Anda di halaman 1dari 17

Aralin 2:

Panitikan: Kwentong-bayan
Wika: Mga pahayag sa
pagbibigay ng patunay
Mga Gabay na Tanong
1.Ano ang hanap-buhay ng mag-
asawa?
2. Ilarawan ang dalawang pangunahing
tauhan.
3. Sa paanong paraan niloko ni Lokes a
Mama si Lokes a Babay? Ano-ano pa
ang hindi makatarungang bagay na
ginagawa niya sa asawa?
Mga Gabay na Tanong
4. Paano ito natuklasan ni Lokes a Babay?
6. Bakit hindi na lamang pinansin ni Lokes a Babay ang
ginawang panloloko sa kanya ng asawa?
7. Ano ang minsang naging laman ng panaginip ni Lokes a
Babay?
8. Ano ang magandang kapalarang nangyari kay Lokes a
Babay? Bakit kaya niya naisipang ilihim ito sa kanyang
asawa?
9. Ano ang ipinagtataka ni Lokes a Mama kay Lokes a
Babay sa tuwing uuwi siya sa kanilang tahanan?
10. Ano ang pinagdesisyunang gawin ni Lokes a Babay
isang araw?
Mga Gabay na Tanong
11. Ano ang inisyal na nadama ng lalaki nang makipaghiwalay na sa
kanya ang asawa?
12. Ano ang ginawa ni Lokes a Babay nang humiwalay na siya sa
kanyang asawa?
13. Nang mabatidni Lokes a Mama ang magandang buhay ng dating
asawa, ano ang binalak niyang gawin?
14. Nagtagumpay ba si Lokes a Mama sa kanyang masamang balak sa
dating asawa?Bakit?
15. Kung ikaw si Lokes a Mama, ano ang gagawin mo kapag iniwan ka
ng asawa mo dahil sa hindi mabuting bagay na ginagawa mo sa
kanya?
16. Ano ang naging opinyon mo sa pasyang ginawa ni Lokes a Babay na
humiwalay sa kanyang asawa?
17. Kung ikaw ang babaeng ito, ano-ano ang gagawin mo para mapag-
isipan ng asawa mo ang amling ginagawa niya at baka sakaling
maisalba pa ang inyong pamilya?
Pagsulat sa Journal

Sagutin ang tanong sa ibaba gamit ang


limang pangungusap lamang at sa
paraang patalata.

Paano makatutulong ang paggalang at


pagrespeto sa pagkakaroon ng maayos na
relasyon sa kapwa?
PANITIKAN:
Ang Kwentong-bayan
KWENTONG- BAYAN

mga kwentong galing sa isang tiyak na bayan o lugar


Pilipinas
nagsimula bago pa dumating ang mga Kastila sa

mga kwentong nagpasalin-salin sa iba't ibang tao at


henerasyon na galing pa sa mga matatanda
ikinukwento
isang anyo ng panitikan (akdang tuluyan)na kadalasa'y
sa mga bata upang kapulutan ng aral.
balahibo,
kadalasang paksa ay mga bagay na nakapaninindig-
mga hindi pangkaraniwang pangyayari, mga
nilalang na may mga pambihirang kapangyariha at iba
pa.
mayroon ang bawat rehiyon sa Pilipinas
KWENTONG- BAYAN

nagpapalipat-lipat sa pamamagitan ng paraang


pasalindila o pasalita.
nabibilang dito ang mito, alamat,(Etiological/ Non-
Etiological) salaysayin ( Dr. Damian Eugenio)
atsalaysay ng mga tungkol sa bayani, mga kaugalian
tradisyon ng isang pook, tribo, bayan, o bansa
hindi karaniwang nakasulat
karaniwang kathang-isip na tulad ng pabula subalit
nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa ang karamihan
sa mga kwentong-bayan
panahon
kasasalaminan ng suliraning-panlipunan sa
kung kailan naisulat ito.
Balik-aral
Ano-ano ang katangian ng isang
kwentong-bayan?
Bakit sinasabing nakalilibang ang
pagbabasa o pakikinig ng kwentong-
bayan?
Paano lumaganap ang mga kwentong-
bayan?
Paano nakaapekto ang pasalita o pasalin-
dilang paglaganap ng mga ito sa
pagkakaroon nito ng iba't ibang bersyon?
Wika: Mga
Pahayag sa
Pagbibigay ng mga
Patunay
Bahagi na ng buhay ng tao ang makarinig
o makakuha ng impormasyon, kaalaman,
o iba pa kaya nararapat lamang na
maging maingat sa pagpili at pagtanggap
ng mga impormasyon.
Ang isang pahayag ay makatotohanan,
kung ito ay may suportang datos, pag-
aaral, pananaliksik, at suportang
impormasyong napatunayang tama o
mabisa para sa lahat
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng
Patunay/ Katotohanan
May dokumentarong ebidensya- ang mga
ebidensiyang magpapatunay na maaaring
nakasulat, larawan, o video
Kapani-paniwala - ipinakikita ng salitang ito
na ang mga ebidensya, patunay, at kalakip
na ebidensya ay kapani-paniwala at
maaaring makapagpatunay
Taglay ang matibay na kongklusyon- isang
katunayang pinalalakas ng ebidensya,
pruweba, o impormasyon na totoo ang
pinatutunayan
Iba pang pahayag.......
Nagpapahiwatig - hindi direktang makikita,
maririnig, o mahihipo ang ebidensya, subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan
Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang
bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay
Nagpapatunay/ katunayan - salitang nagsasabi
o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinapahayag
Pinatutunayan ng mga detalye - makikita mula
sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag
Iba pang halimbawa
Taglay ng kongklusyon na dahil sa
lumalalang deforestation sa mga
watershed at siltation sa mga ilog sa
Mindanao, patuloy na kinakapos sa suplay
ng kuryente ang buong rehiyon.
Kapani-paniwalang kinakapos sa suplay
ng kuryente ang Mindanao dahil sa
kasalukuyan ay umaabot lamang sa 1,
181 MWs ang kayang isuplay sa buong
rehiyon na dapat ay 1,484 MWs kaya
naman nagresulta ito sa rotational
brownouts
Mga Halimbawang Pangungusap

Pinatutunayan ng datos ng NSO sa


isinagawang sarbey noong taong 2011 at
2012 na malaking bilang ng mga Pilipino
ang nagpupunta sa Saudi Arabia na may
20.6 % upang doon magtrabaho.
Ang Senate Bill 3097 ay dokumentaryong
ebidensiya na nais matugunan ang krisis
sa suplay ng kuryente sa Mindanao
Iba pang halimbawa.......

Ang paggiit ni Senadora Legarda na


maipasa ang Senate Bill 3097 ay
nagpapahiwatig na nais niyang
makatulong sa Mindanao.
Ang panukala ng pagtatayo ng 300-MWs
fossil fuel-powered electric plant ay
nagpapakita na nais ng gobyernong
matugunan ang kakapusan ng suplay ng
kuryente sa Mindanao.
Iba pang halimbawa.....

Ang pagkapanalo ng isang Pinay ng Pilak


sa katatapos na Rion Olympics ay
nagpapatunay na kayang
makipagsabayan ng lahing Pinoy
pagdating sa Isports.
Pinagtitibay ng dokumentaryong
ebidensiya mula sa registrar's office na
mas marami ang mga babaeng nasa
pitong baitang kaysa sa mga lalake.

Anda mungkin juga menyukai