Anda di halaman 1dari 6

ANG PANITIKAN

KAHULUGAN NG PANITIKAN AYON SA IBA’T IBANG EKSPERTO

Rufino Alejandro at Julian Pineda- Ang panitikan ay “bungang isip na isinatitik”. Ito rin
ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa ng noon,
ngayon, at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga karanasan
ng sangkatauhan na nasusulat sa masining at makahulugang mga pahayag.
W.J. Long- Ang panitikan ay nasusulat ng mga tala ng “pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao”.
Arrogante- Isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang isang tao ng
mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig
na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.
Webster Dictionary- Ito ay anumang anyo nasusulat sa anyo mang patula o tuluyan sa isang
particular na panahon.
Panitikang Pilipino nina Gonzales, Martin at Rubin- Ang panitikan ay isang paraan ng
pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan sa paraang ipinaparanas sa mambabasa
ang kaisipan at damdamin ng manunulat.
Bro. Azarias- Para naman kay Bro. Azarias ang panitikan ay pagpapahayag ng damdamin
ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa pamahalaaan, sa lipunan
at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa sa Poong Lumikha.

PANITIKAN
PANG+TITIK+AN

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang “pang=titik=an” na kung saan ang


unlaping “pang” ay ginamit hulaping “an”. At sa salitang “titik” naman ay
nangangahulugang literature (literature), na ang literature ay galling sa Latin na littera na
nangangahulugang titik.
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANITIKAN
Panahon o Klima
Hanapbuhay
Pang-araw-araw o Karaniwang Gawain
Pook
Lipunan at Politika
Edukasyon
Pananampalataya

URI NG PANITIKAN
✓ KATHANG-ISIP- Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para
sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-
isip ng mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para
sa kanilang mga prosing katulad ng mga nobela at maikling kuwento.
✓ HINDI KATHANG-ISIP- Bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba
pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng
manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa
lamang ang nakakainganyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang isip na
mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay, at mga akdang pang – kasaysayan.

ANYO NG PANITIKAN
✓ PATULA- Nahahati sa mga taldtod o saknong at ginagamit ng mga piling salita na
maaaring mayroong sukat, tugma, talinhaga o maaari din naming wala. Ang mga
halimbawa ay kasabihan, salwikain, bugtong, awiting-bayan at bulong.
✓ TULUYAN- Ito ay nasusulat ng Malaya sa anyo ng mga talata na karaniwang
binubuo ng mga pangungusap.
MGA AKDANG TULUYAN

ALAMAT- isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay ng mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ng alamat ang mga mito at kuwentong-
bayan.
ANEKDOTA- isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o
kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilalal, sikat o tanyag na
tao. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng
mga tao.
NOBELA- isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata. MAyroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong
ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga
pangunahing literacy genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at
isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang
pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghaabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang
pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila. Isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay.
PABULA- isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan. May
natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng
mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.
PARABULA- isanf maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o
prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na
kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
MAIKLING KUWENTO- isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o imresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Si
Edgar Allan Poe ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento”.
KUWENTONG-BAYAN- nga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga
tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari,
isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang
kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o relihiyon ng isang
bannsa o lupain.
DULA- isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa
ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo
sa isang tanghalan o entablado.
SANAYSAY- isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na kuro-kuro ng may-akda.
TALAMBUHAY- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng
buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
BALITA- isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang
kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-
alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamamagitan ng
paglilimbag, pagsasahimpapawid, internet, o galling sa bibig at ikalat sa
ikatlong Partido o sa maramihang mambabasa at nakikinig.
TALUMPATI- isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid
sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
MGA AKDANG PATULA

TULANG PASALAYSAY- taglay ng tulang ito ang paglalahad ng


makulay at mga mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, kabiguan,
tagumpay mula sa kahirapan. Inilalahad din nito ang kagitingan at
katapangan ng mga bayani sa pakikidigma.
✓ EPIKO- isinasalaysay nito ang kagitingan ng isang tao, ang mga
tagumpay niya sa digmaan, pakikipagtunggali sa mga kaaway.
Maraming tagpo ang hindi kapani-paniwala sapagkat may
kababalaghan at milagrong napapaloob.
✓ AWIT- may labin-dalawa (12) na pantig sa bawat taludtod. Tulang
pasalaysay na kung saan makatotohanan ang mga tauhan at
maaaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang
pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o adante.
✓ KORIDO- may walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang
pasalaysay na may kasamang kababalaghan; ang mga tauhan ay
nagsasagawa ng mga bagay na di maaaring magawa sa tunay na
buhay.
TULANG PANDAMDAMIN- ang uri nito ay sumasalamin sa damdamin
ng makata o ang taong sumusulat ng tula. Ang damdamin o emosyon ng
makata lamang ang naging konsiderasyon sa pagsulat ng uri nito.
✓ PASTORAL- isang tula na naglalayong ilarawan o ipahayag ang
tunay na buhay sa kabundukan atbp.
✓ DALIT- kadalasang pumupuri sa Diyos o kay Birhen Maria;
nagtataglay ng mga pilosopiya sa buhay at patakaran ng relihiyon.
✓ PASYON- isang aklat na inaawiit kung panahon ng Mahal na Araw
upang ilahad ang mga sakripisyo ni Hesukristo upang tubusin ang
sangkatauhan mula sa kanilang kasalanan.
✓ AWITIN/KANTA- Madamdamin ang nilalaman nito upang
ipahiwatig ang pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, kaligayahan at iba pang naramdaman ng puso na
kinahuhumalingan ng halos kabataan sa ngayon.
✓ ELEHIYA- naglalahad ito ng alaala ng isang yumao, guniguni
tungkol sa kamatayan, panangis at pananghoy.
✓ SONETO- lagging nagtataglay ng mga aral sa buhay, may labing-
apat na taludtof at ang mga nilalalman ay tungkol sa damdamin at
kaisipan, at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
TULANG PATNIGAN- isang uri ng tula na kung saan nakatuon ito sa
pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinion o kuro-
kuro.
✓ BALAGTASAN- pagtatalo ng dalawa o rtatlong manunula sa
iisang paksa.
✓ KARAGATAN- paligsahan sa pagtutula. Kilala rin ito sa tawag na
libangang tanghalan.
✓ DUPLO- paligsahan naman sa pangangatwiran sa anyong patula.
Ito ay binubuo ng mga mahahalagang salita at kasabihan.

Anda mungkin juga menyukai