Anda di halaman 1dari 49

DISKURSO

Kahulugan:
• Pasalita o pasulat na pahayag

• Batay sa piniling mga salita at istruktura


ng mga pangungusap kung paano
ginamit ang mga ito sa pagpapahayag
Halimbawa:
CJ Sereno, muling idineklarang hindi siya magbibitiw sa puwesto

Sa harap ng bantang impeachment at umano'y "pressure" sa mga


kapwa mahistrado sa Korte Suprema, idineklara ni Chief Justice Ma.
Lourdes Sereno nitong Miyerkoles na hindi siya magbibitiw sa
puwesto.

Sa isang talumpati sa dinaluhang pagtitipon, sinabi ni Sereno na


nagsumite siya ng "leave of absence" para paghandaan ang
posibleng impeachment trial na kaniyang kakaharapin.
“Four words. I will not resign,” pahayag ni Sereno nang tanungin ng
GMA News matapos dumalo sa national convention ng Regional
Trial Court Clerks of Court Association of the Philippines sa Manila
Hotel.
Mga uri ng diskurso
• Paglalahad o ekspositori
• Pangangatwiran o argumentatibo
• Pagsasalaysay o naratibo
• Paglalarawan o deskriptibo
1. Paglalahad o ekspositori

 isang anyo ng pagpapahayag na


naglalayong mabigyang-linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan
upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.
 sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging
ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil
nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang ideya o kaisipan na
makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at
kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
 itinuturing din bilang pagpapaliwanag
Para maging epektibo ang paglalahad :

1. Gawing malinaw ang paksa pasalita man o pasulat ang


paraan ng pagpapaliwanag.

2. Gumagamit ng mga salitan at pangungusap na


madaling maintindihan.

3. I-organisa ang pagpapaliwanag.

4. Gawing makatawag-pansin ang simula, mayaman sa


impormasyon ang bahagi ng katawan at kapana-panabik
ang wakas.

5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.

6. Pumili ng angkop na pamagat .


MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD

1. Kalinawan - malinaw ang paliwanag at angkop o tama


ang mga salitang ginagamit.

2. Katiyakan - Nakapokus lamang sa paksang tinatalakay


at tiyak ang layunin ng pagpapaliwanaga. Iwasan ang
mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.

3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o


talata.

4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang


kaisipang nais talakayin.
MGA URI NG PAGLALAHAD
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng
isang bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan
Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng paglaro ng isang
uri ng laro.
3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor
ng isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw,
paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa
inaakalang palagay niya sa katotohanan.
5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas
ng bansa.
6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin.
Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang
napapanahong isyu o pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid o sa iba
pang pook. Tinatawag din itong kolum.
7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o
nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
Milyun-milyong katao ang gumagamit ng caffeine na
makikita sa softdrinks, kape, tsaa, tsokolate at iba pa. Gusto
ito ng marami kasi nagpapasigla ito, nagtatanggal ng antok
at pagod, at tumutulong sa pag-concentrate.
Kung normal lang ang paggamit ng caffeine, hindi
naman ito nakakasama sa katawan. Ayon sa mga eksperto,
safe ang 400 milligrams (mg) ng caffeine kada araw sa mga
walang sakit. Dagdag nila na ang “normal” consumption ng
caffeine ay dapat nasa 100 mg lamang bawat araw. Hindi
kasali rito ang mga bata dahil hindi nila dapat inumin ito.
Masama ang sobrang paggamit ng caffeine kasi may
mga side effects ito tulad ng pagkaranas ng insomnia, hindi
mapakali, pagiging nerbiyosa, sasakit ang tiyan, bibilis ang
tibok ng puso, at manginginig ang kalamnan. Napag-alaman
ding mas malakas tamaan ang mga lalaki kaysa
babae. Dapat iwasan ang caffeine kapag gumagamit ng
antibiotics dahil nadaragdagan nito ang bilis ng pagtibok ng
puso. Kaya hinay-hinay sa pag-inom ng kape.
VIDEO
Gawaing Upuan:
1. Magpangkat-pangkat na may 6-7 na miyembro.
2. Bawat grupo ay dapat na may susulat ng pitak o kolum ayon sa
sumusunod na paksa:
a. Paglalakbay
b. Pangkababaihan/Pampagandahan/
Pantahanan
c. Pangkalusugan (Health and Wellness)
d. Pagkain
e. Palakasan
f. Pang-agham o teknolohiya
g. Pangkalakalan
h. Natatanging personalidad
3. Lagyan ng pamagat ang kolum at logo
4. Lagyan din ng pamagat (at disenyo) ng inyong pahayagan.
2. Paglalarawan o deskriptibo
 Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo
ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o nakikinig.
 Gumagamit ng tiyak na salitang naglalarawan, gaya
ng pang-uri at pang-abay
 Malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay,
lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o
nadarama.
 Napapagalaw ng paglalarawan ang ating mga guni-
guni o imahinasyon
 Nakatatawag ng paningin at pansin ng mga
mambabasa.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA
PAGLALARAWAN

1. May tiyak at kawili-wiling paksa


2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling
pananaw sa paglalarawan.
5. Pumupukaw ng mga pandamdam – paningin,
pandinig, pang-amoy, panlasa at panalat.
6. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang
inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.
Iba't Ibang pananaw na magagamit:
a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng
agwat o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng
naglalarawan bunga ng kanyang
karanasan o ng karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang
narinig o nabasa.
Mga Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwan o konkretong paglalarawan –
nagbibigay - kaalaman hinggil sa isang bagay
ayon sa pangkalahatang pagtingin ng manunulat.
Ipinapakita rito ang pisikal o konkretong katangian.
Higit na binibigyang - diin dito kung ano ang
nakikita at hindi ang nilalaman ng damdamin o
kuru-kuro ng manunulat.

“Nanonoot sa sentido” ang paglalarawan niya


sa tindi ng baho sa parteng iyon ng Payatas. Mga toxic
at maiitim na tubig ang dumadaloy sa mga kanal, ang
mga gabundok na basura sa paligid, ang mga
nakatira ditong lahat ay may sugat at galis, ang
maraming langaw na aali-aligid sa kanilang mga sugat
at ang kawalan ng pakialam nila kahit pinapapak na
sila ng mga insekto.
Mga Uri ng Paglalarawan

2. Masining o abstraktong Paglalarawan –


naglalayung pukawin ang guni-guni at
damdamin ng mambabasa. Higit na
nabibigyang - diin dito ang makulay na
larawang nililikha ng imahinasyon.

Gumagamit ito ng mga salitang


nagpapaganda gaya ng mga
tayutay at matalinghagang panalita.
Sabi ng ilan … "Pag hindi na masaya, humanap na ng iba."

Bakit ganun? Kelangan ba ang isang magkarelasyon, puro


saya lang? At kapag dumating na ang matinding pagsubok, agad
nang natitibag?

Ganoon ba ang pakikipagrelasyon? Kapag hindi na masaya


yung isa, hanap na agad? Maramot nga ba talaga ang pag-ibig?
Nariyan lang pag parehong masaya? At kapag yung isa hindi na,
wala ng saysay?

Napagtanto ko kasi na bakit nga ba maraming relasyonang


nasisira? Dahil ba sa dahilang yun? O dahil hindi tayo nakukuntento
kayat humahanap pa ng higit na kasiyahan na makikita lang sa
iba…

Paano kapag buhos na buhos na lahat?

Ganoon ba talaga dinisenyo ang buhay pah-ibig? Ganoon


ba nakaplano kung paano iiral at magkakaroon ng pag-ibig?

Hindi rin siguro dahil may salitang unconditional love. At


makakaramdam ng ganito ang tao kung marunong lang tayo
Mga Uri ng Paglalarawan
Mga Halimbawa ng Masining o Abstraktong Paglalarawan:

1. Paglalarawan sa Tao
“Sapagkat si Amalia ay mukhang anghel ng kagandahan sa kanya.”

2. Paglalarawan sa Damdamin
“Punung-puno ng nakatatakot na pangitain ang bumabagabag sa
kanyang puso.”

3. Paglalarawan sa Bagay
“Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang
lumalamon.”

4. Paglalarawan ng tanawin o lugar


- “Sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman nag-aanyayang
kung paano ang bahay na malaki.Pati ang kurtinang gagalaw-galaw
sa marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway.”
VIDEO
3. Pagsasalaysay
 pinakagamitin sa pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa.
 nagkukwento ng isang pangyayari o kawil ng mga
pangyayari mula sa karanasan ng tao, ang mga
pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay at sa
kanyang kapaligiran, ang mga binabalak niyang
gawin, ang mga pangyayaring nagdulot sa kanya
ng ligaya't tuwa.
 maaari ring ikuwento ng isang tao ang bawat
pagkilos at pagsasalita ng ibang tao, bawat
pagbabago sa kanyang kalagayan at bawat
pangyayari sa kanyang kapaligiran.
 tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kailan
at ano.
Uri ng Salaysay
1. Patalambuhay - isinasaalang-alang ng manunulat sa ganitong uri ng
salaysay ang pagbibigay-buhay sa paksa upang makapag-iwan sa
mambabasa ng malinaw na bakas.
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa
dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa
kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang
hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya't nagtuturo ng
mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa
kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan
man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita
ko siya at ako'y lumiligaya…
Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking
suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Hindi ko alam na may tao
rito...naparito ako upang umiyak din…
Sa susunod na taon niya'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng
guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting
manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang
bata sa aking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!“…
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang
mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama
ng batang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay
namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na
hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat.
(KWENTO NI MABUTI)
Uri ng Salaysay
2. Pangkasaysayan- nakapagbibigay ng tanawin sa guniguni ang ganitong uri.
Kinakailangang mabigyan-buhay at kaluluwa ang mga tauhan ng kasaysayan
 Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965. Maraming
mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang pamumuno.
 Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973.
Dahil dito, noong 21 Setyembre 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081,
nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito
ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa.
 Noong 983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas
upang tapatan ang rehimeng Marcos.
 Noong 21 Agosto 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang
eroplano sa Manila International Airport. Nagdulot ito ng malaking galit sa mga
Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos.
 Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino sa halalan noong 7 Pebrero
1986, ang eleksiyong isa sa mga pinakakontrobersiyal sa kasaysayan ng bansa, na
may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap.
 Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang
ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si
Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos.
 Noong Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa
pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. Maya-maya lamang ay
nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas.
Uri ng Salaysay
3. Nagpapaliwanag – naglalayong makapagbigay at makapag-
iwan sa mambabasa o tagapakinig ng kailangang italang mga
pangyayari

Hay, mga teachers sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni


Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon
muna na virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang
mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa
pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. lahat na
yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim
ay buking na namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher
naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang
magwatcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong
basahin. Katwiran nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo pa
rin. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon hindi na siya si
Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang.

(UTOS NG HARI)
Uri ng Salaysay
4. Salaysay ng mga pangyayari- Isinasalaysay rito ang mga
maliliit na pangyayari sa buhay upang mabigyang-kulay o
hugis sa pamamagitan ng sariling pagpapakahulugan ng
may-akda

“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang


buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false,
enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay
na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung
tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan
ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
― Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
Uri ng Salaysay
5. Salaysay ng paglalakbay- ang uring ito ay tungkol sa mga karanasang
kaugnay ng pagkakapaglakbay o pagpunta sa iba' ibang pook

Eksaktong alas-diyes ng dumating ang mga kasama naming sina Gian


at Janeth. Umalis kami sa bahay nina Jhona sakay ng L300 van na pagmamay-
ari ng pamilya ni Janeth. Nang Dumating kami sa beach puro kayuwaan ang
nasa aming isipan. Sabuyan dito sabuyan doon ng tubig dagat na kung tatama
sa aming mga mata ay napakahapdi ngunit baliwala ang hapdi dahil sa mga
tawa na lumalabas sa aming bibig dulot ng kasiyahan na aming
nararamdaman. Patuloy parin ang kulitan hanggang sa oras ng kainan.
Madilim na nang ako’y nakauwi sa bahay. Madilim ang paligid at
walang ilaw ang bahay nang aking madatnan. Dumungaw ako sa may bintana
at tumingala sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin na kumikislap sa
kalawakan. Naisipan kong umupo malapit sa bintana upang makita ang
napakagandang mga butuin habang naghihintay sa mga kasambahay.
“Panginoon, ang ganda talaga ng langit.” Wika ko habang nakatingin
parin sa kalangitan.
“Diyos ko salamat at napakabuti mo talaga sa akin at binigyan ninyo
ako ng masaya at magandang araw.” Ang aking sabi na tila nakikipag-usap na
kaharap ng personal ang Diyos.
(PAGLALAKBAY)
Uri ng Salaysay
6. Alamat at saysayin - may kaugnayan sa mga
salaysay na mahiwaga't matanda na. Ito'y
naglalayong makapagturo ng mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay. Samantala, ang saysayin
ay salaysay na naglalayong makaaliw.
Uri ng Salaysay
7. Maikling Kuwento- isang kathang
pampanitikang may layunin makalibang sa
pamamagitan ng isang paglalahad ng
mahalagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan ng kuwento.
VIDEO
4. Pangangatwiran
 Paggamit ng wika upang makaimpluwensya ng paniniwala at
aksyon ng kapwa.
 Nagsasalin ng impormasyon
 Nanghihikayat o nang – iimpluwensya ng ibang tao upang silay ay
mapagbago, mamodipika ang saloobin at mapakilos
 Kailangang may makatwirang pagsusuri ng problema sa
argumento.
 Mainam na kasangkapan ang pagmamatwid sa isang lipunang
demokratiko, sa malayang pagpapalitan ng ideya sa mga
pagtitipong publiko/pribado, bahay, kalye, palengke, paaralan,
tanggapan, kongreso, barberya o beauty parlor at anumang
umpukan.
 Kailangang may kontrobersya o isyu na nangangailangan ng
kalutasan
 Kinikilala sa lipunang malaya ang kapangyarihan ng
pangungumbinsi at paggalang sa paniniwala ng iba upang magin
mabisa ang pagmamatwid o anumang pagtatalo.
Isang katotohanan na marami pa rin sa mga netizen ang walang ganap na
pang-unawa na mayroong kaakibat na responsibilidad ang malaya nilang
pakikipagkomunikasyon o paghahayag ng opinyon at saloobin o pagpo-post ng kung
anu-ano sa iba’t ibang social networking sites. Hindi batid ng marami na ang isang
simpleng komento, status, ipinosteng litrato o video o nai-tweet na kwento ay maaaring
magdulot ng malaking kahihiyan o kasiraan sa sinumang masagasaan. Maging ang illegal
na pagnenegosyo o criminal activities ng mga organisadong crime syndicates ay
naitutulay na rin sa Internet. Isang lantad na kamalayan din na ang prostitusyon at
pedopilya ay nagagawa na rin sa social media.

Hindi ito katanggap-tanggap! Kaya nga tama lang na lumikha ng batas na


tutugis at magpaparusa sa iresponsable, ilegal at malaswang paggamit sa Internet. Batas
laban sa tinatawag na ‘cybercrime’. Tama rin na ipaloob dito ang online libel. Mahusay
na pandisiplina ito sa mga tinatawag na ‘bashers’.

Hindi naman porke’t may karapatang maghayag ng opinyon ay papayagan


ang masasakit na pananalita sa kapwa. May karapatan ding magtanggol ng sarili ang
mga inaalipusta at niyuyurakan ang pagkatao.
Ang mali nga lamang at kailangan talagang baguhin ay ang pagsasahog ng aspetong
kriminal sa libelo o malisyosong pagsusulat o paninirang-puri sa isang indibidwal o entity.

Sa simula’t simula ay kasong sibil lamang ang libelo bilang proteksyon din sa
kalayaan ng pamamahayag o paghahayag ng saloobin. Wala itong criminal aspect kaya
walang parusang pagkabilanggo. Nalilimita sa pagbabayad ng danyos ang parusa sa
kasong libelo bilang isang civil case.

Binago lamang ito at ginawang kasong kriminal sa panahon ng Martial Law ni


Dito sa ating bansa, kapag napag-uusapan ang
Fliptop ay laging naaalala ang Balagtasan o ang
patulang pagtatalo na ipinangalan kay Francisco
Balagtas, prinsipe ng panulaang Tagalog. Ang
Fliptop, tulad ng Balagtasan, ay nilalahukan hindi ng
mambabalagtas, ngunit ng dalawang rapper na
nagtatalo sa paraang patula na acapella rap.
Samakatuwid ay makabagong bersyon ito ng
Balagtasan. Isa rin itong paligsahan sa Pilipinas. Sa
larangan ng rap, ang pagbabalik ng insulto sa iyong
katunggali ay tinatawag na “flip.”

Sa ginaganap na pagtatalo, kadalasang may


tatlong (3) pagkakataon ang bawat rapper na
maghayag ng kanilang opinyon ukol sa paksang
pinagtatalunan. May lupon ng huradong
nagtatakda kung sino ang mananalo.
VIDEO
Gawain para sa susunod na
pagkikita:
 Bumuo ng pangkat na tig-lima at
humanda para sa flip-top ng paksang
maitatalaga sa iyong pangkat.
Mga Anyo ng Diskurso

• Pasulat
• Pasalita
Mga uri ng diskursong pasalita
• Usapan o kumbersasyon
• Usapan sa telepono
• Interbyu
• Pangkatang talakayan
• Talumpati
• Debate
• Balagtasan
Mga sangkap sa mabisang pagsulat
• Kawastuhang mekanikal ( gramatika,
ispeling,bantas, pangkalahatang anyo)

• Nilalaman

• Organisasyon
Paano ipahahayag ang ideya

1. Pagiging matipid at tiyak


Hal: Umakyat siya sa itaas.
Kinain niyang lahat ang cake.
Pasok tayo sa loob.
Paano ipahahayag ang ideya

2. Paggamit ng angkop na salita


 Hal: Nailigtas ng mga doktor ang
pasyenteng nagpakamatay.

Lagi akong puyat sa gabi.

May ano dyan kanina.


MGA DISKURSONG PERSONAL

• Paghango ng ng mga kaalaman at


pagkaunawa sa mga bagay at pangyayari sa
ating paligid batay sa ating personal na
karanasan kaugnay ng mga ito.
• talaarawan, journal, awtobiograpiya,
repleksyon
Talaarawan at Journal
 Pang-araw-araw na  Patuluyang pagsusulat
tala ng mga personal tungkol sa alinmang
na karanasan, paksang kinagigiliwan
ng sumusulat
saloobin,obserbasyon
 Hindi lamang mga
at pananaw
pangyayari at
karanasan ang
isinusulat kundi pati
ang mga natutuhan at
kung “lumago” at
nahubog ang
pananaw ng isang tao
Talaarawan
 Pebrero 14 Pebrero 15
 Kilig to the Lalo lang nagalit sa akin si
bones! Ito na siguro ang
pinakamasayang araw sa Trish. Di lang ako iniirap-
buhay ko. 3 red roses ang irapan,kung anu-ano pa ang
binigay sa akin ni Kobi. sinasabi sa likod ko.
Sigawan ang buong klase
nang makita nila ang Nalulungkot ako pero siguro
bulaklak. Sa sulok ng hanggang dito na lang ang
aking mata sinulyapan ko pagkakaibigan namin. Tama si
si Trisha. Maluha-luha siya.
Sabi ko na nga ba crush Cicero, friendship exists
din niya si Kobi. E anong between equals. Kung di kayo
magagawa ko ako ang magkapantay hindi kayo
may 3 red roses!
magkaibigan. Maganda siya,
popular. Ako naman, geek.
Haay buhay! Haay friendship!
Reading Response Journal
Balita Reaksiyon mula sa binasang
balita:
 300 melon
– headed whales,  Ano ang naramdaman
napadpad sa ko? Ikinalungkot ko ito
baybayin ng Abucay, kasi may buntis sa mga
Bataan. Apat ang natagpuang patay.
patay, kabilang ang  Ano ang natutuhan
isang buntis. Ayon sa ko? Kahit mga hayop
mga dalubhasa, ang lamang, dapat pa ring
nasabing mammal ay pangalagaan.
isang uri ng delfino o
dolphin.
Awtobiograpiya
 Kronolohikal na ULAN
Ulan ang tawag sa akin. Maulan
pagsasalaysay sa kasi noong Hunyo 3, 1991 nang ipanganak
ako. Nag-iisang anak ako nina Lauriza at
buhay ng isang tao Joseph Gutierrez. Dahil nag-iisa akong anak,
isinunod ako sa pangalan ng aking tatay.
mula pagsilang Kuwento ng tatay ko, nagdiwang
ako ng unang kaarawan sa isang araw na
hanggang maulan. Tandang-tanda ko nang pumasok
ako sa Grade 1 umuulan din.
pagtanda. Naging aktibo ako sa paaralan.
Marami akong natanggap na medalya pero
 Ang memoir ay di na naabutan ni nanay ang pagtatapos
ko bilang salutatorian ng hayskul. Umuulan
nagsasalaysay din noon nang ihatid namin siya sa huling
hantungan.
lamang ng isang Ngayong nasa kolehiyo na ako,
gusto kong ituloy sa Medisina ang pag-
bahagi ng buhay aaral. Gusto ko kasing makatuklas ng lunas
sa sakit na kumitil sa buhay ng aking ina.
batay sa kanyang
pagkaalala rito.
Repleksiyon
Alaala nina Sir at Ma’am
Tatlong propesor ang di ko malilimutan dahil puro sila terror.
Si Sir Phillip – kapag sinabi niyang isang pahina lang ng papel ang
dapat na haba ng iyong essay, di ka dapat lumagpas dun. Hindi niya
babasahin ang sumobra kaya malamang na kulang ang grado mo. Pero
dahil sa kanya natuto akong pag-isipang mabuti ang mga salita bago ko
isulat, tulad ng isang mahusay na journalist.
Si Sir Felizberto naman, propesor ng kasaysayan, kapag nagkamali
ka ng baybay ng pangalan ng tao o lugar mali na agad ang sagot mo.
Pero natutuhan ko sa kanya na kailangang maging matalas tayo sa mga
detalye kasi magagamit natin yun sa ating pagtatrabaho.
Si Ma’am Digna, hindi ko naman kailangan ang Math sa buhay ko,
dahil panitikan ang gusto ko. Ang higpit-higpit niya at ang talas ng mata.
Alam niya kung dinoktor ang mga solusyon sa math problems. Pero sa
kanya ko natutuhan ang pagiging kritikal sa mga bagay-bagay sa buhay
na siguro magagamit ko sa pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa
hinaharap.
Terror ang tatlong ito. Di mabilang ang mga gabing nagsunog ako
ng kilay sa kanilang subjects para di ako ma-singko. Pero sa pagbabalik –
tanaw ko, pagkalipas ng mga taon, ang naaalala ko ay hindi na ang
naging takot ko sa pagbagsak sa klase nila, kundi ang mga aral sa buhay
na iniwan nila sa akin.

Anda mungkin juga menyukai