Anda di halaman 1dari 17

Ang Pagpapahusay sa

Pagtuturo ng Wikang Filipino sa


mga Estudyanteng Hapones:
Mga Suliranin at Solusyon
Introduksyon:

Habang lumalalim ang relasyon ng Japan at Filipinas sa panahong ito, lalong lumalawak
ang pagpapalitan ng mga tao ng dalawang bansa at higit pa, tumataas ang bilang ng
mga manggagawang Filipinong pumapasok sa Japan at nag-aasawa ng Hapones.

Dahil na rin ditto naitatag ang Philippine Studies Program sa Osaka University of Foreign
Studies (Osaka Gaida) noong 1984 at sa Tokyo University of Foreign Studies (Tokyo Gaida)
noong 1992
B.A o M.A Philippine Studies. ( binuksan ng Pamahalaang Hapon ang mga programang
ito batay sa hiling at mungkahi ng mga dalubhasa sa ibat ibang larangan na dapat pag-
aralan ng mas mabuti ang Filipinas.)
Bukod sa dalawang unibersidad, itinuturo rin ang Filipino sa ilang prefectural
(pamprobinsya) at pribadong unibersidad bilang ikalawa o ikatlong wikang banyaga.
Mayroon ding intensive course sa Filipino ang mga trainee sa Ministry of Foreign Affairs ng
Hapon, JICA (Japan International Cooperation Agency) at National Police Agency at
mga estudyante sa mga pribadong eskuwelahan ng lengguwahe.
Sa umpisa ay hindi gaanong nahihirapang mag-aral ng Filipino ang mga Hapones dahil
nakasulat sa letrang Romano ang ortograpiya nito kaya hindi nila kinakailangang mag-
ukol ng panahon upang magsaulo ng mga letrang tulad ng sa ibang wikang asyano. At
halos magkapareho ang patinig na /a/,/e/,/i/,/o/,/u/ ng wikang Hapon at Filipino. At
maging ang katinig ay hindi ganoon kahirap matutuhan.
Sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng wika sa Osaka Gaida ang mga mag-aaral sa unang
taon at ikalawang taon ay kinakailangang kumuha ng tiglilimang sabjek na binubuo ng
1)integrasyon, 2) language laboratory, 3) pagbasa, 4) gramatika, ay 5) komposisyon at
pagsasalita.
Sa ikatlo at ikaapat na taon ay kailangan nilang pumili ng minimum na dalawa sa
sumusunod na limang sabjek
*Dalawang kurso sa pagbasa
*Filipinong pang-mass media
*Pagsasaling panghukuman
*mataas na kurso sa pagsulat at pagsasalita
Mga Problema at Solusyon sa Pagpapahusay ng
Pagtuturo ng Filipino sa mga Hapones
ANG MGA PROBLEMANG DULOT NG KALIGIRAN
1.1 Textbuk at Diksiyonaryo

-Introduksiyon sa Gramatikang Filipino 1994 ( teksbuk na ginamit para sa una at ikalawang


taon) ito ay para sa mga Hapones na nag-e-enroll sa gramatikang pambaguhan at
pang-intermedia.)
Halimbawa pangungusap
Ang mga alituntunin ng gramatika ay ipinapaliwanag sa simpleng paraan.
May pagsasanay din sa katapusan ng bawat leksyon
- May ilang librong pambaguhan na pinagbibili sa mga bookstore sa Japan ngunit wala
pang librong panggramatika para sa kursong intermedia o mataas. ( Tagalog Reference
Grammar nina Paul Schacter)
-Tungkol, naman sa disyunaryo, gumagamit sila ng Tagalog-English Dictionary at English
Tagalog Dictionary ni Fr. Leo English. Ngunit dahil hindi gaanong bihasa ang mga estudyante
sa Ingles, ang karamihan sa kanila ay gumagamit din ng English-Japanese dictionary at
Japanese English Dictionary, kasabay ang diksyunaryong Tagalog upang matiyak ang
salitang Ingles na hindi maintindihan. Kaya doble ang kanilang trabaho at malimit silang
magkamali sa komposisyon.
Halimbawa:

HAPON: Watashi wa sakuya terebi wo mita.


INGLES: I watched TV last night.
MALING SALIN: Nagbantay ako ng TV kagabi
TAMANG SALIN: Nanood ako ng TV kagabi.

FILIPINO: Pinatay ko ang ilaw.


INGLES: I killed the light.
MALING SALIN: Watashi wa sono denki wo koroshita.
TAMANG SALIN: Watashi wa sono denki wo keshita.
- Kaya kapag may mababasang salita sa Filipino na marami ang kahulugan ay sinasabihan
agad ang mga mag-aaral upang maiwasan ang kamalian.
- May mga Filipino-Japanese at Japanese-Filipino dictionary sa kasalukuyan ngunit kakaunti
ang entri o walang halimbawang pangungusap.
1.2 Kakulangan ng Insentibo

Unti-unting pinapansin ng mga kompanya ng Japan ang mga estudyanteng kumukuha


nga Araling-Pilipino sa unibersidad sa mga job-interview
Ngunit hindi parin ganoon kalakas ang pagpapahalaga ng mga kompanya sa wikang
Filipino dahil inaakala nilang sapat na kung marunong ng Ingles ang mga empleado.
Nawawlan ng interes na mag-aral ng Filipino ang mga estudyante kapag nakita nilang
hindi naman pala nila magagamit ito sa mga kompanyang papasukin nila sa kinabukasan.
- Ang problemang ito ay tila may kinalaman din sa kalagayan ng Filipinas, kung saan
nanatiling malakas na malakas pa rin ang impluwensya ng wikang Ingles hindi lamang sa
opisyal na transaksyon kundi halos sa lahat ng larangan.
Bukod ditto ay may kakulangan din ang bawat kompanya dahil hindi nila nauunawaan na
kailngan na nilang kumuha ng mga tauhang marunong magsalita ng Filipino at may sapat na
kaalaman tungkol sa kultura, kasaysayan, politika at ekonomiya ng Filipinas.

Sa kabila nito, humihigpit naman ang pangangailangan na mag-aral ng Filipino ang mga
oipsyal o tauhan sa Ministry of Foreign Affairs, Ministry of Justice, National Police Agency at mga
ibat ibang hukuman dahil sa pangangailangang diplomatiko o dahil sa mga Filipinong
nagkakaroon ng kasong legal.

Kailangan marahil na maglunsad ng malawakan at patuloy na kampanyan upang


maipaliwanag ang pangangailangan ng pagpapalaganap ng Filipino hindi lamang sa Filipinas
kundi pati na rin sa ibang bansang kinaroroonan ng maraming Filipino tulad ng Japan.
1.3 Kaligirang Panay Nihonggo

Halos walangb pagkakataong magsalita ng Filipino ang mga ordinaryong estudyanteng


Hapones dahil sa :
1. Kakulangan sa kaalaman sa wika
2. Pagkamahiyain
3. Kaligirang kahit na makakita sila ng kausap na mga Filipino ay mas mahilig naman itong
magsalita ng Nihonggo o kayay Ingles.
Magagamit lamang nila ng sapat ang kanilang
natututuhan sa mga sumusunod na paraan:

1.3.1 Pag-aaral o Pagsasanay sa Filipinas


-Pagpapadala ng anim na estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas o Ateneo de
Manila upang mapag-aral sila ng wika at kultura sa Filipinas sa loob ng isang taon at ang iba
ay sa Christian Language Study Center.
-Sinasabi sa kanilang makipag-usap sa Filipino sa wikang Filipino hanggat maaari ay
tumira sa pamilyang Filipino.
-Seminar na itinaguyod ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas
noong Hulyo at Agosto ng 1996.
1.3.2 Ibang Gawaing Saklaw ng mga Kurso
-Ang pagkanta, pagsayaw, resitasyon ng mga tula, paggannap sa dula at timpalak-
bigkasan ay mga gawaing saklaw din ng kursong itinuturo.
-Patunay din ito na ang pagtuturo ng wika ay nabubuhay kapag itinuturi din ang
kulturang siyang buto, laman at kaluluwa ng wika.
Pagsasaayos ng Antas sa Kakayahan ng mga Esrudyante
- Sa simula ay walang nagiging problema sa pagsasaayos ng antas ngunit pagkatapaos ng
halos isang taon ay ginganahang mag-aral ang mahuhusay na estudyante, samantalang ang
mga dehadong estudyante naman ay nawawalan ng interes sa pag-aaral at bumababa ang
marka sa eksamen.
-Kaya minabuting magbigay ng halos regular na maigsing pagsusulit at masaklaw na
pagsusulit naman tuwing ikatlo o ikaapat na buwan.
Tatlong Antas
30% na mataas
50 na katamtaman
20% na mababa
Ang mga dehadong 20% ay sinasabihang repasuhing mabuti ang napag-aralan na nila
upang maabot nila ang antas na katamtaman at ipinapaalam ang kanilang posisyon
upang matantao nilang kailangang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Laging pag-alam ng antas ng pagkaintindi ng dalawang grupo sa pamamagitan ng mga


salitang tanong at sagot.

Pagpapaliwanag ng mabuti sa mga pagkakamali sa masaklaw na pagsusulit upang


maiwasan na ito sa susunod.
MARAMING SALAMAT

Anda mungkin juga menyukai