Anda di halaman 1dari 24

ANG LIKAS NA BATAS

MORAL
Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensya
LIKAS NA BATAS MORAL
• Ibinigay ito sa Tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng
Diyos.
• May kakayahang kilalanin ang Mabuti at Masama
• Bigyang direksyon ang pamumuhay ng tao.
• Kailangan niyang gawin ang MABUTI dahil ito ang nakaukit sa kanyang
Pagkatao
• Ang konsensya ng tao kung saan nakalapat ang Likas na Batas Moral ay
ginagamit na PERSONAL na pamantayang moral ng Tao.
• Ginagamit sa Pagapapasya sa kung ano ang Tama at Mali sa Kasalukuyang
pagkakaaon.
UNANG PRINSIPYO NG LIKAS NA
BATAS MORAL
• GAWIN ANG MABUTI, IWASAN ANG MASAMA
• Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral
• Nakatatak na ito sa kanyang Isip, kaya nga kahit hindi
ganap na Hubugin, kayang kilalanin ng tao ang Mabuti at
masama
• Kailangan maging matatag ng
kanyang konsensya may
kinalaman sa pagtatalo ng
isipan
sa Mabuti at Masama.
PANGALAWANG PRINSIPYO NG
LIKAS NA BATAS MORAL
1. Kasama ng lahat ng may Buhay, may kahilingan ang taong Pangalagaan
ang kanyang Buhay.
-Natural at Likas na sa tao ang Kilos na ito. Kung Likas niyang
pinangangalagaan ang kaniyang sarili, natural lamang na likas itong
maibahagi sa kanyang kapwa.
2. Kasama ang mga Hayop (mga nilikhang may buhay at
pandama), Likas sa Tao (nilikhang may kamalayan at
Kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang
mga anak
-kailangang bigyang diin ang kaakibat nitong
TUNGKULIN na bigyan ng Edukasyon ang kanyang mga
anak. Inaasahang ang kabutihang nakatanim sa bawat
magulang batay sa Likas na Batas moral ay siya niyang
gagamitin upang hubugin ang mga anak.

VS->
3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na Kahilingan ang
tao na alamin ang Katotohanan at mabuhay sa Lipunan.
-hindi maaaring tumigil ang tao sa paghahanap ng
Katotohanan at hindi rin nararapat na ipagkait ito sa kaniya.
-ang pagtatago ng katotohanan o pagsisinungaling ay
maituturing na pagkakait sa isa ng Katotohanan.
PAGHUBOG NG KONSENSYA
• Mahalaga ito dahil nakatutulong ito sa tao na makilala ang
katotohanan na kailangan niya upang magamit nang
mapanagutan ang kanyang Kalayaan

Paano??
PARA MAHUBOG ANG
KONSENSYA…
1. MATAPAT AT MASUNURING ISAGAWA ANG
PAGHAHANAP AT PAGGALANG SA KATOTOHANAN
-ang pagtutugma ng sinasabi o iniisip ng tao tungkol sa isang
bagay at sa kung ano ang layunin ng pag-iral nito. Ang
paghubog natin sa konsensya kapag kumikilos tayo ay
mapanagutan.

Makikita na Mapanagutan sa Kilos ang isang Tao kung gagawin niya ang sumusunod:
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang
moral na sangkot sa isang kilos.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos
mula sa mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling
interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon sa
buhay.
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga
napapanahong isyung moral at mga implikasyong panlipunan
ng mgs ito.

V.S. ->
2. NAGLALAAN NG PANAHON PARA SA REGULAR NA
PANANALANGIN
Kapag regular na nakikipag-ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa
bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban,
paglinaw ng pag-iisip at kapayapaan ng puso.
MGA ANTAS NG PAGHUBOG SA
KONSENSYA
• ANG ANTAS NG LIKAS NA PAKIRAMDAM AT
REAKSYON
Hindi sapat ang kaalaman ng mga bata tungkol sa tama at mali,
Mabuti at masama. Umaasa lamang ang bata sa mga paalala,
paggabay at pagbabawal ng mga magulang nito. Dito ibabatay ng
bata ang kanyang kilos kung papaano niya gagawin ang tama at
Mabuti sa paningin ng kaniyang mga magulang
• ANG ANTAS NG SUPEREGO
Ang mga pagpapalagay at utos ng magulang at taong
makapangyarihan nanaisaloob na ng tao kasama ang ipinagbabawal
ng lipunan at nakaiimpluwensiya sa isang tao mula pa sa pagkabata.
Natututunan ng Bata na tanggapin at isaloob ang mga mabubuting
prinsipyo at pagpapahalagang moral mula sa kanyang mga
magulang. Ito ang simula ng “konsensyang moral”
• Layunin ng paghubog sa konsensya ay mahubog ang
pagkatao batay sa kung ano ang tama at mali. Upang higit
pang mapaunlad ang Paghubog sa konsensya…

a. Ang mga taong may kaalaman sa at nagsasabuhay ng mga


pagpapahalagang moral, may sapat na kakayahan sa proseso ng
paghubog sa konsensya tulad ng mga magulang at nakatatanda.

b. Sa simbahan mula sa mga Turo, panulat at magandang halimbawa


ng mga pari, pastor, Elders, at iba pang namumuno dito.

c. Sa Diyos, gamit ang Bibliya at halimbawa.


Sa proseso ng paghubog ng Konsensya, gamitin ng
mapanagutan ang Sumusunod;

a. ISIP
- Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at
pagkuha ng mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin,
pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip, pagiging
maingat sa pagpapasya sa kung ano ang pinakamabuting ang
pinakamabuting kilos na nararapat na gawin, pag-unawa sa Birtud.
b. KILOS-LOOB
- Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasya at
pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang
nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa
paglinang ng pagka-personalidad.
c. PUSO
- Pananalangin, pagkakaroon ng malalim na
kakayahan sa pagkilala ng Mabuti laban sa masama,
kahandaan na mas piliin ang Mabuti.
d. KAMAY
- palaging isakilos ang ginagawang pagpili sa Mabuti,
pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos,
pagsasabuhay ng mga Birtud at pagpapahalaga,
pakikihalubilo sa mga taong tunay na susuporta sa
paghubog ng mga Moral na pagpapahalaga.
“Ang ating pagkabigo ay daan tungo sa ating pag-
unlad. Tinatawag tayo upang maging ganap sa salita at
gawa. Kung ano tayo at kung magiging ano tayo ay
nakasalalay sa ating moral na Gawain. Ang mga gawaing
ito ay humuhubog sa ating pagkatao, pag-uugali at buong
buhay.”

-Konsensya (Lipio, 2004)


Ang ating kakayahan na maunawaan at piliin kung ano
ang mabutipatungo sa mabuting paraan ng pagkilos ay
nagmumula sa konsensyang nahubog ng mahusay. Ang
pagsunod sa utos ng Konsensya ay hindi lamang ang
paggawa ng Mabuti kundi higit sa lahat, ang pagiging
mabuting tao, ang pagpapakatao.
QUIZ :D GET ONE FOURTH!
NUMBERS 1 - 10
________________1. Ito ang regular na nakikipag-ugnayan sa Diyos sa
takdang oras sa bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng
kalooban, paglinaw ng pag-iisip at kapayapaan ng puso.

________________2. Ibinigay ito sa Tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan


at kabutihan ng Diyos.

________________3. Ang mga pagpapalagay at utos ng magulang at


taong makapangyarihan nanaisaloob na ng tao kasama ang
ipinagbabawal ng lipunan at nakaiimpluwensiya sa isang tao mula pa
sa pagkabata.
________________4. Pananalangin, pagkakaroon ng malalim na kakayahan sa
pagkilala ng Mabuti laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang Mabuti.

________________5. Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasya at pagkilos tungo


sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay
patungo sa paglinang ng pagka-personalidad.

________________6. ang pagtatago ng katotohanan / pakkakait ng


Katotohanan

________________7. Mahalaga ito dahil nakatutulong ito sa tao na makilala ang


katotohanan na kailangan niya upang magamit ang mapanagutan ang kanyang
kalayaan
________________8. GAWIN ANG MABUTI, IWASAN ANG MASAMA

TAMA o MALI
________________9. Ang konsensya ng tao kung saan nakalapat ang Likas na
Batas Moral ay ginagamit na PERSONAL na pamantayang moral ng Tao.

________________10. Maaaring tumigil ang tao sa paghahanap ng Katotohanan at


hindi rin nararapat na ipagkait ito sa kaniya.
EXCHANGE NAAAAA!!!
1. Pananalangin
2. Likas na Batas Moral
3. ANG ANTAS NG SUPEREGO
4. Puso
5. Kilos-Loob
6. Pagsisinungaling
7. Paghubog ng konsensya
8. Unang prinsipyo ng likas na batas moral
9. Tama
10. Mali
고맙습니다

Anda mungkin juga menyukai