Anda di halaman 1dari 7

MGA BERBAL, DI-BERBAL

AT PASULAT NA
PAKIKIPAGTALASTASAN
Ang pakikipagtalastasan ay
isinasagawa natin sa araw-araw. Sa
pamamagitan nito’y
nakapagpapaabot tayo sa iba ng mga
impormasyon, kaisipan, pananaw,
opinyon, reaksiyon, damdamin at iba
pa.
• Ang BERBAL O PASALITANG
PAKIKIPAGTALASTASAN ay karaniwang
isinasagawa nang harapan (face to
face), sa telepono, sa pamamagitan ng
makabagong application ng
teknolohiya tulad ng Facetime, Skype,at
iba pa gayundin ang pagsasalita sa
media tulad ng sa radio o telebisyon.
• Ang DI-BERBAL na komunikasyon ay
mga bagay na isinasagawa nating
nagpapaabot ng mensahe kahit hindi
natin binibigkas tulad ng pagkumpas ng
kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa
kausap at iba pa. Naipakikita rin ang di-
berbal na mensahe sa pamamagitan ng
ating pananamit at pag-aayos ng sarili.
• Ang PASULAT na komunikasyon ay
kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS o short
messaging system na lalong kilala bilang
text message, gayundin ang mga
mensaheng ipinadadala natin sa
pamamagitan ng mga social networking
site tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at
iba pa. Ang pasulat na komunikasyon ay
makikita rin sa mga aklat, magasin, diyaryo,
blog at iba pa.
Naipakikita ang kakayahan sa pakikipagtalastasang
pasulat sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
mensaheng magpaparating ng iyong sariling
pananaw.
Bumuo ka ng isang sulating hindi bababa sa
tatlong talata tungkol sa paksang nasa ibaba:
“Mga Paraang Maisasagawa ng Isang Kabataang
tulad ko Upang Umiwas o Tumanggi sa mga Hindi
Magagandang Impluwensiya sa Paligid na
Maaaring Makasira sa Buhay Ko”

Anda mungkin juga menyukai