Anda di halaman 1dari 192

ANG LITURHIYA NG

LINGGO NG MGA
PALASPAS
ANG
PAGPASOK
At sumainyo
rin.
Amen.
LAHAT:
Ang mga pintuan
ng banal na templo
ay inyo ngayong
buksan
ako ay papasok, at
itong si Yahweh ay
papupurihan. Ito
yaong pintong
pasukan
ni Yahweh, ang
Panginoong Diyos;
tanging ang matuwid
ang pababayaang
doon ay makapasok.
Aking pinupuri
ikaw, O Yahweh,
yamang
pinakinggan,
dininig mo ako’t
pinapagtagumpay
. Ang batong
natakwil ng
nangagtatayo ng
tirahang-bahay,
sa lahat ng bato ay higit
mahusay. Ang lahat ng
ito ang nagpamalas ay
ang Diyos na si Yahweh,
kung iyong mamasdan
ay kawili-wili.
O kahanga-hanga ang
araw na itong ang
Diyos ang nagbigay,
tayo ay magalak, ating
ipagdiwang. Kami ay
iligtas , tubusin mo,
Yahweh,
kami ay iligtas, at
pagtagumpayin sa
layuni’t hangad. Ang
pumaparito sa ngalan ni
Yahweh ay pagpapalain;
magmula sa templo,
mga pagpapala’y
kanyang tatanggapin .
Si Yahweh ang Diyos,
pagkabuti nya sa mga
hinirang. Tayo ay
magtaglay ng sanga ng
kahoy,
simulang magdiwang
at tayo’y lumapit sa
dambanang banal.
Ikaw ay aking Diyos,
kaya naman ako’y
nagpapasalamat;
ang pagkadakila mo
ay ihahayag. O
pasalamatan ang
Diyos na si Yahweh,
pagkat siya’y
mabuti;
ang kanyang pag-
ibig ay
napakatatag at
mananatili
magpakailanman.
At sumainyo rin.
Amen.
PAGBASA MULA SA
LUMANG TIPAN
(ISAIAS 45:21-25)
Pantugong Awit
(AWIT 22:1-11)
LAHAT:
O Diyos ko! O Diyos
ko! Bakit ako
pinabayaan?, masidhi
ng pagtaghoy
ko upang ako ay
tulungan , ngunit
hindi dumarating
ang saklolong
hinihintay.
Araw-gabi’y
dumaraing,
tumatawag ako, O
Diyos, hindi ako
mapanatag , di ka pa
rin sumasagot. Ikaw
tanging banal,
walang iba ,
dinakila ng Israel,
pinupuri sa tuwina.
Sa iyo ang lahi nami’y
nagtiwala at umasa,
nagtiwala silang
lubos; iniligtas mo
nga sila. Noong sila
ay tumawag,
ang panganib ay
nawala, lubos silang
nagtiwala at di
naman napahiya.
Tila ako’y isang uod
at hindi na isang tao,
kung makita’y
inuuyam, nagtatawa
kahit sino.
Bawat taong
makakita’y umiiling
nanunukso, palibak
na nagtataka’t
sinasabi ang ganito:
“Nagtitiwala siya sa
Diyos, ngunit hindi
siya pansin, kung
talagang minamahal,
bakit hindi
intindihin?”
Noong ako ay iluwal,
ikaw, O Diyos, ang
patnubay, magmula
sa pagkabata, ako’y
iyong iningatan.
Kaya naman mula
noon, sa iyo na
umaasa , sapul noon
ikaw na lang ang
Diyos na kinikilala
Huwag mo akong
lilisanin, huwag mo
akong tatalikdan,
pagkat walang
sasaklolo sa panganib
na daratal.
PAGBASA MULA SA
BAGONG TIPAN
(Filipos 2:5-11)
SALAMAT SA DIYOS
Purihin ka, O Kristo
Pagpalain ka,
O Kristo
Ang sa Krus na
dusang pinasan
mo, ang siyang
nagligtas sa mundo
ANG PAGBASA NG PASYON
“ANG PASYON NG ATING
HESUKRISTO AYON KAY
San Lukas 23:1-49 (50-56)”
AT SUMAINYO RIN
LUWALHATI SA IYO,
PANGINOONG
HESUKRISTO
Tumindig ang buong
kapulungan at dinala
si Hesus kay Pilato.
Sinimulan nilang
paratangan siya.
Anila, “Ang taong
ito'y nahuli naming
nanunulsol sa aming
kababayan na
maghimagsik, at
nagbabawal ng
pagbabayad sa buwis
sa Cesar.
Pinapaniwala pa
niya ang mga tao na
siya ang Kristo, ang
hari.” At tinanong
siya ni Pilato:
“Ikaw ba ang Hari ng
mga Hudyo?”
“Kayo na ang
nagsasabi”,
tugon ni Hesus.
Sinabi ni Pilato sa
mga punong
saserdote at sa mga
tao, “Wala akong
makitang kasalanan
sa taong ito.”
Ngunit mapilit sila at
ang wika, “Sa
pamamagitan ng
kanyang mga turo'y
inuudyukan nilang
maghimagsik ang
buong Judea.
Nagsimula siya sa
Galilea at ngayon ay
narito na.” Nang
marinig ito ni Pilato,
itinanong niya kung
taga-Galilea si Hesus.
At nang malamang
siya'y mula sa
nasasakupan ni
Herodes, kanyang
ipinadala siya sa taong
ito na noon nama'y
nasa Herusalem.
Tuwang-tuwa ito nang
makita si Hesus.
Marami na siyang
nabalitaan tungkol dito
at matagal na niyang
ibig makita. Umaasa
siyang gagawa ito
ng kababalaghan at
ibig niyang makita
iyon.
Kaya't tinanong niya
nang tinanong si
Hesus, ngunit hindi ito
sumagot kaunti man.
Naroon ang mga
punong saserdote
at ang mga eskriba
na walang tigil ng
kapaparatang kay
Hesus. Hinamak siya
at tinuya ni Herodes,
pati ng kanyang mga
kawal. Sinuutan siya
ng maringal na damit
at ipinabalik kay
Pilato. At nang araw
ding iyon, naging
magkaibigan sina
Herodes at Pilato na
dati'y magkagalit.
Ipinatawag ni Pilato
ang mga punong
saserdote, ang mga
pinuno ng bayan at mga
tao, sinabi sa kanila,
“Isinakdal ninyo sa
akin ang taong ito sa
kasalanang panunulsol
sa mga tao. Ngayon,
sinisiyasat ko siya sa
harapan ninyo, at
napatunayan kong
walang katotohanan
ang mga paratang
ninyo sa kanya. Gayon
din si Herodes, kaya si
Hesus ay ipinabalik
niya sa akin. Hindi siya
dapat hatulan ng
kamatayan -
wala siyang
kasalanan. Kaya't
ipahahagupit ko
lamang siya tsaka
palalayain.
Tuwing Paskuwa,
kinakailangang
magpalaya si Pilato
ng isang bilanggo
para sa kanila.
Subalit sabay-sabay
na sumigaw ang
madla, “Patayin ang
taong iyan! Palayain
si Barrabas!”
Nabilanggo si
Barabbas dahil sa
paghihimagsik na
nangyari sa lungsod
at dahil sa pagpatay.
Minsan pang nagsalita
sa kanila si Pilato, sa
pagnanais na
mapalaya si Hesus;
ngunit sumigaw ang
mga tao:
“Ipako sa Krus! Ipako
sa Krus!”. Ikatlong ulit
na sinabi sa kanila ni
Pilato, “Bakit, anong
ginawa niyang
masama?
Wala akong makitang
dahilan ipang siya'y
ipapatay.
Ipahahagupit ko na
lamang siya at saka
palalayain.”
Datapwat, lalo nilang
ipinagsigawan na
dapat ipako si Hesus
sa krus; at sa wakas
ay nanaig ang kanilang
sigaw.
Kaya't ipinasiya ni
Pilato na pagbigyan
ang kanilang
kahilingan. Pinalaya
niya ang taong
nabilanggo dahil
sa paghihimagsik at
pagpatay, ayon sa
hinhingi nila, at
ibinigay sa kanila si
Hesus upang gawin
ang kanilang
kagustuhan.
Nang dala na nila si
Hesus upang ipako,
nasalubong nila ang
isang lalaking galing
sa bukid.
Ito'y si Simon na
taga-Cirene. Pinigil
nila ito at ipinapasan
sa kanya ang krus,
kasunod ni Hesus.
Sinusundan si Hesus
ng maraming tao,
kabilang ang mga
babaing nananaghoy
at nananambitan
dahil sa kanya.
Nilingon sila ni
Hesus, at sinabi sa
kanila, “Mga
kababaihan ng
Herusalem, huwag
ninyo akong
tangisan.
Ang tangisan ninyo'y
ang inyong sarili at
ang inyong mga
anak. Tandaan
ninyo, darating ang
araw na sasabihin
nila,
“Mapalad ang mga
baog, ang mga
sinapupunan nang
hindi nagdalang tao, at
ang mga dibdib nang
hindi nagpasuso.
Sa araw na iyo'y
sasabihin ng mga
tao sa bundok,
'Gumuho kayo sa
amin!' at sa mga
burol,
'Tabunan ninyo kami!'
Sapagkat kung
ganito ang ginagawa
sa kahoy na sariwa,
ano naman kaya ang
gagawin sa tuyo?'
May dinala pa silang
dalawang salarin
upang patayin
kasama ni Hesus.
Nang dumating sila
sa dakong tinatawag
na Bungo, ipinako nila
sa Krus si Hesus.
Ipinako din ang
dalawang salarin, isa
sa gawing kanan at isa
sa gawing kaliwa.
Sinabi ni Hesus,
“Ama, patawarin mo
sila sapagkat hindi
nila alam ang
kanilang ginagawa.”
At nagsapalaran sila
upang malaman
kung alin sa kanyang
kasuotan ang
mapupunta sa isa't-
isa.
Ang mga tao'y
nakatayo roon at
nanonood; nililibak
naman siya ng mga
pinunong bayan.
Anila:
“Iniligtas niya ang iba,
iligtas niya naman
ngayon ang kanyang
sarili, kung siya nga
ang Mesiyas, ang
hinirang ng Diyos!”
Nilibak din siya ng
mga kawal, nilapitan
at inalok ng maasim
na alak. Sinabi nila,
“Kung ikaw ang Hari
ng mga Hudyo,
iligtas mo ang iyong
sarili. At nakasulat
sa ulunan niya ang,
“Ito ang Hari ng mga
Hudyo”
Tinuya siya nga isa
sa mga salaring
nakabitin, at ang
sabi, “Hindi ba ikaw
ang Mesiyas? Iligtas
mo ang iyong sarili,
pati na kami!”
Ngunit pinagsabihan siya
ng kanyang kasama:
“Hindi ka ba natatakot
sa Diyos? Ikaw ma'y
pinarurusahang tulad
niya!
Matuwid lamang na
tayo'y parusahan nang
ganito dahil sa ating
mga ginawa, ngunit ang
taong ito ay walang
ginawa na masama.
At sinabi niya: “Hesus,
alalahanin mo ako
kapag naghahari ka
na.” Sumagot si Hesus,
“Sinasabi ko sa iyo:
ngayo'y di isasama kita
sa Paraiso.
Nang mag-
iikalabindalawa ng
tanghali, nagdilim sa
buong lupain hanggang
sa ikatlo ng hapon.
Nawalan ng liwanag
ang araw;
at ang tabing ng
templo'y napunit sa
gitna. Sumigaw nang
malakas si Hesus, “Ama
sa mga kamay mo'y
ipinagtatagubilin ko ang
aking Espiritu.
At pagkasabi nito,
nalagot ang kanyang
hininga. Nang makita
nang kapitan ang
nangyari, siya'y nagpuri
sa Diyos.
“Tunay ngang matuwid
ang taong ito!”, sabi
niya. Ang nangyaring
ito'y nakita ng lahat ng
taong nagkakatipon at
nagmamasid; at umuwi
silang dinadagukan ang
kanilang dibdib.
Nakatayo naman sa di-
kalayuan ang mga
kaibigan ni Hesus, pati
ang mga babaing
sumunod sa kanya mula
sa Galilea at nakita rin
nila ang mga bagay na
ito. May isang lalaki na
ang ngala'y Jose na
tubo sa Aritmatea,
isang bayan ng mga
Hudyo. Mabuti at
matuwid ang taong ito
at kabilang sa mga
naghihintay sa
paghahari ng Diyos.
Bagamat kagawad siya
ng Sanedrin, hindi siya
sang-ayon sa kanilang
ginawa kay Hesus.
Nang maibaba na ang
bangkay,
binalot niya ito ng
kayong lino at inilagay
sa isang libingang inuka
sa bato - hindi pa iyon
napaglilibingan. Araw
noon ng Paghahanda, at
magsisimula ang Araw
ng Pamamahinga.
Sumunod kay Jose ang
mga babaeng sumama
kay Hesus mula sa
Galilea, at nakita nila
pinaglibingan, pati ang
pagkakalagay doon ng
bangkay ni Hesus.
Pagkatapos, umuwi sila
at naghanda ng
pabango at mira.
Nang dumating ang
Araw ng Pamamahinga,
nagpahinga sila, ayon
sa itinakda ng
kautusan.
PINUPURI KA
NAMIN
PANGINOON.
SA ARAW NA ITO
AY WALANG
SERMON AT
KREDO.
ANG KAPAYAPAAN
BAYAN:
Ingatan natin ang
pagkakaisa sa dulot
ng Espiritu sa bigkis
ng kapayapaan.
At sumainyo
rin.
ANG PAGLILIKOM
NG MGA ALAY
Hesukristo na
naglingkod
sa taong
mahal
Buong puso
ang sarili
inialay
Aking buhay
Pagpalait
bihagin
Upang iyong
aliping
manatili sa
pag-ibig mo
Panginoon,
munti ngang
handog sa
iyo
Sa tingin mo,
halaga ay
higit sa ginto
Sapagkat
Diyos ko,
tangi mong
hinahanap
Sa pag-ibig
magiging
tapat ang
puso ko.
ANG
PAGHAHANDOG
NG MGA ALAY
LAHAT:
Walang hanggang
Diyos, idinudulog
namin sa iyo ang mga
mga handog na alay,
tinapay at alak.
Marapatin Mong
tanggapin ito
bilang tanda ng
pag-aalay ng
aming sarili sa Iyo.
Nawa’y sa pamamagitan
nito, matanggap namin
ang lahat ng Iyong
kaawaan, mabuklod
kami sa bigkis ng pag-
iibigan,
at mapaging-bago kami
sa paglilingkod sa Iyo,
sa bisa ng sakramento
ng katawan at dugo ng
Iyong Anak na si
Hesukristo.
Amen.
ANG DAKILANG
PASASALAMAT
Maging sa mga
tumutupad ng
kanyang tipan, at
nakaalaalang
sumunod sa kanyang
mga kautusan.
Purihin ninyo ang
Panginoon, kayong
lahat ng mga anghel,
kayong malakas na
mandirigma na
tumutupad ng kanyang
pag-uutos, na
tumatalima sa kanyang
pangungusap.
Purihin ninyo ang
Panginoon , kayong
lahat niyang mga
nilikha ,
sa lahat ng dako na
kanyang
nasasaklawan ,
Purihin ang
Panginoon.
At sumainyo
rin.
Itinataas namin
sa Panginoon.
Matuwid na siya’y
ating pasalamatan
at purihin.
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos
Napupuno ang langit
at lupa nang
kadakilaan mo.
Osana, Osana, Osana
sa kaitaasan!
Osana, Osana, Osana
sa kaitaasan!
Pinagpala ang
naparirito sa ngalan
ng Panginoon!
Osana, Osana, Osana
sa kaitaasan!
Osana, Osana, Osana
sa kaitaasan!
Sa krus mo at
pagkabuhay kami'y
tinubos mong tunay
Poong Hesus naming
mahal, iligtas mo
kaming tanan
Poong Hesus naming
mahal, ngayon at
magpakailanman.
Amen.
ANG AMA NAMIN
LAHAT:
Ama namin
sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan
mo, mapasaamin ang
kaharian mo.
sundin ang loob mo,
dito sa lupa para
nang sa langit.
Bigyan mo kami
ngayon ng aming
kakanin sa araw-
At patawarin mo kami
sa aming mga sala,
para ng pagpapatawad
namin sa mga
nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming
ipahintulot sa tukso at
iadya mo kami sa lahat
ng masama.
Sapagkat sayo ang
kaharian, ang
kapangyarihan at ang
kaluwalhatian, ngayon
at magpakailanman.
Amen.
ANG PANALANGIN
NG KAPAYAPAAN
Amen.
ANG KORDERO
NG DIYOS
Kordero ng Diyos na
nag-aalis ng mga
kasalanan ng
sanlibutan
MAAWA KA SA AMIN,
MAAWA KA SA AMIN
Kordero ng Diyos na
nag-aalis ng mga
kasalanan ng
sanlibutan
MAAWA KA SA AMIN,
MAAWA KA SA AMIN
Kordero ng Diyos na
nag-aalis ng mga
kasalanan ng
sanlibutan
Ipagkaloob mo sa
amin ang
kapayapaan.
ANG
PANALANGIN NG
PAGPAKUMBABA
Dumudulog kami sa
iyong hapag,
maawaing Panginoon
na hindi nagtitiwala
sa sarili
naming pagkamatuwid,
kundi sa iyong
marami’t dakilang
awa. Hindi kami
karapat-dapat na
mamulot ng mga
sa ilalim ng iyong
hapag. Subalit likas sa
Iyo ang pagkamaawain,
ipagkaloob mo sa
amin,
kung gayon butihing
Panginoon, na aming
tanggapin ang
katawan ng iyong
mahal na Anak na si
Hesukristo,
at inumin ang
kanyang dugo, upang
kami na pinalalakas
at pinagiging-bago ng
kanyang buhay,
ay manahan sa
kanya, at siya’y sa
amin,
magpakailanman.
Amen.
ANG KOMUNYON
Panginoon,
Narito Ako
Naghihintay sa
utos mo
Lahat ng yaman
ko, ay alay ko
sa'yo
Ikaw ang tanging
buhay ko
Batid ko nga, at
natanto
Sa kasulatan ng
'yong turo
Pakikinggan at
itatago sa sulok
ng puso
Panginoon,
Narito Ako
Naghihintay sa
utos mo
Lahat ng yaman
ko, ay alay ko
sa'yo
Ikaw ang tanging
buhay ko
Yong pagligtas,
ihahayag
hanggang sa dulo
ng dagat
Pagtulong mo't
pusong dalisay
aking ikakalat.
Panginoon,
Narito Ako
Naghihintay sa
utos mo
Lahat ng yaman
ko, ay alay ko
sa'yo
Ikaw ang tanging
buhay ko
Ang buhay ko,
sa'yo lang
Panginoon
Habang ako'y
nabubuhay
Ang pag-ibig mo
ay aking buhay
Ang salita mo'y
gabay ng buhay
Dalangin ko,
Panginoon
pakinggan mo
Kahapon ko na
madilim baguhin mo
Iibigin kita,
mamahalin
paglilingkuran
Habang ako ay
may hininga
Dalangin ko,
Panginoon
pakinggan mo
Kahapon ko na
madilim baguhin mo
Iibigin kita,
mamahalin
paglilingkuran
Habang ako ay
may hininga
At sumainyo
rin.
LAHAT:
Makapangyarihang
Diyos, pinasasalamatan
ka namin sapagkat
kami’y iyong pinakain
ng kamahal-mahalang
katawan at dugo ng
iyong Anak na si
Hesukristo, ang aming
Panginoon. Sa
pamamagitan niya
iniaalay namin ang
aming kaluluwa at
katawan upang maging
buhay na hain, isugo
mo kami sa
kapangyarihan ng iyong
banal na Espiritu,
upang mamuhay at
kumilos sa iyong
kadakilaan at
kaluwalhatian. Amen.
Sa iyong dambana, ay
hatid ang alay
May lugod at tuwang
dalisay
Bilang alaala sa lahat
Mga biyayang sa amin
iyong bigay
Sapagkat atas mong
ibabalik sayo
Bahagi lang pala ay
narito
Hindi dahil sa
kailangan mo
Kundi yaong papuri
sa iyo
Sa iyong dambana, ay
hatid ang alay
May lugod at tuwang
dalisay
Bilang alaala sa lahat
Mga biyayang sa amin
iyong bigay
Sapagkat atas mong
ibabalik sayo
Bahagi lang pala ay
narito
Hindi dahil sa
kailangan mo
Kundi yaong papuri
sa iyo
ANG PAGHAYO
Amen
.
At sumainyo
rin.
Salamat sa
Diyos.
Ngayon at lilisan at
maghihiwalay, ang
mga anak mong sa
iyo'y nanambahan
Ang pagpapala mo sa
ami'y ibigay
Kami'y patnubayan
sa lahat ng araw
Sa aming pagsamba,
may biyaya't galak
Tunay mong pag-ibig
sa ami'y
lumalangkap
Ang kalooban mo,
ngayon ay maganap
At aming ikalat ang
bigay mong lingap.

Anda mungkin juga menyukai