Anda di halaman 1dari 20

Banghay Aralin sa Araling

Panlipunan 4

(IKAAPAT NA KUWARTER)
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Pakikilahok sa mga Programa at Proyekto na
Nagtataguyod ng mga Karapatan
B. Sanggunian: CG, ap4kpb-ivi-7
Patnubay ng guro, p. 177-179
Kagamitan ng mag-aaral, p. 398-405
C. Kagamitan: tv, laptop, metacards, gawaing papel
D. Pagsasanib:
1. ESP: pagmamalaki sa mga pilipinong nagbigay
karangalan sa bansa
2. Filipino: pagbibigay ng mga kahulugan ng mga salita
3. Mathematics: pagsulat tamang halaga ng pera
4. Sining: pagguhit ng isang larawan
5. NDRRMC: fire prevention month
6. Agham: pagtatanim ng mga puno/pangangalaga sa
kalikasan
III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULA:
1. Ibigay ang tamang salita o mga salitang
kabilang sa mga katangian ng pagiging
produktibong mamamayan ayon sa mga
kahulugan nito. Hanapin ito sa kahon:
a. kumain ng masustansiyang pagkain
b. mapanuri sa kalidad ng mga bilihin
c. bumibili ng mga gamit na yari sa bansa
Matalinong mamimili

Tinatangkilik ang sariling


produkto

Pagiging malusog
2. Balik-aral: (Paghahanap ng Kapareha)
Hanapin ang kapareha ng mga kilalang
Pilipino kung anong larangan sila
nagbigay-puri sa buong mundo.
Catriona Gray SAYAW
Liza Macuja-Elizalde PALAKASAN
Nonito Donaire PAGPINTA
Overseas Filipino PAGGAWA
Workers
Victorio Edades PAGANDAHAN
3. PAGGANYAK:
* PAGPAPAKITA NG MGA LARAWAN. ANO-ANO
ANG IPINAHIHIWATIG NG BAWAT LARAWAN?
*Nasubukan mo na bang sumali sa mga gawaing ito?
Ano ang pakiramdam mo? Ano ang naging bunga ng
pakikilahok mo rito?
B. Paglinang:
1. Paglalahad:
Tatalakayin natin ngayong hapon ang Pakikilahok sa
mga Programa at Proyekto na Nagtataguyod ng mga
Karapatan.
*Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang mga
karapatan ng mamamayan kaya maraming programa at
proyektong binuo upang matugunan ang mga ito.
Kailangan lamang ng aktibong pakikilahok at pakikiisa ng
mga mamamayan.
* Ang tanong: Paano makilahok sa mga programang
ito?
2. Pangkatin ang klase sa tatlo.
Pangkat 1: National Disaster Risk Reduction
Management Council (NDRRMC)
Pangkat 2: National Greening Program (NGP)
Pangkat 3: Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4Ps)
*Ano ba ang dapat gawin kung may pangkatang
gawain?
3. Pagbibigay ng mga activity sheets sa
bawat pangkat
4. Pagbibigay ng mga panuto at mga
patnubay sa pagsasagawa ng pangkatang
gawain
5. Pag-uulat ng bawat pangkat
C. Pagtatalakay
* Ano-ano ang mga programa o
proyekto ng pamahalaan?
* Paano tayo makilahok?
* Bakit kailangan tayong makilahok
sa mga programa ng pamahalaan?
D. Paglalahat:
* Ano-ano ang mga programa o proyekto
ng pamahalaan?
* Ano-ano ang mga paraan para
makilahok dito?
* Itala ito sa pisara
* Bakit kailangan tayong makilahok sa
mga programa ng pamahalaan?
E. Pagpapahalaga:
* Paano mo ipapakita ang kahandaan kung
may darating na sakuna sa inyong lugar
lalong-lalo na ang sunog?
* Sino dito ang kabilang ng 4Ps? Alam ba
ninyo ang halaga ng perang matatanggap
kada buwan? Pakisulat sa pisara.
* Bilang mga batang kagaya ninyo, ano-ano
ang mga paraan upang mapangalagaan ang
kapaligiran natin?
F. Paglalapat: Kaya Natin ‘To!
Bawat pangkat ay magsasagawa ng
sumusunod:
Pangkat 1: Sumulat ng mga dapat gawin
kung may sunog sa inyong lugar.
Pangkat 2: Maghanda ng tula o awitin
tungkol sa malinis na kapaligiran.
Pangkat 3: Gumuhit sa isang bondpaper ng
mga dapat gawin bilang kasapi ng 4Ps.
IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon at piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Si Aling Maria a nakatatanggap ng pera bawat buwan
mula sa 4Ps. Ano ang dapat gawin niyang gawin sa pera?
A. Ipambayad ito sa koryente at tubig.
B. Ibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
C. Ibili ito ng mga gadget.
D. Gamitin ito sa pagpapaaral at pagpapagamot ng
mga anak.
2. Nagbibigay ng pagpupulong ang inyong barangay ukol
sa mga dapat gawin sa oras ng pagbaha o sakuna dahil isa
ang inyong lugar sa mga binabaha tuwing malakas ang
ulan. Nagbabala ang PAGASA na magkakaroon ng bagyo sa
susunod na araw. Ano ang dapat mong gawin?
A. Susundin ko ang bilin ng aking tatay.
B. Gagawa ako ng sariling paraan.
C. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ng mga
tauhan ng barangay.
D. Susundin ko ang mga ibinilin pero hindi ako lilikas
hanggang hindi pa mataas ang tubig.
3. Naglunsad ang inyong barangay ng Greening
Program. Hinikayat ang bawat pamilya na
magkaroon ng isang narseri sa bakuran. Ano ang
iyong gagawin?
A. Masayang makilahok sa programa.
B. Magsawalang-kibo upang hindi mapansin.
C. Sabihin sa barangay na hindi kayo
marunong magtanim.
D. Magpalista sa barangay ngunit hindi
gagawa ng narseri.
V. Karagdagang Gawain:
Sa isang buong papel, sumulat ng
isang talata tungkol sa kahalagahan
ng pakikilahok sa mga programa ng
pamahalaan.
Inihanda ni:

FATIMA L. MACAPIIL
T-I
Observed:

SUSANA C. AMORA
Principal

Anda mungkin juga menyukai