Anda di halaman 1dari 20

Filipino sa Piling Larangan

(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 13

Pagsusuri ng Isyu at Pagbuo ng Tindig sa


Posisyong Papel
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng
mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Mailahad ang gamit ng posisyong papel sa lipunan;
2. Maisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng posisyong
papel;
3. Masuri ang nilalaman at estruktura ng isang posisyong
papel; at
4. Makasulat ng isang posisyong papel.
Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo
ng Paninindigan sa Posisyong Papel

Posisyong Papel
- isang sulatin na nagpapahayag ng
tiyak na paninindigan ng isang indibidwal o
grupo tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo
ng Paninindigan sa Posisyong Papel

Gamit ng Posisyong Papel


1. Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng
datos, organisahin ang mga ito, at bumuo ng isang
malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa o
usapin.
2. Sa pamamagitan din ng posisyong papel, naipakikilala
ang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman
sa nasabing usapin.
Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo
ng Paninindigan sa Posisyong Papel

3. Para sa lipunan naman, ang posisyong papel ay


tumutulong para maging malay ang mga tao sa
magkakaibang pananaw tungkol sa isang usaping
panlipunan.
Paghahanay ng mga Katuwiran at Pagbuo ng
Paninindigan sa Posisyong Papel

Katuwiran vs. Paninindigan


Katuwiran
-galing sa salitang “tuwid” na nagpapahiwatig ng
pagiging tama, maayos, may direksiyon o layon.
Paninindigan
- galing sa “tindig” na nagpapahiwatig naman ng
pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at maaari ding
pagiging tama.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel

1. Tiyakin ang paksa.


a. Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na
usaping kasalukuyang pinagtatalunan.
b. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito sa isang
suliraning panlipunan.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel

2. Gumawa ng panimulang saliksik.


a. Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang
saliksik.
b. Magbasa-basa ng diyaryo o magtatanong-tanong ng
opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para
mapalalim ang pagkaunawa sa usapin.
c. Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng
matalino at makatuwirang posisyon.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga
katuwiran
a. Maglista ng mga argumento o katuwiran ng magkabilang panig
upang matimbang ang dalawang posisyon.
b. Mas makabubuting isulat sa papel ang mga katuwiran sa
dalawang hanayan para magkaroon ng biswal na
representasyon ng mga ito.
c. Maaari ding pagtapat-tapatin ang bawat katuwiran at kontra-
katuwiran para makita kung alin ang walang katapat o hindi pa
nasasagot.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
a. maaaring pagtuunan na ang mga katuwiran para sa panig na
napiling panindigan
b. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal.
c. Maaaring makipanayam sa mga taong may awtoridad sa
paksang pinagtatalunan.
d. Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng ahensiya ng
pamahalaan, NGO, pribadong organisasyon, pahayagan, at
magasin upang makapagtampok ng napapanahon mga datos o
impormasyon.
Mga Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng
Posisyong Papel
5. Bumuo ng balangkas

Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng


balangkas para matiyak ang direksiyon ng pagsulat ng
posisyong papel.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Introduksiyon

Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag ang konteksto ng


usapin. Maaari na ring banggitin dito ang pangkalahatang
paninindigan sa usapin.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Mga Katuwiran ng Kabilang Panig

a. Isa-isang ihanay dito ang mga katuwiran ng kabilang


panig.
b. Ipaliwanag nang bahagya ang bawat katuwiran.
c. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng
katuwirang ito—mga dokumento, memorandum,
interbiyu, at iba pa.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Mga Sariling Katuwiran

a. Isa-isa namang ihanay rito ang sariling mga katuwiran.


b. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa
kabilang panig.
c. Bukod dito, maaari ding magbigay ng iba pang
katuwiran kahit walang itong katapat. Sa gayon,
maipakikita ang kalamangan ng sariling paninindigan.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran

a. Dito maaaring palawigin ang paliwanag sa


sariling mga katuwiran.

b. Maaaring magbigay dito ng karagdahang


ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala ang
sariling mga katuwiran.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Paninindigan


ang Dapat
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung
bakit ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at
pinakakarapat-dapat.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Mungkahing Pagkilos

a. Sa isa o dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling


ipahayag ang paninindigan.
b. Sikaping gawing maikli, malinaw, at madaling tandaan ang mga
huling pahayag na ito.
c. Maaari ding dito sabihin ang mungkahing pagkilos na
hinihikayat sa babasa ng posisyong papel.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel
6. Sulatin ang posisyong papel.
- Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat
ang posisyong papel.
- Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at mga
katuwiran.
- Kailangang maiparamdam at maipahiwatig sa mambabasa
na kapani-paniwala ang mga sinasabi sa posisyong papel.
- Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
- Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at
nararapat.
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

7. Ibahagi ang posisyong papel


- Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa
publiko.
- Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa komunidad,
ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa
pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon,
radyo, at iba pang daluyan.
- Maaaring ding gamitin ang social media upang maabot ang mas
maraming mambabasa.

Anda mungkin juga menyukai