Anda di halaman 1dari 3

Reading in the Philippine History

Summary of Report
Local Hero of Northern Samar
Juan Agustin Sumuroy

Prepared by:
Jonathan Espelembergo-BSED1 Filipino
Reporter
Juan Agustin Sumuroy (Juan Ponce Sumuroy sa ibang tala)
Si Juan Agustin ( o Juan Ponce) Sumúroy ay pinunò ng pag-aalsa sa Samar laban sa mga Español noong kalagitnaan
ng ika-16 siglo.

Walang gaanong ulat tungkol sa buhay ni Sumuroy liban sa anak siyá ng isang babaylan sa Ibabaw (ngayo’y Palapag)
sa hilagang-silangan ng Samar. Ipinalalagay na lumaki siyá sa tabing-dagat kayâ mahusay sa paglalayag. Bilang
bangkero ay maganda ang kaniyang kabuhayan bukod sa hindi siyá pinagbabayad ng buwis ng mga Español.

(Emma Helen Blair's collection as it is in the archives of the University of Michigan Special Collection, 1674-1683

There was an Indian named Sumoroy in the village of Palapag (a municipality in the present day province of
Northern Samar), who was regarded as one of the best, although he was one of the very worst, and was as evil as his
father-who, accredited with the same hypocrisy, was a babaylan and priest of the devil, and made the other Indians
apostatize.)

Ayon sa tala ni Emma Helen Blair, Indian boy ang kanyang naitukoy kay Sumuroy, Ayon sa Legal Indian System ang
mga native or indigenous religion ng mga indian ay Hindu, Muslim at Christian. Sa Pilipinas unang lumaganap ang
relihiyong Muslim. Kaya masasabi natin na maaring Muslim ang Relihiyon ni Juan Agustin Sumuroy.

Pag-aalsa ni Sumuroy

Ang Pag-aalsa ni Sumuroy noong 1649–1650 ay nagsimula sa Palapag, Hilagang Samar at kumalat sa mga kalapit
na probinsya ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Ito ay pinlano at sinimulan ni Juan Agustin Sumuroy (Juan Ponce
Sumuroy sa ibang tala) noong 1649 dahil sa pagtutol niya sa polo y servicio o sapilitang pagtatarabaho na ipinataw sa
mga katutubong manggagawa sa Samar.

Polo y Servicio- ito ang sapilitang paggawa o pagtatrabaho ng mga Pilipinong lalaki na 16 – 60 taong gulang. Ang
tawag sa kanila ay mga polista.Nagtatrabaho sila ng mga mabibigat na gawain tulad ng paggawa ng malalaking
simbahan, kalsada,gusali, galyon at iba pa. sa loob ng 40 araw bawat taon ng walang sweldo. Bagaman ayon sa
Decree Law ng POLO ay bawat Polistas ay makakatanggap ng 50 centavos sa kanilang pagtratrabaho.

Falla- ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapagtatrabaho sa sistemang polo. Ayon sa batas,
ang mga polista ay may sweldo at bibigyan ng pagkain ngunit hindi ito tinupad ng mga opisyal ng Espanyol. Ito ang
naging dahilan ng galit at pag-aalsa ng mga katutubo

Sistemang Bandala- ito ay sapilitang pagbili ng pamahalaang espanyol ng mga produkto mula sa mga katutubong
magsasaka na may tinakdang dami ngunit naibebenta sa mababang halaga lamang.

Dahilan ng Rebelyon

Ang Espanya ang isa sa mga nangunguna sa larangan ng nabigasyon noong ika-16 siglo kaya marami silang pagawaan
ng mga barko sa Pilipinas. Ang mga katutubong Pilipino ay kadalasang pinagtatrabaho sa mga pagawaan ng barko na
malapit sa kanilang tahanan ngunit dahil sa pagkalugi, isinara ang karamihan ng mga pagawaan ng barko sa Pilipinas
samantalang iniwan namang bukas ang iba at isa na rito ay ang pagawaan sa Cavite. Dahil sa batas na isinulong ni
Gobernador-Heneral Diego Fajardo, ang mga katutubong karpintero sa iba’t ibang probinsiya ng Pilipinas ay
maaaring ipadala sa Cavite.

Ang mga karpintero ng Palapag, Samar ay hindi sang-ayon sa batas na ito dahil mawawalay sila sa kanilang mga
pamilya nang matagal na panahon.

Magmula nang makita ng mga katutubo/natibo ang pagkuha sa mga kalalakihan upang dalhin sa Cavite, nagsimula na
silang magpulong sa bahay nina Sumuroy at ng ama nito. Sina Don Juan Ponce, isang maimpluwensiyang tao; Don
Pedro Caamug; at Sumuroy ang mga itinalagang lider ng pinlano nilang pag-aaklas.

Dahil rito, nagpasiya si Sumuroy at ang kaniyang mga kasamahan na patayin si Padre Miguel Ponce Barberan,
Heswitang prayle ng Palapag, sa pamamagitan ng pagsibat sa kaniya na agad namang ikinamatay ng prayle noong
1649. Matapos ang pagpatay sa prayle, ang mga kalapit na simbahan sa Ibabao, Samar ay sinunog bilang senyales ng
kanilang pakikiisa sa rebelyon.

Paglawak ng Pag-aalsa

Nang masaksihan ang katapangan ng mga rebeldeng Waray, ang mga katutubo mula sa probinsiya
ng Camarines, Sorsogon, Masbate, Cebu, Iligan, Cagayan, at ilang lugar sa Mindanao, ay sumunod sa kanilang
yapak. Sa Camarines, tinuligsa ng mga katutubo ang mga Espanyol habang sa Sorsogon naman, ang punong pari ng
mga Pransiskano ay pinalayas at ang kanilang alferez (ranggo sa militar) ay pinatay. Sa Cebu, inatake rin ng mga
katutubo ang hukbong Espanyol habang sa Iligan, inatake at inagaw ng mga Manobo ang kalapit na siyudad ng
Cagayan. Gayundin ang ginawa ng mga rebelde sa Mindanao. Sa kabundukan ng Samar, itinatag ni Sumuroy ang
isang gobyerno ng mga rebelde.

Pagpuksa sa Rebelyon

Nagsimula nang matakot ang mga Espanyol dahil sa unti-unting paglakas ng rebelyon kaya nagpasiya sila na
magpadala ng isang hukbo mula sa Zamboanga upang supilin ito. Isa sa mga kapitan ng hukbo ay si Juan de Ulloa.
Pinamunuan niya ang mga sundalong Lutao kasama si sarhento mayor Francisco Macombo.

Samantala, ang posisyon ni Padre Barberan bilang lokal na pari ng Palapag ay pinalitan ni Padre Vicente Damian. Sa
pamumuno ni Don Pedro Caamug, isa sa mga lider ng rebelyon, bumaba ang mga Waray mula sa kabundukan ng
Samar at pinatay si Padre Damian kasama ang dalawa niyang alalay. Noong 11 Oktubre 1649, muli nilang sinunog
ang bagong tayong simbahan na nauna nang sinunog ng mga rebelde noon.

Noong kinagabihan ng Hulyo 2,1650, Si Macombo at ang kaniyang hukbo ay sinalakay ang kuta ng mga Waray sa
kabundukan na kilala sa tawag na “palapag mesa.” Doon napuksa ang rebelyon at sinunog ang kuta.

Pagpapatawad sa mga Rebelde at Pagkamatay ni Sumuroy

Pinatawad ni Don Gines de Rojas, isang Espanyol, si Don Pedro Caamug.

Datapwat nakaligtas sina Sumuroy at ang kaniyang ama, hindi sila pumayag na sumuko sa awtoridad kaya sila ay
pinugutan ng ulo ng kanilang mga dating kasamahan sa utos ni Don Gines de Roxas.

Anda mungkin juga menyukai