Anda di halaman 1dari 23

1.

Ang Balangkas ng mga Gawain sa dula-dulaan


- ang tagumpay ng dula-dulaan sa klase ay nasa balangkas
mismo ng mga gawain.
2. Pagtuturo sa Apat na Kasanayang Makro
- ang dula ay may tungkulin sa pagkalinang ng apat na
kasanayang makro- pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat
lalo na sa pagkatuto sa tamang bigkas, ritmo, intonasyon, hinto,
antala at iba pa.
3. Pagtuturo ng kakayahan sa pananalita
- ang dula ay nakalilikha ng mga dayalogo sa
pamamagitan ng mga sitwasyon
4. Ang Proyektong Drama
- ito ay karaniwan nang nakatuon sa pagtatanghal ng
dula gamit ang target na wika o pangalawang wika
bilang direktor marapat lamang na:
mapayayaman ang dula bilang tuwirang karanasan;
maiaakama ang dula sa pagtuturo ng wika;
maging modelo sa silid-aralan na tunay na tutularan ng mga
mag-aaral;
maalam sa paglikha ng tauhan, katangian ng tanghalan at
wastong pagdidirehe.
bilang mga artista, dapat lamang na:
mapatnubayan at masuportahan sa papel na gagampanan;
mapatnubayan upang maging bukas ang isipan at maging handa
sa anumang gawain sa klase;
maturuan sa wastong paraan ng pagsasalita, pagtindig, pag-arte,
prodyeksyon at paghinga;
mabigyan ng sapat na pagsasanay upang matututo at maging
malikhain; at
maturuan upang matuto ring gumawa ng iskrip, mag-ayos ng
tanghalan, magdirehe at magkarakterisa
Froebel
(Gregorio, 1976)
- kauna-unahang
edukador na ANG LARO
nagpakilala sa halaga - ay nagagamit sa pagtuturo ng
ng laro bilang pagbilang, pagsasanay sa pagbuo
mahalagang gawain sa ng mga salita at pangungusap, sa
klasrum paglalarawan at marami pang
iba.
Halimbawa:

Manlalaro: Kahit ilang bilang ng manlalaro.


May piring ang mga mata.
Kagamitan: Sampu o higit pang mga gamit na nakalapag sa
sahig o mesa. Stopwatch
Layunin: Malinang ang kakayahan sa pagkilalaa ng mga bagay-
bagay.
Deskripsyon:
1. Isa-isang hahawakan, sasalatin at kikilalanin ng unang
manlalaro ang mga bagay na nakalapag.
2. Sasabihin ng unang manlalaro ang pangalan ng bagay na
nahawakan at nasalat. Malakas niyang isisigaw ang
tawag sa mga bagay na iyon.
halimbawa: Bola! Pako! o Bato!
3. Susunod ang iba pa at ang manlalarong may
pinakamaraming nahulaan ang siyang mananalo.
Manlalaro: Dalawa o tatlong grupo na may tig-aapat
hanggang tig-sasampung kalahok.
Layunin: Makilala ang pangalan ng mga kaklase at matutong
sumunod sa panuto.
Deskripsyon:
1. Nakaupo man o nakatayo, ang pangkat ay bubuo ng
bilog.
2. Ibibigay ng unang manlalaro ang kanyang pangalan.
3. Uulitin naman ng ikalawang manlalaro ang pangalan
ng unang manlalaro at pakatapos siya naman ang magsasabi
sa kanyang pangalan.
4. Ang ginawa ng ikalawang manlalaro ay gagawin din ng
ikatlong manlalaro.
5. Tuluy-tuloy ang proseso hanggang sa maibigay ng
lahat ang pangalan.
6. Ang pangkat na walang mali ang panalo.
Manlalaro: sampu o higit pang mag-aaral
Layunin: Makilala ng mga kaklase, makasunod sa
panuto at mabigkas nang tama ang mga pangalan.
Deskripsyon:
1. Ang grupo ay maayos nang pabilog.
2. Ang “IT”(tagatawag) ang tatayo sa sentro.
Sisimulan ng “IT” ang laro sa katagang “ZIP” at ituturo
ang isang manlalaro.
3. Ang unang manlalarong naituro ang magsasabi sa
pangalan ng katabing nasa kanan habang nagbibilang ng
tatlo ang “IT”.
4. Kapag mali ang pangalang ibinigay ng unang
naiturong manlalaro, siya ang susunod na “IT”. Ngunit
kung tama ang ibinigay na panagalan, siya ay mauupo at
magpapatuloy ang “IT” sa pagtawag ng susunod na
manlalaro.
5.Kapag sinabi ng “IT” ang katagang “ZAP” at
magtuturo ng susunod na manlalaro, ang pangangalanan
ng susunod na manlalaro ay ang katabing nasa kaliwa.
6. Kapag tama uli ang pangalang ibinigay, muling
mauupo ang ikalawang tinawag at magpapatuloy ang “IT” sa
pagtawag sa susunod pang manlalaro.
Kapag sinabing “ZIP-ZAP”, ang lahat ng kalahok sa laro ay
kailangang lumipat at mag-iba ng lugar ngunit pabilog pa rin
ang ayos.
7. Susubukin ng “IT” na magkaroon ng lugar sa bilog.
Kung siya’y magtatagumpay, ang manlalarong maaagawan ng
puwesto ang susunod na “IT”.
8. Ang proseso ay mauulit hanggang sa may kapalit na
ang “IT”.
Manlalaro: tatlong grupo na may tiglilimang manlalaro
Kagamitan: papel, lapis, krayola at masking tape
Layunin: Malinang ang kakayahan sa pagguhit at ang
pagiging malikhain.
Deskripsyon:
1. Bawat miyembro ng grupo ay may kanya-kanyang
puwesto upang hindi makita ng iba ang gawain. Bawat isa
ay may iguguhit na bahagi ng katawan at pare-parehong
laki ng papel ang ibibigay sa kanila.
Unang Miyembro – iguguhit ang ulo ng tao
Ikalawang Miyembro – iguguhit ang balikat at pang-
itaas na bahagi ng bisig
Ikatlong Miyembro – iguguhit ang katawan at pang-
ibabang bahagi ng bisig
Ikaapat na Miyembro – iguguhit ang mga hita
Ikalimang Miyembro – iguguhit ang mga binti at paa
2. Pakatapos na maiguhit ang bahagi ng katawang
naiatas sa bawat miyembro, itutupi ang papel at ididikit
sa pisara. Ang pagdidikit ay mula ulo pababa hanggang
paa.
3. Pagkatapos ng pagdidikit, ang naatasang
pangulo ng bawat pangkat ang magbubukas sa papel na
naitupi at naidikit sa pisara.
4. Ang pangkat na nakabuo ng magandang
larawan ng tao ang nagwagi.
Manlalaro: isang pangkat na may lima hanggang sampung
miyembro
Layunin: Malinang ang kakayahang isakilos ang nasa isipan.
Deskripsyon:
1. Ang pangulo ay ,magbibigay ng anumang uri ng hayop
2. Gagayagin ng mga manlalaro ang kilos o galaw ng hayop
na nabanggit.
3. Ang manlalarong makagagaya nang maayos sa galaw o
kilos ng hayop ang mananalo.
4. Maaari ring panggagaya sa huni ng mga hayop ang
gagawin sa halip na kilos o galaw
SALAMAT

Anda mungkin juga menyukai