Anda di halaman 1dari 11

PANAHON NG MGA

ESPANYOL
PANDARAYUHAN NG MGA KASTILA SA PILIPINAS

Pagkatapos ng mga katutubo,ang mga kastila


naman ang nandayuhan sa Pilipinas.

Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga


katutubo ang Kristiyanismo. Ayon sa kanila,
’’Barbariko,di sibilisado at pagano’’ang mga
katutubo noon at dapat nilang baguhin ito sa
pamamagitan ng pananampalataya.
WIKANG GAMIT SA PAGPAPALAWAK NG
KRISTIYANISMO

Naging malawak na usapin ang wikang


gagamitin sa pagpapalawak ng
kristiyanismo.
Naniwala ang mga Espanyol noon na mas
mabisa ang paggamit ng mga katutubong
wika sa pagpapatahimik sa mamamayan
kaysa sa isang libong sundalong espanyol.
MGA PRAYLENG ESPANYOL

Ang mga prayleng Espanyol ang naging


institusyon ng mga Pilipino.Upsng
maisakatuparan ang kanilang layunin,inuna nila
ang paghati ng mga isla ng mga
pamayanan.Nakita nilang mahirap palaganapin
ang relihiyon at kontrolin ang mga Pilipino
kung iilan lamang ang mga prayleng
mangangasiwa.
ANG PAMAYANAN AY PINAGHATI-HATI
SA APAT NA ORDEN NA PAGKARAA’Y
NAGING LIMA:
AGUSTINO PRANSISKANO

DOMINIKO

HESWITA REKOLETO
Ang paghati ng mga pamayanan ay nagkaroon
ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng
mga katutubo.Sa loob ng maraming taon,sinikil
ng mga Espanyol ang kalayaan ng mga
katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar.
Nabuo ang takot ng mga katutubo sa
prayle,moro at maging sa mga tulisan.
Upang maging epektibo ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo,ang mga misyonerong
Espanyol mismo ang nag aral ng mga wikang
katutubo.Nakita nilang mas madaling
matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa
ituro ang wikang Espanyol.
Dahil dito ang mga prayle ay nagsulat ng mga
diksiyonaryo at aklat-
panggramatika,katekismo at mga kumpesyonal
upang mapabilis ang pagtuto nila ng
katutubong wika.
WIKANG PANTURO
Naging usapin ang ang wikang panturong
gagamitin sa mga Pilipino.
●Iniutos ng Hari na gamitin ang wikang
katutubo sa pagtuturo ngunit hindi ito nasunod.
●Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na
turuan ang mga Indio ng wikang espanyol.
●Sina Carlos I at Felipe II naman ay
naniwalang kailangang maging bilingguwal ng
mga Pilipino.
●Iminungkahi naman ni Carlos I na ituro ang
Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol.

Sa huli napalapit ang mga katutubo sa mga prayle


dahil sa wikang katutubo ang gamit nila
samantalang napalayo naman sa pamahalaan
dahil sa wikang Espanyol ang gamit nila.
• Inulit ni Haring Felipe II ang
utos tungkol sa pagtuturo ng
Ika-2 ng wikang Espanyol sa lahat ng
Marso, katutubo.Nabigo muli kaya si
Carlos II ay lumagda ng
1634
isang dekrito na inuulit ang
probisyon ng kautusan.

• Si Carlos VI ay lumagda sa isa


Ika-29 ng
pang dekrito na nag uutos na
Disyembre
gamitin ang wikang Espanyol
,1972
sa lahat ng paaralan.
Mababatid sa parte ng
kasasaysayang ito na nanganib ang
wikang katutubo.Nagwatak watak
ang mga Pilipino at matagumpay na
nasakop ng mga Espanyol ang mga
katutubo.

Anda mungkin juga menyukai