Anda di halaman 1dari 21

ANG KAMATAYAN NG BAYANI

Kabanata 9
PAGKATAPOS NG PAGLILITIS
• Ibinalik si Rizal sa Fort Santiago
• Tinanggap ni Rizal ang opisyal na pahayag na
hatol na kamatayan sa kanya nang mag-
iikaanim ng umaga
• Kapitan Rafael Dominguez – nagbasa ng
hatol na kamatayan
• Inilipat siya sa kapilya ng Fort Santiago
MGA DUMALAW KAY RIZAL (UMAGA)
• Padre Miguel Mata at Padre Luis Viza – mga
unang dumalaw sa kanya
• Padre Rosell – kasalo niyang mag-agahan
• Tenyente Taviel de Andrade – pinasalamatan
ni Rizal sa maningning niyang pagtatanggol
dito
• Padre Federico Faura, Padre Jose Villaclara
at Padre Balaguer
• Si Padre Balaguer ay bumalik ng hapon
MGA DUMALAW KAY RIZAL (4:30PM)
• Doña Teodora – lumuhod at humalik ng
kamay dito si Rizal at humingi ng
kapatawaran sa kanyang ina
• Trining – iniabot ni Rizal ang isang
kosinilyang de-alkohol bilang huling alaala at
binanggit ang mga katagang “There is
something inside”
• “MI ULTIMO ADIOS” – ayon kay Austin Craig
ay isinulat ni Rizal noong Disyembre 12, 1896
MGA DUMALAW KAY RIZAL (6:00PM)
• Padre Silvino Lopez Tunon – dekano ng
Manila Cathedral
• Padre March – umalis na kasama si Padre
Balaguer
• Padre Villaclara – naiwan sa piling ni Rizal
MGA DUMALAW KAY RIZAL (8:00PM)
• Padre Balaguer at Padre Viza – pinagusapan
nila ang tungkol sa relihiyon
• Piskal Gaspar Castaño ng “Royal Audiencia”
MGA DUMALAW KAY RIZAL (10:00PM)
• Burador (draft) ng retraksyon mula kay
Arsobispo Bernardino Nozaleda – hindi
nilagdaan ni Rizal dahil napakahaba raw
• Burador ng retraksyon mula kay Padre Pio Pi
(Superyor ng Misyong Heswita sa Pilipinas) –
naibigan ito ni Rizal maliban sa iilang bagay
- nilagdaan raw ito ni Rizal ng 11:30PM at
saksi sina Juan del Fresno (Pinuno ng mga
guardia) at Eloy Moure (Ayundante sa plasa).
• Pagkatapos nito ay nangumpisal siya kay Padre
Villaclara.
DISYEMBRE 30, 1896 - 1:30AM
• Lumuhod siya sa altar, nagrosaryo at isinuot
ang asul na iskapularyo ng Birhen
Imakulada
• Nangumpisal muli kay Padre Villaclara
(Pangatlo)
MISA NI PADRE BALAGUER - 3:30AM
• Pang-apat na pangungumpisal
• Nakinig siya sa misa at nangumunyon
5:00AM
• Huling almusal
• Nilagdaan niya ang mga larawan at mga
aklat na panrelihiyon bilang mga alaalang
maiiwan niya sa kanyang ina, kay Josephine
at kina Josefa at Trinidad
• Dumating si Josephine at ang kapatid ni Rizal
na si Narcisa
KASAL NI RIZAL AT JOSEPHINE
• Hiniling ni Rizal kay Padre Balaguer na ikasal
sila ni Josephine
• Ikinasal sila
• “Imitacion de Cristo” – isang aklat na
panrelihiyon na ibinigay na alaala ni Rizal kay
Josephine
May nakasulat dito na “Sa aking
minamahal at namimigating asawa”
6:00AM
• Nakahanda na si Rizal sa Bagumbayan
• Sumulat ng liham para sa kanyang ama at ina
MGA ISINULAT NA LIHAM
(DISYEMBRE 29, 1896)
• Dr. Ferdinand Blumentritt
• Paciano
RETRAKSYON NA ISINULAT NI
RIZAL (AYON KAY GREGORIO F. ZAIDE)
• Ipinahahayag niya na siya’y Katoliko
• Binabawi niya nang buong puso ang kanyang
mga sinabi, sinulat, ipinalathala at inasal na
naging laban sa kanyang kalagayan bilang
anak ng simbahan
• Kinasusuklaman niya ang Masonerya
• Ipinahayag niya ito upang mabayaran ang
ano mang iskandalong naging bunga ng mga
ginawa niya at upang patawarin siya ng
Maykapal
IBA’T IBANG MGA PANINIWALA
UKOL SA RETRAKSYON
• Dr. Gomercindo Garcia – isang Mason,
naniniwalang hindi nagbalik-loob sa
Simbahang Katoliko si Rizal
• Nicholas Zafra – nagsabing may mga
dokumentong nagpapatunay na nilagdaan ng
mga nakasaksi (Padre Balaguer, Padre Viza,
mga Heswita at Kapitan Rafael Dominguez)
• Palma – ayon sa kanya, may mga taong dapat
makaalam ng pagbabalik loob na ito ni Rizal
sa nagbigay rin ng mga pagpapatunay hinggil
sa bagay na ito
MGA BAGAY NA HINGGIL SA
PAGBABALIK-LOOB NI RIZAL
• Nalathala sa mga pahayagang:
• Diario de Manila
• Las Voz Española
• El Comercio
• La Oceana Española
6:30AM
• Patungo na sa Bagumbayan
• Suot ni Rizal:
• Ternong itim
• Kurbatang itim
• Somebrerong itim
• Sapatos na itim
• Ayon sa mga mananalaysay, may nakalawit din na
rosaryong itim sa kanyang kanang kamay
• Napapagitnaan siya nina Tenyente Luis Taviel de
Andrade, Padre March at Padre Villaclara
• Pinapangunahan ng apat na sundalong nakabayoneta
at sa likod ay mga sundalo din
PAGLALAKAD PATUNGONG
BAGUMBAYAN
• Mabagal na lumakad sina Rizal
• Sinabi niya sa kanyang katabing pari na kay
ganda ng umaga at payapang-payapa
• Nabanggit din niyang maliwanag na natatanaw ang
Corregidor at mga bundok sa Cavite, lagi raw
silang namamasyal ng kanyang asawa roon nang
mga umagang kasigganda ng araw na iyon
• Nang malapit na sila sa Bagumbayan, luminga siya
sa kapaligiran at nakita niya ang Ateneo, sinabi
niya sa pari sa pitong tao siya sa paaralan na iyon
BAGUMBAYAN
• Maraming tao ang naroroon
• Matatag ang mga hakbang ni Rizal nang
pumasok ang pangkat sa isang malawak na
parisukat na naliligiran ng mga sundalo
• Nagpaalam siya sa mga pari at tagapagtanggol
• Binasbasan siya ng isang pari at inilapit sa
kanya ang isang krusipiho at hinagkan ito ni
Rizal
BAGO MAMATAY ANG BAYANI
• Tahimik na lumakad si Rizal sa lugar na
pinatayuan sa kanya
• Hiniling niyang barilin siya ng nakaharap
ngunit tinanggihan ito sapagka’t utos ng
kapitan na barilin siya ng nakatalikod
• Sinabi ni Rizal na kailanma’y hindi siya
naging taksil
• Pinulsuhan siya ni Dr. Felipe (Kastilang
manggagamot) at normal ito, nagpapakilalang
hindi takot mamatay si Rizal
ANG PAGKAMATAY NG BAYANI
• Narining ang rebolde ng mga tambol at
sumunod ang utos ng pagbaril
• Sinundan ng anim na putok
• Pumihit ng paharap si Rizal, at isinambit ang
“Consumatum Est” – “Naganap Na”
• Nabuwal siya sa dakong kanan at ang mukha’y
nakaharap sa langit, ang kanyang ulo’y sa
may dakong dagat
• Siya ay namatay upang manatiling buhay sa
puso’t diwa ng sambayanang Pilipino