Anda di halaman 1dari 19

Aralin 2

Ang Konsepto ng
Kakapusan
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
BALIK-ARAL

Ang ekonomiks ay nakatuon


sa pinakamahusay na
paggamit ng pinagkukunang-
yaman sa kabila ng walang
katapusang kagustuhan at
pangangailangan ng tao.
Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga
desisyon bilang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
SURIIN ANG MGA PRODUKTONG
NAKALISTA SA HANAY A AT B SA CHART.

HANAY A HANAY B
Bigas Gasolina
Isda Ginto
Gulay Nickel
Bawang Tanso
Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit
magkakasama ang mga produkto sa iisang
hanay? Ipaliwanag
BASAHIN ANG JOKE SA IBABA AT
PAG-ISIPAN
Dumating si Mister galing trabaho.
Mister: Mahal, ano ang ulam?
Misis: Nakalagay sa table mamili ka.
Mister: E tuyo lang ang nakalagay dito ha!
Ano pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka kung kakainin mo yan o
hindi. Ako d pa kumakain.
Joke Time, Remate, May 30, 2015

Ano ang pinapahayag ng binasa mo? Bakit kaya


ito nangyayari?
ANO ANG KAKAPUSAN?

Ito ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman


upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay
nakakaranas ng kakapusan sa pinagkukunang-
yaman.
URI NG KAKAPUSAN

Pisikal na Kalagayan
Tumutukoy sa limitadong pinagkukunang-yaman.
Kalagayang Pangkaisipan
Tumutukoy sa walang hanggang pangangailangan
at kagustuhan ng tao.
URI NG KAKAPUSAN

Absolute ang kakapusan kapag nahihirapan ang


kalikasan at tao na paramihin at pag-ibayuhin ang
kapakinabangan ng pinagkukunang-yaman.
Relative ang kakapusan kapag ang pinagkukunang-
yaman ay hindi makasapat sa walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
DAHILAN NG KAKAPUSAN

Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman.


Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman.
Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
PAGKAKAIBA NG KAKAPUSAN AT
KAKULANGAN

KAKAPUSAN
Ang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman
upang mapunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

KAKULANGAN
Pansamantalang hindi kasapatan ng
pinagkukunang-yaman na kayang
matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
TEORYANG PANG-EKONOMIKS NI
THOMAS MALTHUS
Magpapatuloy sa
mabilis na paglaki ang
populasyon kung hindi
ito makokontrol.
Samantala, ang
produksyon ng pagkain
ay mabagal at hindi
makasasabay sa
mabilis na paglaki ng
populasyon.
KAKAPUSAN BILANG
SULIRANING PANLIPUNAN
Nag-iiba ang pag-uugali
(behavior) ng tao kapag
hindi niya nakakamit ang
kanyang mga
pangangailangan. Ang pag-
uugali ng tao ay nagiging
hindi katanggap-tanggap.
Natututo siyang magdamot,
mandaya at manlinlang sa
kapwa. Nagiging bunga ng
kakapusan ang kaguluhan
at pagtaas ng presyo ng
mga bilihin (inflation).
BREAK MUNA!

PAGPAPAHALAGA

Ano ang dahilan kung bakit may suliranin ng


kakapusan sa inyong lugar?
Paano nagiging dahilan ng kaguluhan at pagtaas ng
presyo ang kakapusan?
MGA KAISIPAN TUNGKOL SA
KAKAPUSAN
TRADE-OFFS
Hindi kayang makuha ng tao ang lahat ng
kanyang pangangailangan.
Upang makuha ang isang bagay, kailangang
isakripisyo ang iba.
MGA KAISIPAN TUNGKOL SA
KAKAPUSAN
OPPORTUNITY COST
Ang halaga ng bagay na handang isuko o bitawan
upang makamit ang isang bagay.

Nagkakaroon nito dahil sa limitasyon ng mga


pinagkukunang yaman.
PRODUCTION POSSIBILITY
FRONTIER (PPF)
Nagtatakda sa hangganan ng lahat ng
kumbinasyon ng kalakal at paglilingkod na maaring
maprodyus kung matalinong ginagamit ang lahat ng
pinagkukunang-yaman ng isang lipunan.
PAGPILI SA PAGITAN NG
PRODUKSYON NG MAIS AT PALAY

A
Produksyon ng mais

D
800
C
550

1,100 1,300

Produksyon ng palay
PAGBUBUOD

Nagiging panlipunang suliranin ang kakapusan


kapag hindi nakakamit ng tao ang kanyang
layunin.

Upang maging responsible ang tao sa


kanyang pagdedesisyon, kailangan niyang
mabatid ang opportunity cost ng kanyang
desisyon
REFERENCES:

EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-


aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at
Aplikasyon (2012), VPHI
www.WikiPinas.com

Anda mungkin juga menyukai