Anda di halaman 1dari 10

Layunin:

1. Natatalakay ang mga mahalagang


kaalaman at kasanayan sa gawaing
kahoy,
2. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng
gawaing kahoy na makikita sa
pamayanan.
3. Natutukoy ang mga kabutihang
dulot ng gawaing kahoy sa pag-unlad
ng kabuhayan ng pamilya
Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at piliin
ang mga larawan na yari sa kahoy. Saan sa mga
sumusunod ang mga kasangkpang gawa sa
kahoy?
Ang Edukasyong Pangkabuhayan ay
binubuo ng maraming gawain na may iba’t-
ibang lawak na batay sa mga materyales na
sagana sa isang lugar at pamayanan na
maaaring gamitin sa pagbuo ng proyekto
na makatutulong sa pag-unlad ng
kabuhayan ng pamilya.
Ang mga gawaing may kinalaman sa
kahoy ay may layunin na mabigyan ng
sapat na angking kasanayan sa paggawa na
may kaugnayan sa kahoy.
Marami ang kasanayang matutunan sa gawaing
kahoy na kapaki-pakinabang na magsisilbing
kalasag at daan sa pagkakaroon ng panimulang
hanapbuhay. Ang pagkakarpentero ay dapat
matutuhan ng mga batang mag-aaral hindi
lamang panghanapbuhay kundi para sa sariling
pangangailangan sa tahanan tulad nga
pagkukumpuni ng mga sirang gamit na gawa sa
kahoy. Ang ilang halimbawa ng mga bagay at
kagamitan na yari sa kahoy ay sandok, mesa,
bangko, bakya at iba pa.
Itala ang sagot sa bawat tanong.
Isulat sa kwaderno.

-Itala ang mga maaaring magawa ng mga


taong may kaalaman at kasanayan sa
gawaing kahoy?
-Anu-ano ang pwedi nilang
mapagkakaitaan sa mga iyon?
-Bakit mahalagang matutuhan kasanayan
sa gawaing kahoy?
•Magtala ng limang (5) bagay o kagamitan na
yari sa kahoy. Isulat sa sagutang papel.

1.

2.

3.
4.

5.
Pangkatang Gawain
•Hatiin ang klase sa tatlo.
•Bigyan ng gawain o activity card ang
bawat grupo
•Ibigay ang pamantayan sa paggawa.
•Patnubayan ang mga ito.
•Ipapresent ang output.
Pangkat 1- lumibot sa paaralan at itala
ang mga bagay na yari sa kahoy.
Pangkat 2- Ibigay ang kabutihang dulot
ng gawaing kahoy sa pansariling
kabuhayan
Pangkat 3- Magbigay ng halimbawa ng
maaaring maging hanapbuhay ng mga
taong may kaalaman at kasanayan sa
gawaing kahoy.
Mahalagang matutunan
ang mga kaalaman at
kasanayang napapaloob sa
bawat lawak ng gawaing
pang-industriya sapagkat
ito ay magiging batayan sa
paggawa at pagkakaroon
ng pagkakakitaan.
Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod na
pangungusap.

_____1. Maraming kasanayang matutuhan sa gawaing


kahoy na tunay na kapaki-pakinabang.
_____2. Ang pagkakarpentero ay dapat matutuhan ng
mga batang mag-aaral hindi lamang panghanapbuhay
kundi para na rin sa sariling pangangailangan.
_____3. Ang dust pan, lampshade, at flower vase ay
ilan lamang sa mga halimbawa ng mga kagamitan na
yari sa kahoy.
_____4. Kung may sapat na kaalaman at kasanayan sa
gawaing kahoy ay maaari ng magkumuni ng mga
sirang upuan at lamesa.
_____5. Medaling matukoy kung ang isang bagay ay
yari sa gawang kahoy.

Anda mungkin juga menyukai