Anda di halaman 1dari 3

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

Ano ang kahulugan ng panunuring pampanitikan?


• Isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat
ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing
manunulat at katha
• Ito ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
• Ito’y isang tangkang displinado para higit na mabigyang-halaga at maunawaan ang isang
akdang pampanitikan – tula, nobela, dula o maikling kwento
Mga dapat malaman sa panunuring pampanitikan?
• Sa pagsusuri, kinakailangan ng lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong
nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaran o
istilo.
• Kailangan ding ang manunuri ay ay may opinyong bungang obhektikong pananaw laban
man o katig sa katha, kaya kailangan siya ay maging matapat.
• Mabatid kung kailang ito naisulat, upang ito ay masuri batay sa panahon na kinabibilangan
nito.
• Ito ay hindi pamimintas.
• Ito’y pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan batay sa mga teorya at pagtatalakay.
Mga simulain sa panunuring pampanitikan?
• Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso, at marubdob
na damdamin at ng tapat na mithi sa Kalayaan.
• Dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
• Mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang
pagtatalakay at organisasyon ng materyal, malinaw ang balangkas ng kinapapalooban ng
malinaw na tesis o argumento na sinusundan ng sanaysay, may naidagdag sa
kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
• Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa panangisag sa tula ay hindi dapat panaigin (Ruben
Vega).
• Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng kakayahan ng
makata. Sa halip ang kailangan pahalagan at sukatin upang makagawa ng makatarungag
paghatol ay kung paano ang pagkakatula.
• Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan ,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan.
• Ito ay kailangang napapamalas ng masinop na pagkakaugnay ng mga sangkap ng
pagsulat.
PAGKAKAIBA NG KRITISISMO AT PANUNURI
• NAGTATANONG UPANG MALIWANAGAN – PANUNURI
• NAGBIBIGAY AGAD NG HATOL SA HINDI NIYA MAUUNAWAAN – KRITISISMO
• NAKALAHAD AT MAPANUYANG TINIG– KRITISISMO
• NAKALAHAD SA MABUTI, MATAPAT, AT OBHETIBONG TINIG– PANUNURI
• SERYOSO AT HINDI MARUNONG MAGPATAWA – KRITISISMO
• NAGPAPATAWA RIN – PANUNURI
• NAGHAHANAP NG PAGKUKULANG SA MANUNULAT AT SA AKDA – KRITISISMO
• TUMITINGIN LAMANG SA KUNG ANO ANG NASA PAHINA – PANUNURI
MGA KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG KRITIKO
• Matapat sa sarili at itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining.
• Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri ng
Lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
• Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa pampanitikan.
• Iginagalang ang iba pang pananaw ng iba pang mga kritiko
• Kailangan ng isang tigas ng damdaming naninindigan

Anda mungkin juga menyukai