Anda di halaman 1dari 52

Panlingguhang Layunin

Unang Araw
Layunin:
Napagsusunod-sunod ang mga
pangyayari sa tekstong napakinggan
(kronolohikal na pagsusunod-sunod)
Tuklasin:

Ano ang makikita sa larawan?


Ang Tipaklong at ang Paruparo

Ang katapatan ng isang kaibigan ay


masusukat sa panahon ng
pangangailangan.
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng
hangin! May bagyo nang umagang
iyon.Nagsasayawan ang mga puno
maging ang mga halaman at
bulaklak.“Ginaw na ginaw na ako,” ang
sabi ni Tipaklong kay Paruparo.
“Nakalabas pa kasi ako sa aking
pinagtataguang kahoy”.“Tiyak na
giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa
kahoy. Wala namang tumatakip sa
katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang
paglabas mo sa iyong pinagtataguan?”
ang tanong ng kanyang kaibigang
Paruparo.“Hindi nga ako mababasa
kung ako ay nakakubli,” ang malumanay
na sagot ni Tipaklong. “Hindi mo naman
makikita ang ganda ng paligid kung
hindi ka lumabas sa pinagtaguan mo.
Ang lamig ng hangin ay hindi mo
madarama. Hindi mo maaamoy ang
halimuyak ng mga nababasang
bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at
halaman ay hindi mo mahahawakan,”
ang sagot ni Paruparo. “Oo nga, ano?”
ang sagot ni Tipaklong na may
pagsang-ayon. “Higit kang mapalad
kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang
sabi ni Paruparo. “Bakit mo naman
nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang katawan mo ay mahaba.Matibay
pa.Bakit giniginaw ka pa?Samantalang
ako, ang nipis-nipis ng aking katawan.
Kapag nagpatuloy ang paghihip ng
malakas na hangin at pagbagsak ng
malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko
ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit
may kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan
sa nakasisilaw mong kulay? Huwag
kang mag-alala. Ang mga pakpak mo ay
hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni
Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang
mga pakpak mo? Ang mahalaga’y
buhay ka.” “Kung wala na akong ganda,
aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako
makalalapit kay Bulaklak kung wala na
akong mga pakpak?” ang malungkot na
tanong ni Paruparo. “Kung sabagay,
tama ang sinasabi mo, kaibigang
Paruparo. Ako man ay natatakot na
kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa
sobrang ginaw mababali ang aking mga
paa na kahit anong pagpigil ay ayaw
huminto sa panginginig,” ang sabi ni
Tipaklong. “Upang makaiwas tayo sa
bagyong ito, ano kaya ang mabuti
nating gawin para maligtas ang ating
buhay?” ang tanong ni Paruparo. “Alam
ko na, may paraan akong naisip”, ang

sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang


tanong ni Paruparo.“Sa ilalim ka ng
mga bulaklak magtago,” ang mungkahi
ni Tipaklong. “At ikaw naman, paano
ka?” ang tanong ni Paruparo. “Habang
nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng
puno ay babantayan ko ang bulaklak na
pagtataguan mo para hindi malaglag,”
ang sagot ni Tipaklong. At sabay na
kumapit sa bulaklak ang magkaibigang
si Paruparo at si Tipaklong.
Pagyamanin Natin
A. Gawin Ninyo
Balikan ninyo ang mga pangyayari sa
kuwento. Subukin mong
pagsunudsunurin ang mga ito sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang
1-6 sa patlang. Sipiin at sagutin ito sa
iyong sagutang papel.
Patuloy na pag-ihip ng malakas
na hangin.
Sabay na lumapit sa bulaklak
ang magkaibigang paruparo at
tipaklong.
May bagyo nang umagang
iyon.Malakas ang ulan at hangin. Ang
mga puno, maging
ang mga halaman at bulaklak ay
nagsasayawan.
Nagtago sa ilalim bulaklak ang
paruparo at binantayan siya ni
Tipaklong.
Lumabas si Tipaklong sa
pinagtataguang kahoy.
Nadarama ang lamig ng hangin,
naaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang
bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga
dahon at halaman.
B. Gawin Mo

Pistang Bayan

Ang pagdiriwang ng pistang bayan


ay labis na nagugustuhan ng mga
Pilipino. Bago pa dumating ang
kapistahan ay abala na ang mga tao
sa paglilinis ng kani-kanilang mga
tahanan, naglalagay ng dekorasyon
sa mga lansangan at naghahanda ng
mga pagkain.
Sa madaling-araw naririnig ang ingay
ng baboy, kambing, itik, manok, bibe,
baka at iba pang hayop na
pinapatay.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang
mga matatanda at bata na masayang
nagsisimba, nanonood ng parada at
sumasakay sa iba’t ibang uri ng
sasakyang umiikot. Masaya rin silang
lumilibot sa bahay ng mga kamag-
anak at kaibigan upang pagsaluhan
ang inihandang pagkain.
Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon
at nanonood ng mga palabas.
Pagkatapos ng pista, masaya silang
naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng
pinagkainan at nagkukuwenta ng
pinagkagastusan subali’t makikita mo
sa kanilang mga mukha ang labis na
kaligayahan.
Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari
sa kuwentong binasa, ayusin ang mga
ito ayon sa wastong pagkakasunud-
sunod. Isulat sa sagutang kuwaderno.

sumasama sa prusisyon
naglilinis ng tahanan
masayang nagsisimba
naglalagay ng dekorasyon
nagkukuwenta ng
pinagkagastusan
nagpapatay ng hayop
Isaisip Mo
Ang pagsunod-sunod sa mga
pangayayari ay nakabase sa kwentong
napakinggan at ayon sa pagkakaganap
ng bawat sitwasyon.
Isapuso Mo

Pagpapakita ng mga pangkat ng


kanilang isinigawang pagsagot sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari
ayon sa kwentong “Ang Tipaklong at
ang Paru-paro”.
Isulat Mo
Sagutan ang Subukin Mo sa pahina 5
ng Self-Instructional Materials No. 12.
Ikalawang Araw

Layunin:
Nakabubuo ng mga tanong matapos
mapakinggan ang isang salaysay.
Nagagamit ang pang-abay sa
paglalarawan ng kilos.
Tuklasin:
Paano bumuo ng mga tanong matapos
mapakinggan ang isang salaysay?
Ano ang pang-abay?
Basahin Mo
Pista sa Barangay
“Heto na ang musiko. Baba na ako,”
sigaw ni Bert sa mga kalaro.
“Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,”
nagmamadaling bumaba sa puno ng
makopa ang mga bata.
Nagkagulo ang mga bata nang makita
ang Ati-atihan na sumasayaw sa saliw
ng tugtog ng mga tambol.
Buong siglang umiko’t-ikot ang mga
majorette at ang kanilang baton habang
tumutugtog ang banda.
Ang mga tao ay talagang nagkakagulo.
Talagang ang saya ng pista sa
barangay. Puno ng pagkain ang mesa,
may adobong manok, mitsadong karne
ng baka, paksiw na pata at marami
pang iba.
May banda ng musiko sa umaga at sa
gabi’y may prusisyon sila. Suot ng mga
matatanda ang kanilang saya at
nakikihanay sa mga kabataang umiilaw
sa prusisyon.
Ang problema ay nararamdaman sa
kinabukasan o ilang araw pagkatapos
ng pista. Pata at malata ang katawan ng
mga tao. Kung wala silang natirang
handa ay magtitiis na lang sila sa mga
de lata o di kaya’y sa ginataang gabi.
Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit
unti-unting nang nagbabago.
Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at
ipinaghahanda, subalit sa abot na lang
ng kanilang makakaya.
Tapos ka nang bumasa. Sagutan mo
naman ang mga tanong sa iyong
kuwaderno.
1.Anong sinabi ni Bert sa bagong mga
kalaro?
2.Paano mo mailalarawan ang pista sa
barangay?
3.Ano ang suot ng matatanda kung sila
ay nagpuprusisyon?
4.Anu-anong pagkain ang makikita sa
mesa?
5.Masaya ka rin ba kung pista sa
inyong pook?
Pagyamanin Natin
A. Gawin Ninyo

Bumuo ng limang tanong base sa


kwentong nabasa na pinamagatang
“Pista sa Barangay” sa pahina 2 ng
MISOSA.
B. Gawin Mo

Ngayon, basahin mo ang sumusunod


na usapan.
Salungguhitan ang mga ginamit
na pang-abay sa usapan.
Jose: Mataas ang punong iyon.
Dahan-dahan ka.
Roy: Naku, sanay si Deng umakyat.
Jose: Kanina lang umaga umulan.
Deng: Hayaan ninyo hahawak akong
mabuti.
Roy: Sige; hihintayin ka namin doon
sa may sapa.
Deng: Pumito ka kapag uuwi na tayo.
Dali-dali akong bababa.
Jose: Umuwi tayo agad pagbaba mo.
Maingat na umakyat si Roy.
Nagmamadali siyang bumaba nang
marinig ang pito ni Jose.
Napahawak siya sa isang marupok
na sanga. Nabali ito, kasabay nito
ang mabilis na paglagpak ni Deng sa
lupa.
Humahangos na sumaklolo sina
Jose at Roy.
Isaisip Mo
Ang pang-abay ay naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay.
Sa pagbubuo ng mga tanong kailangan
ang mga salita sa tanong ay kaugnay sa
kwentong napakinggan o nabasa.
Isapuso Mo
Ngayon, basahin mo ang mga
sumusunod na pangungusap na
makikita sa pahina 6 ng MISOSA. Isulat
mo ang mga pang-abay na makikita sa
bawat pangungusap.
Isulat Mo
Pumili ng kwento sa Hiyas sa
Pagbasa V. Gamitin ang mga
halimbawa ng pag-abay na isinulat sa
pagbuo ng mga tanong tungkol sa
kwentong nabasa.
Ikatlong Araw

Layunin:
Napapangkat ang mga salitang
magkakaugnay.
Nasasagot ang mga tanong sa binasang
talaarawan.
Tuklasin:
Ano ang Talaarawan?
Ano ang magkakaugnay na salita?
Basahin Mo
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman ang
aking umaga ngayon dahil maaga
akong nakapunta sa
paaralan.Pero bago ako pumasok
sa paaralan,naligo muna ako,
nagbihis ng maayos, nagsuklay
ng buhok, kumain at nagsisipilyo
ng ngipin. Pagkatapos kong
magsipilyo ng ngipin ay hinatid
ako ng papa ko sa paaralan.
Pagdating ko sa paaralan ay bigla
nalang sumakit ang ngipin ko.
Kaya uminom agad ako ng gamot
upang mawala agad ang sakit ko
sa ngipin.
Sa tanghalian naman ay masaya
kaming nagkainan sa "BBQ-han"
at pagkatapos ng kainan namin
ay dumiretso agad kami sa silid-
aralan namin. Nag-aaral din ako
sa paksa namin sa Ingles dahil
magkakaroon kami ng pagsubok
o pagsasanay. At iyan ang mga
ginagawa ko sa araw na ito.

Nagmamahal,
Shekainah
Pagyamanin Natin
A. Gawin Ninyo

Basahin ang talaarawan ng tahimik


at sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.
1.Sino ang nagsulat ng talaarawan?
2.Ano ang unang ginawa ni
Shekainah bago pumasok sa
paaralan?
3.Sino ang naghatid sa kanya sa
paaralan?
4. Ano ang nangyari kay Shekainah
ng siya ay nasa paaralan na?
5.Saang subject nagkaroon ng
pagsubok o pagsasanay si
Shekainah?
B. Gawin Mo

Tukuyin ang uri, antas, o pangkat na


kinabibilangan ng mga salitang
magkakaugnay sa pangungusap.
1.Iba’t iba ang halaga o presyo ng
sinandomeng, denorado, malagkit,
at angelica sa pamilihan.

a. Mga uri ng bigas


b. Mga tuyong paninda
c. Prutas
d. Gulay

2. Ang panukala ng inhenyero ay


magtayo ng dike sa paligid ng ilog,
mungkahing isinakatuparan ng
lokal na pamahalaan upang
maiwasan ang pag-apaw ng ilog.
a. Inhenyero at dike
b. Panukala at mungkahi
c. Ilog at lokal
d. Paligid at ilog

3.Ang Pangulo ay itinuturing na


pinakamataas na pinuno ng isang
bansa batay sa isinasaad ng
Saligang Batas ng isang
pamahalaan.

a. Pangulo at pinuno
b. Saligang Batas at Pamahalaan
c. Bansa at pinuno
d. Pinakamataas at Pangulo
Isaisip Mo
Ang talaarawan ay kalipunan ng mga
bugto-bugtong o baha-bahaging
sulatin na nakasulat at nakaayos sa
sunod-sunod na petsa o araw.
Isapuso Mo
Isulat ang mga pangyayari ng
nakalipas na isang linggo sa
pamamagitan o halintulad ng isang
talaarawan.
Isulat Mo
Magsulat sa kwaderno ng limang
halimabawa ng magkakaugnay na
salita.
Ikaapat na Araw
Layunin:
Nagagamit ang pangkalahatang
sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa
isyu
Nakasusulat ng simpleng slogan.
Tuklasin:

Mag-isip ng mga bagay na


nangangailangan ng pagbabago sa
kalagayan ng Inang Kalikasan. Isulat ito
sa kwaderno.
Basahin Mo
Itambal ang hanay A sa hanay B.
A. B.
1.Pinagkukunan ng kahulugan, baybay o
ispeling, pagpapantig, bahagi ng
pananalitang kinabibilangan ng salita, a. Ensay
klopedya
pinanggalingan ng salita, at nakaayos ito
nang paalpabeto.
b. Diksy
2.Set ng mga aklat na nagtataglay ng
unaryo
mga impormasyon tungkol sa mga bagay-
bagay at mga artikulo tungkol sa c. Alman
katotohanan.
ac
3.Aklat ng mga mapang nagsasabi ng
lawak, distansya at lokasyon ng lugar. d. Atlas
Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at
anyong tubig na matatagpuan sa isang
e. Intern
lugar. Ito
et ay nakayos ayon sa pulitika,
rehiyon o estado.
f. Mapa
4.Aklat na nagtataglay ng pinakahuling
impormasyon tungkol sa mga punto ng g. Globo
kawilihan, mga pangyayari sa isang
bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at iba
pa.
5.Teknolohiyang maaring pagkunan ng
impormasyon gamit ang kompyuter, tablet
o piling telepono.
6.Isang palapad na drowing ng mundo o
ng bahagi nito.
7. Isang maliit na replika ng mundo.
Gawin Mo

1.Ano ang mga mahahalagang


impormasyon na makikita natin sa
mga sumusunod na sanggunian:

a. Ensayklopedya
b. Diksyunaryo
c. Almanac
d. Atlas
e. Internet
f. Mapa
g. Globo
Isaisip Mo
Ang mga diksyunaryo,
ensayklopedya, almanac, atlas,
internet, mapa at globo ay mga
halimbawa ng pangkalahatang
sanggunian na kinukuhanan natin ng
mga impormasyon.
Ang islogan ay isang kasabihan o
motto ng isang kompanya o ng mga
aktibista na madali maalaala.
Isapuso Mo
Sumulat ng isang halimbawa ng
islogan tungkol sa pagsagip sa Inang
Kalikasan.
Isulat Mo
Ipagpatuloy ang paggawa ng
islogan sa inyong mga tahanan.
Ikalimang Araw
Layunin:
Nakapag-uulat tungkol sa napanood.
Naipamamalas ang paggalang sa ideya,
damdamin at kultura ng may akda ng
tekstong napakinggan o nabasa.
Pagyamanin Natin
A. Gawin Ninyo
Hatiin sa apat ang klase bigyan ng
manila paper at ipasulat ang mga
kaganapan na nangyari sa pelikulang
napanood.
B. Gawin Mo

Basahin ang kwentong “Ang


Magkatuwang” sa pah. 133 ng
Pagdiriwang sa Wikang Filipino V,
Batayang Aklat sa Pagbasa. Sagutin
ang mga katanungan sa pahina 136
ng nasabing aklat.
Isaisip Mo
Paano natin maipamamalas ang
paggalang sa ideya, damdamin at
kultura ng may akda ng tekstong
napakinggan o nabasa.?
Isapuso Mo
Pag-uulat ng mga isinulat sa manila
paper tungkol sa pelikulang “Jose
Rizal”.
Isulat Mo
Pagpapatuloy ng mga pag-uulat.

Anda mungkin juga menyukai