Anda di halaman 1dari 39

Aralin 1

ANG KAHALAGAHAN NG
PAG-AARAL NG MGA
KONTEMPORARYONG ISYU
PANIMULA

Maraming isyu, hamon at


suliraning kinakaharap
ang ating bansa sa
kasalukuyan.
Ang ilan sa mga
suliraning nararanasan
sa bansa ay maituturing
na mga kontemporaryong
isyu.
SURIIN ANG MGA LARAWAN
ANO ANG KONTEMPORARYONG ISYU?

Ang kontemporaryong isyu ay


tumutukoy sa anumang pangyayari,
ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong
larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
lto ay napag-uusapan, nagiging
batayan ng debate, at may malaking
epekto sa pamumuhay ngmga tao sa
lipunan.
 Ang mga isyung ito ay maaaring
may kaugnayan sa mga temang
tulad ng lipunan, karapatang
pantao, relihiyon, ekonomiya,
politika,kapaligiran, edukasyon, o
pananagutang pansibiko at
pagkamamamayan.
TANDAAN!
 Hindi lahat ng isyu ay
negatibo at nagiging
suliranin; may ilang
isyu rin na may
positibong epekto at
nagkakaroon ng
malaking epekto sa
pamumuhay ng mga
tao sa lipunan
KAHALAGAHAN PERSONAL NA
DAMDAMIN
IBA’T IBANG
PANANAW EPEKTO
PAGSUSURI SA MGA
KONTEMPORARYONG
MGA
PAGKAKAUGNAY
ISYU MGA MAAARING
GAWIN
PINAGMULAN
MGA SANGGUNIAN
KAHALAGAHAN
Bakit mahalaga ang isyu?
Sino anq tumuturing na mahalaga ang
mga ito?
Sino ang naaapektuhan ng isyu?
Sino ang nakikinabang sa isyu?
Sino ang napipinsala ng isyu?
Kailan/Saan/Paano nagsimula ang
isyu?
MGA SANGGUNIAN
pahayagan Internet
Saksi impormal na
magasin talakayan (sa
Dokumento bahay o sa
radyo komunidad)
Telebisyon pormal na
Babasahing talakayan (sa
artikulo paaralan o sa
pamayanan)
aklat
PINAGMULAN
Gumamit ba ito ng iba’t ibang sanggunian,
kabilang ang mga pangunahing
sangggunian o primary sources, upang
mapag-aralan ang isyu?
Mapagkakatiwalaan ba ang mga
sangguniang nagpapaliwanag ng isyu?
Paano itinuturing ng media ang isyung
nabanggit?
PERSPEKTIBO/PANANAW
Paano nagkakaiba ang mga pananaw sa
isyung ito?(Halimbawa:perspektibong
pangkapaligiran, pang-ekonomiya, politikal,
panlipunan, at iba pa)
Aling mga pananaw ang maipaglalaban sa
isyu? Bakit?
Kaninong mga pananaw ang hindi
napakikinggan?
Ano ang papel ng media sa paglikha o
pagpapalaganap ng isyung ito?
PAGKAKA-UGNAY
Paano nabago ang isyung ito sa paglipas ng
panahon?
Ano-ano ang maaaring maging konsiderasyon
sa hinaharap?
Paano maiuugnay ang isyung panlipunan, o
pang-ekonomiya sa iba pang mga isyung
pangkapaligiran?
Ang isyu bang ito ay bahagi ng isa pang mas
malawak na isyu o suliranin?
Paano naaapektuhan ng isyung ito ang
kapaligiran? Ekonomiya? Lipunan? Kalidad ng
buhay?
Bakit nananatiling suliranin ang isyung ito?
PERSONAL NA DAMDAMIN

Ano ang pakiramdam tungkol sa isyu


matapos ang pagsusuri tungkol dito?
Paano kaya naiwasan o napigilan
ang isyung ito? Ano-ano ang
maaaring ibang nagawa?
Ano-ano pang tanong ang
kailangang masagot?
EPEKTO
Pangkapaligiran, Panlipunan, politikal, pang-
ekonomiya
Ano ang nagaganap sa lokal, pambansa, at
pandaigdigang lebel tungkol sa isyu?
Ano-anong pagkilos ang isinasagawa ng mga
mamamayan. negosyante, at iba pang mga
pangkat tungkol sa isyu?
Ano-ano ang posibleng pangmadalian at
pangmatagalang epekto ng mga pagkilos
tungkol sa isyu?
MAAARING GAWIN
Ano ang magagawa o dapat gawin tungkol
sa isyu?
Sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu?
Ano-ano ang balakid o pagtataya sa
pagkilos tungkol sa isyu?
Ano ang maitataya tungkol sa isyu?
Paano kikilos tungkol sa isyu?
Paano mahihikayat ang ibang tao na
kumilos tungkol sa isyu?
MGA KONTEMPORARYONG
ISYU SA BANSA AT SA MUNDO
B
Abortion Chemical
Weapons
Age Chemical Waste
Discrimination Child Abuse
AIDS Child Labor
Animal Rights Climate Change/
Anti Muslim Global Warming
Discrimination
I
Balanced Civil War/
Budget Ethnic
Birth Control Conflict/Religio
Bullying us Conflict
Capital Computer
Punishment/ Hacking
Death Penalty Corporal
Punishment
I
Freedom of
Cyberbullying Religion and
Disaster Relief Belief
Discrimination Gambling
Gay Rights
Domestic Genetic
Violence Engineering
Drinking and Genetically
Driving Modified Food
N
Drug Abuse/Drug Globalization
Addiction
Economic Global Health
Integration Pandemics
Environmental Graft and
Pollution Corruption
Euthanasia/Mercy
Killing/Assisted
Suicide
N
Gun Control Minimum Wage
Hazing and Equal Pay
Homelessness Minorities
Human Rights’ Multiculturalism
Violations Organ and
Human Rights Body Donation
and Equality for
Women
G
Population and Sexual
Migration Trends Harrasment
Prostitution Sexual
Orientation and
Pornography Gender Identity
Poverty Single Parenting
Racism Sustainable
Development
O
Rape Teenage
Reproductive Pregnancy
Health Territorial
Dispute
Right to Work Terrorism
Same-Sex Texting while
Marriage Driving
Sex Trade Torture
O
Unemployment Wife Abuse
Union Busting Weapons of
Vigilantism Mass
Violence in Destruction
Video Games World
Voter Hunger
Disenfranchise
ment
GAWAIN 1: BINGO BONANZA

Ang mga mag-aaral ay gagawa ng BINGO ng


mga kontemporaryong isyu na makikita sa
mga naunang slides. Ang guro ay pipili ng
random ng mga kontemporaryong isyu at
lalagyan naman ito ng tanda ng mga mag-
aaral. Ang unang tatlong mag-aaral na
makabubuo ng straight at diagonal na pattern
ay BINGO at magkakamit ng premyo mula sa
guro.
GAWAIN 1: BINGO BONANZA

B I N G O
CIVIL WAR GLOBALIZATI

SAMPLE
SAMPLE

ABORTION POVERTY WIFE ABUSE


ON

ANIMAL DISCRIMINATI SEXUAL WORLD


HAZING
RIGHTS ON HARASSMENT HUNGER

SINGLE TEENAGE
AIDS GAMBLING BONUS PARENTING PREGNANCY

CYBERBULLY GRAFT AND


CHILD LABOR RACISM TORTURE
ING CORRUPTION

CLIMATE PROSTITUTIO UNEMPLOYM


BULLYING MINORITIES
CHANGE N ENT
GAWAIN 2: TABLEAU

Ang apat na pangkat sa klase ay bubuo ng


isang tableau ng mga sumusunod na
kontemporaryong isyu. Ang mga mag-aaral ay
bibigyan ng marka batay sa rubrik ng
pagmamarka na makikita sa ibaba:

Kaugnayan sa paksa at layunin – 10 puntos


Pagkamalikhaan – 5 puntos
Kooperasyon – 5 puntos
KABUUAN: 20 PUNTOS
TABLEAU

ANIMAL RIGHTS
TABLEAU

TEENAGE
PREGNANCY
TABLEAU

CHILD LABOR
TABLEAU

ABORTION
PAGPAPAHALAGA

• Ano ang kahalagahan ng pagiging maalam at handa sa mga


kasalukuyang pangyayari sa ating kapaligiran? Ipaliwanag.
• Ano ang kaugnayan ng mga isyu at hamon panlipunan sa inyo
bilang isang mag-aaral? Sa paanong paraan kayo naapektuhan
nito? Magbigay ng mga mungkahing solusyon upang matugunan
ang mga ito.
PAGLALAHAT

Ang kontemporaryong mga isyu


ay mga isyu sa kasalukuyan na
nangangailangan ng agarang
pagtugon upang tayong lahat ay
makapamuhay ng maayos at
matiwasay habang
nakakaangkop sa pagbabago ng
panahon.
PAGTATAYA
1. Ang kontemporaryong isyu ay mga napapanahong usapin
na nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging
matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao. Isa sa
mga isyung pambarangay ay ang tambak na basura sa paligid
dahil sa hindi regular na pagdaan ng trak ng basura. Paano
agarang matutuguanan ang problema sa basura? (analysis)
A. sa pamamagitan ng araw-araw na pag-iikot ng trak upang
maghakot ng basura
B. sa pamamagitan ng pagbili ng malalaking basurahan na
ilalagay sa bawat bahay
C. sa pamamagitan ng organisadong pagtatapon upang
malimitahan ang ituturing na basura
D. sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga bilihin upang walang
masyadong basura sa bahay
PAGTATAYA
2. Si Roman ay isang tipikal na kabataan na madaming pangarap
sa buhay at nagnanais iahon sa hirap ang pamilya. Siya ay
madaming kaibigan at mahilig sa paglalaro ng basketbol. Dahil
dito, madalas syang lumiliban sa klase na nagiging sanhi sa
kawalan ng sapat na kakayanan upang makabasa at makasulat
na naaayon sa kanyang baitang. Bakit nararapat na bigyan ito
ng agarang pansin
A. upang maiwasan ang pagdami o pagtaas ng bilang ng mga
kabataang walang trabaho sa hinaharap
B. upang maiwasan na maging modelo sya ng madaming
kabataang mahilig din maglaro ng basketbol
C. upang siya ay muling mahikayat na sipagin pumasok kahit na
naglalaro ng basketbol
D. upang maging inspirasyon nya ang mga pangyayari sa
kanyang buhay at maging inspirasyon sa iba
PAGTATAYA
3. Ang problema sa ating kapaligiran ay isang
malaking isyu na kinahaharap sa ating bansa. Ang
matinding polusyon sa lupa, hangin at tubig na
nagdudulot ng matinding pagbaha, matinding
tagtuyot at pagguho ng lupa ay ilan lamang sa
nararanasan sa ating bansa. Alin ang posibleng
maapektuhan ng mga nabanggit na problema?
A. kapayapaan at kalusugan
B. kalakalan at kabuhayan
C. kultura at kabuhayan
D. kalikasan at kapayapaan
PAGTATAYA
4. Ang mga Pilipino ay kilalang masiyahin sa kabila ng
madaming problemang kinahaharap. Bagaman problemado,
alerto sa pagtanggap at muling pagbangon sa mga hamon at
nagaganap sa kapaligiran. Mahalaga bang maging maalam at
handa sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating kapaligiran?
A. Hindi, sapagkat maaga kang mamumulat sa kasamaan ng
madaming tao sa paligid mo
B. Oo, sapagkat maaari mo itong maging basehan upang
iwasan ang mga posibleng panganib
C. Hindi, sapagkat bilang mag-aaral wala pa ding saysay ang
mga opinyon mo sa mas nakatatanda
D. Oo, sapagkat marapat lamang na madami kang masabi sa
mga talakayan ninyo sa silid-aralan
PAGTATAYA
5. Si Abigail bilang isang tipikal na kabataan ay nagnanais na
maging huwaran sa lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at
pagkilos ng mabuti ng may katwiran. Siya ay nag-aaral ng
mabuti para may sapat na kaalaman para sa kinabukasan ng
ating bayan. Darating ang panahon siya ay magiging kabahagi
nito. Kung ikaw si Abigail, ano ang bahaging gagampanan mo
bilang mamamayan sa pagharap sa isyu at hamong panlipunan?
A. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga
responsibilidad sa mamamayan
B. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na
nararanasan sa sariling komunidad
C. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga
isyu at hamong panlipunan
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong
panlipunan
SANGGUNIAN

 _______ (2017) Araling Panlipunan 10 – Modyul


para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2017
 Antonio, E. et. al. (2017) KAYAMANAN:Mga
Kontemporaryong Isyu. Rex Publishing. Quezon
city.

Ginaw a ni JC LAYLO
Guro sa Rosario National High School, Division of Cavite Province

Anda mungkin juga menyukai