magturo sa mga tao ng tungkol sa moralidad at wastong pamumuhay
-sa paglipas ng panahon, may isang tao (Aesop) ang nakaisip na gumawa ng koleksyon ng
mga pabula
AESOP
-> nabuhay noong 620-560 BK
-> Aliping Griyego mula sa isla ng Samos
-> Pangit, kuba at may kapansanan sa pandinig mula pagkabata
-> Mahigit 200 na pabula ang naisulat
-> Ama ng Sinaunang Pabula
Ang mga Kwento ni Aesop ay .....
pumuna sa mga di-makatwirang ginagawa at asal ng
mga tao
itinuro niya ang iba't ibang kagandahang asal sa
pakikipagkapwa sa tulong ng mga tauhang kanyang
nilikha sa kwento.

Ilan sa mga akda ni Aesop


Ang Tumanggong at ang Ubas
Ang Langgam at ang Tipaklong
Ang Pagong at ang Kuneho
Sa pagkamatay ni Aesop, maraming mga manunulat ng pabula
ang sumunod sa kanyang yapak mula sa iba't ibang lahi.
Kabilang na rito ang mga sumusunod na manunulat;
Babrius - unang nagsalin sa
Latin ng mga pabulang nilikha ni Aesop
Phaedrus
Romulus
Socrates
Marie de France (1300)

-ang pabula ay dumating sa Pilipinas bago pa man dumating ang


mga Kastila sa Bansa
-ang pabulang Ang Pagong at ang Matsing ni Dr. Jose P. Rizal ay
isa sa mga pabulang sumikat sa bansa
TAUHAN

MGA
TAO BAGAY NA
WALANG
BUHAY

HAYOP

ARA
L
Mga Elemento
ng Pabula:
A. Tauhan
1. Bida
2. Kontrabida
3. Pantulong na
tauhan
B. Tagpuan ito ang
lugar na pinangyarihan
ng kwento at ang oras
o panahon kung kailan
ito naganap
C. Banghay ito ang
maayos na
pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.
D. Mahalagang
kaisipan ito ang aral
na hatid ng kwento sa
mga mambabasa.
GRAMATIKA:
Mga paraan ng
pagpapahayag ng
saloobin, emosyon o
damdamin
GRAMATIKA:
Mga paraan ng
pagpapahayag ng
saloobin, emosyon o
damdamin
Iba't ibang Ekspresyon ng Mukha
A.Paggamit ng maikling sambitla/
Pandamdam
Halimbawa:
Ay!
Naku!
Wow!
Aray!
Hanep!
Galing!
Ganda!
B. Paggamit ng pangungusap
1.Pangungusap na
padamdam
Halimbawa:
1. Napakaganda ng tanawin!
2. Napakagaling mo talaga!
3. Napakasarap nito!
2. Pangungusap na nagsasaad ng
damdamin o emosyon sa isang
tiyak na sitwasyon o pangyayari.
Halimbawa:
(Masaya) Yehey! Nanalo ako sa
patimpalak.
(Malungkot) Nawala ang inipon kong pera.
(Nagagalit/Naiirita) Napakabagal naman
ng usad ng sasakyan.
(Pagtataka) - Bakit?
C. Paggamit ng idyoma/talinghaga
(idiomatic expressions)
Halimbawa:
1. Napakakitid ng iyong pag-iisip.
2. Hindi ka na sisikatan ng araw.
3. Para kang latang walang laman,
puro ka dada.
4. Kapag puno na ang salop.
5. Umpisahan mo, tatapusin ko.
Pagsasanay:
Suriin kung anong emosyon o damdamin ang ipinapahayag ng mga
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

A. Paninindigan B Pagkadismaya C. Pagsang-ayon


D. Pasasalamat E. Pagkamuhi F. Pagkainis

1. Diyata't ginawa nila ang ganoon?


2. Ama, ayoko nang lumipad pa sa parang.
3. Sinabi pa po nilang malaki pa raw po ang ating mga mata kaysa sa
ating mga tuhod.
4. Dumapo sa ulo ng mga matsing. Pag may panganib, agad na
lumipad.
5. Opo ama, sagot ng prinsesa.
Gawaing Pasulat Blg. 1 (Maikling
Summative Test) sa Filipino7
I. PANUTO: Suriin ang dalawang pangungusap sa bawat bilang at
pagkatapos ay piliin ang mga sagot sa ibaba. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot. GUMAMIT NG MALAKING TITIK. (2x)

A-Kung tama ang unang pahayag at mali ang ikalawa


B-Kung tama ang ikalawa at mali ang una
C-Kung parehong tama ang mga pahayag
D-Kung parehong mali ang mga pahayag
1.A. Pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang isla ng
Mindanao.
B. Matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Pilipinas ang Mindanao.
2.A. Sina Manny Pacquiao at Rodrigo Duterte ay kapwa nagmula sa
Mindanao.
B. Kilala ang Mindanao sa tawag na Lupang Pangako.
Part I......
3. A. Karamihan sa mga nakatira sa Mindanao ay
Kristiyano.
B. Kinikilalang pinakamataas na bundok sa Pilipinas ang
bundok Matutum.
4.A. Isang halimbawa ng Pabula ang kwento ni Prinsesa
Tutubi.
B. Si Prinsesa Tutubi ay nagmula sa kaharian ng
Matutubina.
5.A. Ang rehiyon XI ay tinatawag rin na rehiyon ng
SOCCSKSARGEN.
B. Ang rehiyon XII naman ay kilala rin sa tawag na
rehiyon ng Davao.
II. PANUTO: Kilalanin/ sagutin ang tinutukoy/ katanungan sa
bawat pahayag sa ibaba.
1.Ito ang kinikilalang pinakamatanda at kauna-unahang
moske na itinayo sa Pilipinas.
2.Ito ang itinuturing na Reyna ng mga Orkidya.
3.Sila ang mga magulang ni Prinsesa Tutubi.
4.Siya ang kinikilalang Ama ng Sinaunang Pabula.
5.Siya ang sinasabing nagpasimula ng Pabula sa Indiya.
6.Ito ay kalipunan o koleksyon ng mga Pabula sa Indiya.
7.Manunulat na Pilipino na sumulat ng kwento ni Pagong at
ni Matsing.
8.Yamang-dagat na mula sa Mindanao na ginagawang
Sashimi.
9.Sa anong anyo ng Panitikan kasama ang Pabula?
10.Ilan lahat ang rehiyon na bumubuo sa isla ng Mindanao?
II.
11.Dating pangulo ng Pilipinas na humimok sa mga tao sa
Pilipinas na manirahan sa Mindanao.
12.Rehiyon sa Mindanao na katatagpuan world class na
paliparan.
13.Ito ang katumbas ng Pabula sa Latin.
14.Siya ang unang nagsalin sa Latin ng mga Pabulang naisulat
ni Aesop.
15.Elemento ng Pabula na sumasagot sa tanong na saan at
kailan.
16.Ito ang tawag sa mga gumaganap sa isang pabula.
17.Ito ay ang kalansay ng isang kwento at tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
18.Ito ang ibang tawag sa bida.
19.Kailan dumating sa Pilipinas ang Pabula?
20.Ito ang lahing pinagmulan ni Aesop.
III. PANUTO: Ibigay ang sumusunod na mga kahilingan:
1-3. Mga nilikhang Pabula ni Aesop
4-6. Kadalasang tauhan sa pabula
7-8. Katangian ni Prinsesa Tutubina
9-10. Layunin sa pagsulat ng Pabula

IV. PANUTO: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Pumili


lamang ng dalawang tanong.
1.Bakita itinuturing na Lupang Pangako ang Mindanao?
2.Bakita itinuring din ang Mindanao na Nakaliligtaang
Paraiso ? (5 puntos)
3.Bakit mahalagang pag-aralan ang ibat ibang akdang
Pampanitikan ng Mindanao.? (5 puntos)
4.Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa pabulang Si
Prinsesa Tutubi sa Mindanao?
Gawaing Pasulat Blg.2 (Pagsasanay)
Suriin kung anong emosyon o damdamin ang ipinapahayag ng mga
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
A.Pagkatuwa B.Pagkapahiya C. Pagkagalit D. Pagtatampo
E. Pag-aalala F. Pagkainip G. Paghannga H. Pagmamalasakit
I. Pagsisisi J. Panghihinayang K. Pagkatakot L. Pagrereklamo
1. Ayaw kumanta ni Alex sa harap kaya siya napayuko nang tawagin
siya ng guro.
2. Dapat nag-aral ako nang maaga para hindi ako nagmamadali
ngayong gabi, wika ng bata.
3. Hindi mapakali si Nanay, ang lakas ng ulan at wala pa ang mga
bata. Sana hindi sila bahain.
4. Nagdala ng pagkain sila Aubrey para sa mga nasalanta ng bagyo.
5. Bakit mo sinulatan ang dingding? Ayan hindi na maalis yan,
kailangan papinturahan!
6. Lahat ng tao ay bilib kay Ana sa pagkapanalo niya sa kompetisyon.
Pagsasanay:
7. Buong araw nakabukas ang aircon kahit walang tao!Sayang sa
kuryente!
8. Walang magawa sa baryo kaya buong araw lamang nakikinig sa
radyo ang mga bata.
9. Yehey! Nakuha ko na ang regalo ko.
10. Walang gustong dumaan sa kalye Patipot dahil sa malaki at
matapang na aso na gumagala dito.
11. Hindi masarap ang pagkain, ang bagal ng mga waiter at madumi
ang restoran, hindi na ako babalik dito sa restoran na ito.
12. Hindi na lang ako sasama. Hindi ninyo naman talaga gustong
kasama.
WAKAS

Anda mungkin juga menyukai