Anda di halaman 1dari 10

Balik-aral

Magbigay kaisipan o natutunan tungkol sa


mga batas na may kinalaman sa pagsasarili ng
mga Pilipino.
May alam ba kayo tungkol sa Pamahalaang
Komonwelt?
Ano alam mo tungkol sa Pamahalaang
Komonwelt?
Ayon sa Batas Tydings-McDuffie, layunin ng pamahalaang
Komonwelt na masubok ang kakayahan ng mga Pilipino sa
pangangasiwa ng sariling pamahalaan. Sampung taon ang
ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa ang mga Pilipino
sa mga kasanayang pampolitika at panlipunan. Magsasanay
sila sa pagkilala ng mga suliranin, pagsusuri sa mga ito, at
pagbibigay ng kalutasan sa mga ito. Kung mapayapa na ang
bansa at matatag na ang pamahalaan, nangangahulugan na
maaari nang magsarili ang mga Pilipino.
Task Card
Pangkat 1,2,3,4
Layunin ng Saligang Batas ng 1935 na mabigyan ng pantay na
mga karapatan ang mga mamamayan. Alinsunod dito, naglunsad si
Pangulong Quezon ng mga programa na tutugon sa katarungang
panlipunan. Nagpatibay siya ng mga batas na nakatuon sa
pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan. Ilan sa mga batas na
ito ang sumusunod.
Minimum Wage Act – Nagtakda na hindi bababa sa piso ang
sahod sa isang araw na paggawa. Pagkatapos ito ay itinaas sa Ᵽ1.25 ang
pinakamababang sahod sa Maynila.
Task Card
Eight-Hour Labor Act – nagtakda na walong oras lamang ang
dapat ipagtrabaho ng isang manggagawa sa isang araw. Ito ay upang
mabigyan siya ng pagkakataon na makapagpahinga at makapaglibang.
Ang mga manggagawa na nagtatrabaho ng lagpas sa walong oras ay
binibigyan ng overtime pay.
Tenacy Act – nagtakda ng pagkakasundo ng umuupa at ng
nagpapaupa sa pamamagitan ng isang kontratang lalagdaan ng
dalawang panig. Kailangang maunawaan ng umuupa ang mga
probisyon ng kontrata bago niya ito lagdaan.
Public Defender Act – nagtakda na bibigyan ng libreng serbisyo
ng abogado ang mahihirap na manggagawa na may usapin sa paggawa.
Pangkat 1,2,3,4
TANONG
1.Ano ang Saligang Batas 1935? Ano ang layunin nito?
2.Sino ang pangulo ng Pamahalaan Komonwelt?
. 3.Anong program ang inilunsad ni pangulong Quezon
4.Anu-anong mga batas ang ipinagtibay niya?
Batas na nakatuon sa
pangangalaga sa
. kapakanan ng mga
mamamayan
Pagsusuri-
1.Ano ang pamahalaang Komonwelt?
2.Ano ang layunin ng pamahalaang Komonwelt?
3.Ano ang Katarungang Panlipunan?

. 4.Ilang taon ang ibinigay ng mga Amerikano upang mahasa ang mga Pilipino sa
mga kasanayan g pampulitika at panlipunan.
5.Sa iyong sariling pananaw o opinyon, sang-ayon ka ba sa mga batas na
ipinagtibay ni Pangulong Quezon? Bakit?
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.
1.Anong batas na ang layunin ay mabigyan ng pantay na mga karapatan
ang mga mamamayan. ____________________
2.Sino ang naglunsad ng mga programa na tutugon sa katarungang
. panlipunan. ___________________________
Nagpatibay si pangulong Quezon ng mga batas na nakatuon sa
pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan, anu-ano ang mga batas
na ito?
3. Minimum Wage Act, __________________
4. ___________________
5. ___________________
.
Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa Patakarang Homestead.

Anda mungkin juga menyukai