(1) "At sa anghel ng iglesya sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay
na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Diyos at may pitong
bituin: "Alam ko ang iyong mga gawa, sa pangalan ikaw ay
nabubuhay, ngunit ikaw ay patay.
(2) Gumising ka, at palakasin mo ang mga bagay na natitira, na
malapit nang mamatay, sapagkat hindi ko natagpuang ganap ang
iyong mga gawa sa harapan ng aking Diyos.
(3) Kaya't alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig;
tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating
akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong
oras ako darating sa iyo.
Apocalipsis 3:1-6
(4) Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis na hindi dinungisan ang
kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi,
sapagkat sila'y karapat-dapat.
(5) Ang magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit;
at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng
buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng
aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel.
(6) Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga
iglesya.
Ang Pitong mga
Iglesya ng
Apocalipsis
Efeso 11/19/17 • Apocalipsis 2:1-7