Anda di halaman 1dari 13

Isang araw, naisipang mamasyal

ni Kuting. Tuwang tuwa siya sa mga


bulaklak na may iba’t ibang kulay.
Hindi niya namalayan na
nakarating na siya sa parang.
Maya-maya ay biglang pumatak
ang ulan. Takot na takot si Kuting.
Mabilis siyang tumakbo hanggang
sa nakarating siya sa libis ng parang.
Nakasalubong niya si Ibon. “Bakit
takot na takot ka?” ang tanong ni
Ibon.
“Hindi ko alam ang daan
pauwi sa amin,” sagot ni Kuting.
“Hindi ko alam ang daan
pauwi sa amin,” sagot ni Kuting.
Nakasalubong din niya si Aso.
“Saan ang tungo mo?” tanong ni
Aso.
“Hindi ko alam ang daan
pauwi sa amin,” sagot ni Kuting.
“Saan ka ba nakatira?” ngunit
hindi alam ni Kuting kung saan siya
nakatira.
Nakita siya ni paruparo. Ngunit
hindi talaga alam ni Kuting kung
saan siya nakatira.
Hanggang ngayon ay
hinahanap pa din si Kuting.

Anda mungkin juga menyukai